CHAPTER TEN

10 1 0
                                    

CHAPTER TEN


NAPASINGHAP MULI AKO ng makita ang galit na galit na itsura ni Mam Mercy.

Naglakad sya papalapit sa akin na kaseng Lakas nang pag-dagungdong ng mga takong ng sapatos ang kabog nang dibdib ko.

"Ang sabi mo ay magbabanyo ka lang, Pero Mukhang Hindi ata banyo ang pinuntahan mo.."

"I'm sorry Mam.." napayuko na lang ako. Nakakahiya!

"Ayoko sa lahat yung nagsisinungaling Miss. Romero, Oras nang klase kumakain ka mag-isa sa canteen? Ano na lang ang sasabihin ng ibang makakakita sayo? Ganoon ka ba kagutom at Hindi ka na nakatiis pa? Kakatapos lang ng lunch break, gutom ka kaagad.."

Napabuntong hininga na lang ako. Gusto kong sumagot na "Oo gutom ako! Gutom
Na gutom dahil sa Lintik na Kenzo na yun!"

Kasalanan nyang lahat. At isinumbong nya pa Talaga ako ah! Humanda sya!!!

"I'm so sorry Mam.." sinsero kong sinabi.

"Sa school na ito iha, Kahit malakas ang kapit mo, Hindi ako nangungunsinti, ibahin mo ako sa ibang mga guro dito.."

Nakipagtitigan pa sa akin si Mam. Pilit kong nilabanan ang tingin nya. Nakakatakot sya Tumingin. At alam ko naman ang tinutukoy nya, halos lahat naman dito alam na fiancé ko ang anak nang nagmamay-ari nang school na 'to.  Pero Hindi naman porket dahil Lang dun Kaya ko ginawa 'to. Gutom na gutom lang Talaga ako. Hindi ako nakapag-breakfast kaninang umaga dahil tinanghali ako ng gising.

"Sige na bumalik ka na sa Room mo.. Tapos pumunta ka sa guidance office mamaya pagkatapos ng klase.." 
Malumanay nang pagkakasabi nya Pero yung kilay nya nakataas pa din. At Mas lalo akong kinabahan dahil Kailangan kong pumunta sa guidance office mamaya.

Bakit puro kamalasan na lang ang nangyayari sa buhay ko!!!

Uwian....

"Ayaw mo ba talagang samahan kita? Sigurado ka ba?"
Tanong sa akin ni liya sa akin. Papalabas na kame ngayon ng Room.

"Ayos lang ako, baka mamaya matagalan ako dun, magku-commute ka pa eh.."

"Sige ah.. Ingat ka ah.. bye na.. See you tomorrow.." nagpaalam na sya at tsaka kumaway muna bago makalayo.

Kaya naman kaagad na akong naglakad papunta sa guidance office.

Pero papunta pa Lang ako ng May humarang sa daanan ko.

"Hi!"
Bati nya. Sya yung Alexa na kaibigan kuno daw ni gurilya.

"Bakit?" Mataray kong sagot.

"Hindi ka ba marunong bumati man lang? Ugaling probinsyana talaga.."
Abay Lintik na 'to ah. Dinamay pa yung probinsya'ng nananahimik. Di hamak naman na mas masasahol pa ang ugali ng mga taga Manila. Hindi ko nilalahat Pero Ganoon Talaga ang Nakikita ko.

"Ano bang Kailangan mo? Bilisan mo lang dahil nagmamadali ako.." mataray na sagot ko.

"Wala naman, nabalitaan ko kase na guidance ka?" Tumawa sya ng maarte.

"Correction! Ma-ga-guidance.. Hindi na guidance.. magkaiba yun, past tense at future tense.."

"Duhhh! Whatever! Dami mo talagang hanash!"

"At ano bang pakealam mo kung ma-guidance man ako? Gusto mo sumama? Halika? Sapakan tayo.. para pagkatapos Kasama na kita!"  Inayos ko yung pagkakatayo ko at kunwari ready na ko. Baka kase ito Talaga ang gusto nya. Haharang harang pa sa daan ko eh, tapos magtataray lang. Di uso sa akin yan.

Bullying my fiancé -on going-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon