CHAPTER SEVEN

19 3 2
                                    

CHAPTER SEVEN

Lunes...

Tinatamad man akong bumangon pinilit ko ang sarili ko, dalawang gabi na akong walang tulog at dahil lang naman iyon sa nalaman ko na ang Fiancé ko at ang taong kinaiinisan ko sa School ay iisa! Hindi ako makapaniwala, pakiramdam ko pinaglalaruan ako ng tadhana.

"Wahhhh! Please kung masamang panaginip lang ito, pwede bang gumising ka na Rex!" Halos sabunutan ko na ang sarili ko. Gusto kong magising sa bangungot na 'to!

Pero wala! Kahit anong gawin ko gising na gising ako at heto nakaharap sa tapat ng salamat sa bath room ko. Kinuha ko yung toothbrush at nagsimulang magsipilyo, tsaka ako naligo.

Sa campus...

Napaaga ata ako ngayon kainis, ibig sabihin mabibingi nanaman ako sa mga bungangang maiingay ng mga kaklase ko. Hay puro kamalasan talaga! Sana lang hindi ko makita ang gurilyang yun para hindi naman masira ang araw ko!

At sana din walang makaalam dito sa campus na mapapangasawa ko pala sya! Dahil ikakahiya ko s'ya! Salita pa lang nasusuka na ko, paano pa pag-nangyari na! No no no!!! Gagawa ako ng paraan para hindi ko mapakasalan ang busit na yun!

Malakas na ingay ang nagpasakit sa tenga ko ng marinig ang mga bulungan ng mga studyante. Lahat sila nagkukumpulan sa tapat ng fountain. Anong meron? Teka nga makachismis nga, free naman siguro makichismis din dito.
Halos makipagsiksikan ako para lang makita ang pinagkakaguluhan nila.

"Ano nanaman kaya ang ginawa ng babaeng yun.." yun lang ang bulong na narinig mula sa katabi ko. Nilingon n'ya ako at ngumiwi.

"There she is.."

Ako ba ang tinutukoy n'ya? Pinag tinginan pala nila ako ng mga kasama n'ya. Aba makatingin! Dukutin ko mata n'yo eh!

Tatanungin ko na sana s'ya ng marinig ang boses na pinaka-kinaiinisan ko at yung tenga ko allerging allergy sa boses n'ya sumasakit ng kusa!
Lumingon ako sa fountain at nakita ang gurilya na ang ganda pa ng tayo sa gilid ng Fountain! Aba akala ko ba bawal tumayo dyan! Lakas nito ah! Ay oo nga pala nakalimutan ko pagmamay-ari nga pala nila itong School na 'to! Grrrrr! Yabang talaga! At ano naman ang tinatayo tayo n'ya dyan? Anong trip nanaman nitong gurilyang 'to.

Yung apat n'ya naman na kagrupo nasa baba. Maya maya May iniabot yung isa nyang kaibigan sa kanya. Mukhang tarpaulin.

Kinuha yun ni gurilya at binuklat ng paharap sa mga nakikichismis.

Nanglaki ang mata ko sa gulat!!!

"Ang babaeng ito!" Malakas na sigaw n'ya!

Teka!!! Ako yun ah!!

Hawak n'ya lang naman ang mukha kong nakatarpaulin pa! Yung pinasa kong 2x2 picture dito sa school! Lintik!

"Sad to say! S'ya lang naman ang fiancé ko! Pati ako nagulat din!"

Malakas na sigawan at bulungan ang bumingi sa akin. Yung mga katabi ko ngayon halos ang lalaki ng mata na nakatingin sa akin. Mga bulungan na Hindi makapaniwala, Kahit Sino naman Siguro Hindi maniniwala, biruin mo, magkaaway kame tapos malalaman namin na pinagkasundo na pala kame ng mga magulang namin, wow diba! Parang pang pelikula lang! Grrrr!

Pero Teka nga? Anong TRIP nito??? Bakit n'ya sinasabi sa lahat!!

"Alam n'yo naman siguro kung sino s'ya, yung transferee na feeling maganda." Ngumiwi pa ang lintik na winagayway pa ang mukha ko! Hoy! Anong feeling! Yabang talaga nitong gurilyang 'to ah Teka nga! Hahakbang na sana ako para sugurin s'ya pero natigilan ako ng magsalita ulit s'ya. "So Yun nga, sinasabi at pinapaalam ko Lang naman sa inyong lahat, bago nyo pa malaman sa kung Sino Sino, at gusto ko Lang malaman nyo na una palang Nakita ko ang babaeng yan Ayoko na sa kanya,!" Tinuktok nya pa yung mukha ko sa tarpaulin. Lintik talaga! "Kaya naman gusto ko itrato nyo sya na isang ordinaryong studyante dito! No special treatment Kahit pa sya ang fiancé ko!! Maliwag ba?'!!"

Bullying my fiancé -on going-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon