CHAPTER ONE
Isang linggo ang nakalipas at heto papasok na ako sa bago kong School. Goodluck sa akin. No Friends! Walang kakilala, magmumukha nanaman akong lonely girl nito! Grrrr.
Nakasivilian lang ako dahil hindi pa nabibigay ang uniform ko. At iyon ang mahirap dun, kase Center Of attraction ako nito panigurado. Bukod kase sa suot kong skirt abot hanggang tuhod at puting blouse with My 3inches high heel. Nakalugay at kulot ang buhok ko sa dulo. Wala akong Make UP! Dahil hindi ko naman kailangan yun. Kontento na ako sa Face powder at kaunting lip Gloss.
Sumulyap ako sa salamin at pinasadahan ang itsura ko. Ang nakakainis mugto pa din ang mata ko sa kakaiyak, ilang araw na akong umiiyak simula ng malaman ko na ikakasal ako sa lalakeng hindi ko naman gusto, at bukod dun hindi ko pa nakikita dahil hindi sumipot noong araw ng pamamanhikan pala namin. Imagine? Wala akong kaalam alam na pamamanhikan na pala iyon? At kame pa talaga ang namanhikan?
Flashback....
Nakakunot ang noo ko at masama ang loob ng makauwi kame sa bahay matapos ang dinner kala Tito Manuel.
"Anak okay ka lang ba?" Tanong ni mom nang pasalampak akong naupo sa Sofa. Hindi ako matunawan sa narinig ko! Seriously? Sa edad kong 'to ay ipinagkasundo na ako ng daddy ko sa anak ng matalik nyang kaibigan? Seriously? Wala akong kaalam alam!
"Alam mo din ba 'to mommy?" Naiiyak na tanong ko kay Mom na umupo sa tabi ko. Umiling s'ya at hinagod ang likod ko. At heto na si dad na kakapasok lang ng bahay dahil nagpark pa s'ya ng kotse.
"Dad ano yun? Bakit ganun?!" Iyon lang ang nasabi ko pero mataas na ang tono ng boses ko. Hindi ko alam kung Paano ko sya tatanungin. Iniisip ko na Lang na baka nagbibiro lang sila.
"Im sorry hindi ko kaagad nasabi sayo.."
My God! Iyan lang ang sasabihin n'ya? Hindi ba big deal sa kanya ngayon ang nararamdaman ko? S'ya ba talaga ang daddy ko? Ang daddy ko na iniidolo ko???
"Dad ang bata ko pa para sa ganito, wala akong kaalam alam, ang akala ko sa mga palabas lang ang mga ganyang fixed marriage, Tapos ngayon, ako pa pala ang makakaranas! Ni hindi ko nga kilala ang sinasabi n'yong papakasalan ko!"
Yes Hindi ko Kilala, at Kahit anino nya Hindi sumipot Kanina. Naiyak na ko. Hindi ko na kinaya ang hapdi ng mata ko sa pagpipigil ng mga luha ko."Listen, Im sorry Baby, pero kase ang pangako ay pangako.."
Kumunot ang noo ko sa tipid na sinabi ni dad. Nakaupo na s'ya sa gilid ko.
"What do you mean dad? Hindi kita magets.." Sumalubong ang kilay ko. Tinignan ko s'ya sa mata n'ya na pumungay ng bahagya.
"Mga bata pa lang kame, nangako na kame sa isa't isa na kung magiging magkasalungat ang kasarian ng aming magiging anak...."
"Wait, seriously?" Pinutol ko ang sinasabi ni dad. Gets ko na! Kahit hindi n'ya pa ituloy! My God! Is This really happening? Ganoon na lang yun? Dahil sa childhood promising nila kailangan akong magsakripisyo? Wala akong masabi! Parang Tumigil ang mundo ko! Nagblocked out ako!
Humagulhol ako ng iyak, sapo ko ang mukha ko. I can't believe this!!
"I'm sorry baby.." naramdaman ko ang yakap sa akin ni dad mula sa tagiliran ko at hinagod hagod pa ang likod ko. Hindi ko akalain na Kaya nyang gawin sa akin yun. Yung daddy ko na kayang ibigay ang lahat ng gusto ko! Ang kapalit naman ay ang saktan ako ng ganito!
BINABASA MO ANG
Bullying my fiancé -on going-
Teen FictionPaano kung ipagkasundo kang ikasal sa lalakeng Hindi mo naman gusto! Makakayanan mo kayang pakasalan sya, kung sya din ay Ayaw sayo at gusto kang mawala sa buhay nya! Yes!!! I'm getting married to the most annoying bully guy! I really don't lik...