CHAPTER 11

27 2 1
                                    

CHAPTER 11

NAPAMULAT ako nang may maramdamang kamay na bahagyang tumatapik sa pisngi ko.

"Ano gising na ba?!"  
Boses nang busit na gurilya kaagad ang narinig ko.

Malabo pa ang paningin ko at Pilit na nagmulat. At halos magulat ako nang makitang nakahiga ako sa kantungan ni James. Kitang kita ko sa malapit yung buong mukha nya. My goodness sobrang gwapo!

"Ayos ka lang ba?" Tanong nya, kaya naman natauhan ako. 

"O-Oo ayos lang ako.." sa sobrang hiya ko sa kanya kaagad akong bumangon sa pagkakahiga sa lap nya.

Ano bang nangyari?

"Mabuti naman at ayos na si fiancé kinabahan ako dun ah.. napalakas ata ang pagbato mo sa kanya ng bola Ace.."  Si Charles. Pero sa narinig ko nagpintig talaga ang tenga ko.

Kaagad kong hinarap si Kenzo Ace na ngayon ay Hindi na maipinta ang mukha. 

"Ikaw ang bumato sa'kin?!!" Galit na sigaw ko sa kanya.

Hindi sya makasagot at parang natakot sa akin. Nakikita ko pagmumukha nyang nakakainis!

"Ano— ka-kase.."

"Busit ka talaga sa buhay ko Kahit kelan!" Pinagtutulak ko sya at habang ginagawa ko yun umaatras lang sya. "Wala ka ba talagang gagawing matino ha?! Balak mo pa akong patayin.."

"Hoy! Tumigil ka na nga, Hindi—ko naman—-"

"Busit ka!! Bakit Ikaw pa ang naging fiancé ko! Sana mamatay ka na lang! Para Hindi ko na makita ang pagmumukha mo!!" Mas malakas ang pagtulak ko sa kanya. Sobra sobra ang galit ko sa taong ito. Kulang na kulang ang salitang "kinamumuhian ko sya!"

"Stop it.. enough okay.." Pilit syang umaatras at sinasalag ang mga hampas ko sa kanya nang Bigla akong makaramdam ulit ng hilo at muling nangdilim ang paningin ko.

Napatigil ako at napahawak sa ulo ko. Nahihilo ako sobra. Mamatay na ba ako?

Makikita ko na ba si kamatayan? Asan sya? Nakakatakot! H'wag naman sana! Ayoko pang mamatay!

Pero matutumba na sana ako nang may maramdamang sumalo sa bewang ko.

Hindi ako makamulat at hilong hilo talaga ako. Pero ang diwa ko gising na gising.

"Hoy! Ayos ka lang.." naririnig ko lang ang boses ni gurilya at alam kong sya ang may hawak hawak sa akin ngayon. Niyuyugyog nya yung balikat ko, Pero Hindi ko na kayang magmulat pa. At kung mamatay man ako ngayon wag naman sana, dahil Hindi ko kayang mamatay sa kanlungan ng taong 'to. 



"Kamusta po sya Doc?" 

Nagising ako sa boses na narinig ko. At hanggang sa muling pagkabuhay ko ang taong kinamumuhian ko ang sasalubong sa akin. Napakamalas ko talaga.

Hindi muna ako nagmulat at pinakinggan silang nag-uusap.

"Wala naman'g injured ang kanyang ulo, at sa nakikita ko Hindi ang pagtama ng bola ang dahilan ng pagkahilo nya."

"Ano pong ibigsabihin nyo doc?"

"Mababa ang potassium nya at Malamang sa Hindi pagkain ng wasto ang dahilan kung bakit sya biglang nagcollapsep.."

"Eh paanong nangyari yun doc Eh ang takaw takaw nga nyan Eh.. Kanina nga lang—"

"Hoy! gising ako at naririnig kita!" Inis na pigil ko sa sinasabi nya. Nakuha pa akong siraan sa doctor!

Bullying my fiancé -on going-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon