CHAPTER THREE
Napatahimik ang lahat ng dumating ang teacher namin. Lahat ay nagtakbuhan sa kani-kanilang upuan. Kaya naman walang gana akong lumapit sa upuan ko at itinayo iyon. Lintik lang ang walang ganti!
Unang araw pa lang ng pagpasok ko dito ganito na kaagad ang bubungad sa akin. Lucky me ah!!!
Sarcastic akong napangiti, ni hindi ko na ata nasalaulo ang sinasabi ng teacher namin na nagsasalita ngayon. Ang iniisip ko lang ay kung paano ako makakaganti sa bading na yun! At wala akong pakealam kung kinakatakutan sila dito at kung s'ya pa ang leader ng S5 na sinasabi nila. Grrrrrrr!!!
Lunch break.....
Mag-isa akong naglakad papunta sa canteen. Pero hindi pa man ako nakakapasok sa pinto ng canteen.
May mga nagtiliang mga babae na nagpasakit ng tenga ko. Akala mo'y nakakita ng artista.
Napalingon ako kung saan gawi sila nakatingin, at ganoon na lang ang panliliit ng mata ko ng masipat ang leader ng S5 na sinasabi nila. Ang bading!
Humugot ako ng malalim na hininga bago ako lumapit sa kanila. Humanda s'ya sakin!
Taas noo akong naglakad papalapit sa gawi nila. May apat syang kasama at s'ya ang nasa gitna ng mga yun, totoo ngang lima sila, syempre S5 nga diba?"Hoy!" Sigaw ko na dinuro ang bading!
Pare pareho naman sila at sabay sabay pang napalingon sa akin.
Pare pareho nila akong tinignan pero ang paningin ko lang ay nakakatutok sa pakay ko. Tumingin s'ya sa akin na nangliliit ang mata at ngumiwi ng bahagya.
"At sino ka sa tingin mo para mang utos na hilahin ang upuan ko!" Nanginginig nanaman ako sa galit.
"WHo is she?" Biglang tanong nung isa sa mga kasama n'ya. Isa isa kong tinignan ang apat nyang kasama. Mmmmm, infairness lahat sila gwapo at malakas ang dating. Pero wala akong pakealam!
"Oh ano bading! Bakit hindi ka magsalita dyan!" Dinuro ko ulit si bading.
"Did she call you bading?" Medyo tumawa na sabi nung isa nyang kasama. Pero hindi ko s'ya pinansin tinitigan ko lang ng masama ang busit na pakay ko. Akala n'ya siguro papalampasin ko ang ginawa nya.
"Umalis ka nga sa daanan ko!" Sa wakas nagsalita ang bading matapos lang naman akong titigan na akala mo kinabisado ang buong mukha ko.
"Ang yabang mo ah, eh paano kung Ayaw ko.." mas humarang ako at pinagkros ang mga braso ko, taas noo ko pa syang nginiwian.
"Alis sabi!!" Sigaw n'ya na kitang kita ko na ang pagtiim bagang n'ya.
"Akala mo siguro matatakot mo ko sa mga pa ganyan ganyan mo Ah! Hoy! Kayong lima! Wala akong pakealam kung anong trip n'yo sa buhay n'yo ah!" Isa isa ko silang dinuro. At Pare pareho pa silang mukhang nagulat sa ginawa ko. "Eto tandaan n'yo at lalo na ka na!" tinigil ko ang pagduro kay bading. "Ulitin mo pa yung ginawa mo maghahalo ang balat sa tinalupan!"
Hindi ko na sila Pinagsalita pa. Kaagad na akong tumalikod at naglakad palayo. Hindi na din ako pumunta sa canteen, nawalan na ako ng gana!!
Papalampasin ko na lang muna s'ya ngayon! ulitin n'ya pa talaga!! Grrrrrr...
"Kamusta ang First day Of School mo anak.." si Mom. Nagdidinner kame ngayon at wala pa si dad kaya naman nauna na kameng kumain.
Palihim akong bumuntong hininga. Ano naman ang sasabihin ko kay mom? Na may nakaaway lang naman ako sa unang araw ko sa School. Ayoko naman na isipin n'ya na para away ako, ilan beses na din kase akong may nakaaway pero hindi naman kase ako ang nangunguna, at syempre never akong nagpaapi.
BINABASA MO ANG
Bullying my fiancé -on going-
Teen FictionPaano kung ipagkasundo kang ikasal sa lalakeng Hindi mo naman gusto! Makakayanan mo kayang pakasalan sya, kung sya din ay Ayaw sayo at gusto kang mawala sa buhay nya! Yes!!! I'm getting married to the most annoying bully guy! I really don't lik...