CHAPTER NINE

9 3 0
                                    

CHAPTER NINE

BAGO PA kame magtunawan ng tingin ni gurilya, ako na ang umiwas ng tingin. Bumaling ako ng tingin kay liya at tsaka ako lumapit sa kanya at hinila sya. Mabuti pang umalis na lang sa lugar na iyon.

Dinaanan ko din yung basurahan at tsaka ko pinulot yung libro ni liya na nadumihan na.

Walang lingon lingon naming nilisan ang canteen. Wala na talagang matinong tao sa lugar na yun.

Bakit sya pa ang naging fiancé ko! Hindi Talaga kame magkakasundo!!
Isumbong ko na lang Kaya sya kay Tito Manuel? Malamang lagot sya. Pero ako yung taong Hindi sumbungera. Kaduwagan kase ang tawag ko dun.

"Sandali Lang.." Tumigil ako sa May mini fountain at tsaka ko kinuha ang panyo sa bulsa ko. Binasa ko yun ng tubig at pinunasahan ang libro ni liya. Kahit sa Ganoon paraan mapatahan ko na sya dahil Kanina pa ako naiirita sa pag-hibi nya. Alam kong importante sa kanya ang libro nya, Pero Wala ba Talaga syang balak Tumigil sa pag-iyak?

"Oh Ayan, malinis na.. Hindi na halatang ibinasura.." nilahad ko yun sa kanya. At Sa wakas Tumigil din sya sa pag-iyak.

"Salamat Rexie.." kinuha nya ang libro at tsaka niyakap iyon. Nakahinga ako ng maluwag.

"Ayos lang yan, Ibibili na Lang kita ng bago kung gusto mo.."

Umiling naman sya. "Hindi na, ayos lang 'to, parang Wala na ngang nangyari.."

"Sigurado ka?"

"Oo naman.. Salamat ulit."

"Wala yun, busit Talaga ang mga yun, mga walang ginawang matino.."

"Sino ba ang mga yun?" Takang tanong ni liya. Oo nga pala Hindi nya pa Kilala ang grupong yun.

"Sila lang naman ang grupo ng S5.. ang pinakasikat at pinakabully dito sa school na 'to. Ayun ang sabi nila. Pero para sa akin Hindi sila sikat, at Mga busit sila sa buhay ko.."

"Pero bakit sabi nila fiancé mo yung isang pinakagwapo?"

Wow ah! Pinakagwapo pa din ang napansin nya. Para sa akin Hindi sya gwapo kase kinakain ng ugali nya ang itsura nya!

"Oo Fiancé ko nga yung busit na yun.."
Umupo ako sa bench sa ilalim ng puno Andito na kame ngayon sa field. Mas okay pa dito masarap ang simo'y ng hangin.
"Mahabang istorya, ay Hindi pala ganon kahaba, eh basta baka Hindi ka din maniwala. Kase Kahit ako Hindi pa din makapaniwala.."
Tumayo ako at Umupo na Lang sa dumuhan. Tsaka ako pasalampak na humiga. Makulimlim Kaya kayang kaya kong makipagtitigan sa langit. Nakakarelax ang ganito.

"Hindi kita maintindihan.." nilingon ko si liya na nakatitig pala sa akin.

"Ganito kase yun......" nag-simula akong magkwento kay liya. Kahit pa Ayaw kong pag-usapan, Pero syempre kaibigan ko na sya at Kailangan nyang malaman. 

Nag-ring na ang bell saktong pagkatapos kong magkwento Kaya naman Kaagad kameng bumalik sa classroom. Hindi man lang kame nakapag-lunch. Kainis!
Kumukulo na ang tiyan ko Kanina pa, kaseng Lakas ng pagkulo ng dugo ko sa busit na gurilyang yun, kasalanan nya kung bakit Hindi ako nakapaglunch!!

Kaya Habang nagtuturo ang teacher namin. Hindi ako mapakali, gutom na gutom na ako. At wala atang pumapasok sa ulo ko, lahat nang tinuturo nya Hindi ko maintindihan.

Kaya naman bago pa ako mamatay sa gutom. Nakaisip na ako ng paraan. Hehe.

Nagtaas ako ng kamay.

Bullying my fiancé -on going-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon