CHAPTER TWO

21 2 0
                                    

CHAPTER TWO

Mabilis akong naglakad Kahit Hindi ko naman alam kung Saan banda ang Room ko. Basta 3rd year section F ako dahil transferee ako.

Akala nya Siguro papalampasin ko ang bading na yun! Duhh!! Not me!!!

Napagpasyahan kong pumunta muna sa wash room dahil medyo nagulo Talaga ang buhok ko at medyo nagdumi ang puti kong blouse dahil sa pagkatumba ko. Letche sya! Bago pa naman 'tong damit ko tapos madudumihan Lang ng dahil sa kanya. Grrrrrr!!!

Pero dahil Hindi ko alam kung Saan ang wash room dito. Lumapit ako dun sa grupo ng mga babaeng nakatambay sa corridor. 

"Hi, Pwede magtanong Saan ang wash room dito?" Ngumiti ako Pero ang tatlong kaharap ko ay parang gulat na gulat sa tanong ko. Pare pareho silang tinignan Lang ako mula ulo hanggang paa. "Eheemm," tumikhim ako. "Ang sabi ko San ang wash room dito?" Ngumiti ulit ako Pero yung Pilit na lang.

"Deritso tapos kumaliwa ka.." turo nung isang babae na kung makatingin akala mo Mas maganda sya sa akin. Eh ilang paligo pa naman ang hahabulin nya.

"Thanks.." tipid na sagot ko tumango lang sila Kaya naman Tumalikod na ako at naglakad papunta sa wash room. Ang weird ng mga studyante dito. 

Sa wakas naayos ko din ang sarili ko. Sinipat ko ulit at napangiti ako sa kagandahan ko. Char! 

Lumabas ako ng wash room ng taas ang noo Wala akong pake kung pagtinginan nila ako, natural Lang yun takaw attention din kase ako.  

At sa wakas nahanap ko din ang class room ko.

Pumasok ako sa loob at nakitang marami ng tao sa loob. Gusto kong mahiya naagaw ng lahat ang attention ko. As in lahat sila nakatingin sa akin ang kaninang maingay pagpasok ko, Tumahimik na akala mo'y may dumaan na anghel, well Mukhang anghel Oo.

Hindi ko sila pinansin at sumipat ng mauupuan, mayroon akong nakita sa pinakadulo. Doon ako lumapit  at akmang uupo. 

"Ahhhhhhh.." napasigaw ako ng bumagsak ako sa sahig. Yung pwet ko ang nauna! Putrages!!! Ang sakit!

May humila lang naman ng uupuan ko!

Tumayo ako at nangliliit ang mata sa galit.

"Sino gumawa nun!?" Lumingon ako sa likod ko at sa magkabilang gilid. Pero lahat sila ay tumatawa Lang, mapalalake mapababae! Wow! Ang gagaling no? Ang gagaling!

"Ang sabi ko sinong gumawa nun!" Malakas na ang sigaw ko. Parang umaakyat na yung dugo ko sa utak! At tinitiyak kong kung sino man ang gumawa nun makakatikim sa akin!

Walang sumagot pero may isang babaeng lumapit sa akin na magkakros ang mga braso, with her sarcastic smile.

"Ang S5 ang may gawa n'yan, masakit ba?  Kulang pa nga yan.. pauna pa lang yan.."

Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. S5??? Sino naman yun!!


"Ang yabang mo din eh no at kinalaban mo pa talaga ang S5!" Dinuro n'ya pa ako.

Tekaaaaaa nga!! Ano bang sinasabi nito! Baliw ata 'to eh!

"Hoy! Hwag mo nga akong maduro duro baka manuno ka!" Hinawi ko yung kamay nyang nakaduro sa akin. Nagulat naman s'ya sa ginawa ko.

"MY God! Mayabang ka nga talaga, asal kalye.." ngumiwi na s'ya at naglapitan pa ang ibang mga babae sa gawi n'ya. Nagulat din sila sa ginawa ko. Well ako hindi na magugulat. Hindi ako pinanganak para lang duruin ng kung sino!

"Transferee kase yan, kaya hindi n'ya kilala ang S5.." may bumulong pa.

"Yea right.. Well ang S5 lang naman ay ang sun flower 5, grupo sila ng limang lalakeng sikat at kinatatakutan dito sa campus, mayayaman at kilala ang pamilya.."

Ngumiwi ako sa narinig. King ina! Ano 'to Nagbabalik ang panahon ng F4 yun nga lang S5?? Duhhhh ang babaduy nila ah.

"At ang lakas din talaga ng loob mong kalabanin ang leader nila!"

At sino namang leader ang sinasabi nito? Ni hindi ko nga kilala yung s5 na sinasabi nila!

"Ano bang pinagsasabi mo dyan.." ngumiwi ako, naalibadbaran ako sa mga tao dito. Bukod sa ang we-weird masyadong maatittude. Ganito ba talaga sa Manila??? Grrrrr!

"Kinalaban mo lang naman si Ren kanina, ang leader ng S5!!!" Sigaw n'ya. 
Natahimik ako. Yung Ren ba na sinasabi n'ya eh yung bading kanina? King ina! Leader na yun baklang yun? Eh wala naman yung bayag!!!

"Eh ano wala akong pakelam kung sino man s'ya, ang tinatanong ko ngayon kung sinong humila ng upuan ko!" Sigaw ko at nilingon sila isa isa. Wala naman dito yung baklang leader para hilahin yung upuan ko! Kaya paano ko s'ya pagbibintangan.

"My God! Tanga pala 'to eh.. malamang nag-utos na s'ya para maging kalbaryo ang buhay mo dito sa School, kaya goodluck sayo girl! Mali ka ng kinalaban mo!"
Natahimik ako sa sinabi n'ya kahit pa nanginginig pa din ako sa galit. So s'ya pala talaga ang may pakana nito! "Oh eto! Ang black Rose card mo!" Nagulat ako ng may idikit s'ya sa noo ko. Kumunot ang noo ko at kinuha yun at tininan.

You'll suffer bitch!!

Iyon lang naman ang nabasa ko sa itim na card na may naka drawing pang black Rose. 

So ano 'to??!!! 

Pati ang F4 na palabas mararanasan ko din???!

My God! Sunod sunod na ata ang kamalasan ko!

Ang mga akala kong sa palabas lang makikita. Nangyayari ngayon sa buhay ko!

Nananaginip ba ako???? Please!!!! Wake me UP!!!!!!!!

Bullying my fiancé -on going-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon