CHAPTER SIX
NAPATITIG ako sa lalakeng kaharap ko ngayon na sinasabing mapapangasawa ko Habang nakangiwi ako at nakaturo pa din sa pagmumukha nya! At ganon din ang tingin nya sa akin!
It can't be real!! Baka nananaginip lang ako!
Para akong nanigas at Hindi na maigalaw ang buong Katawan ko at ang kamay ko ay parang Ayaw ng matanggal ng pagduro sa kanya.
Sya si Renzo Ace Villanelle?? Ang busit na gurilyang kaaway ko!!!
"Anak ayos ka Lang ba?" Natauhan ako ng galawin ni mom ng bahagya ang balikat.
"Sya ang mapapangasawa ko?!" Napasigaw ako at isa isa silang tinignan, inuna ko si dad, sunod si Tito Manuel at tita Agnes at ang huli ay ang nanunuya kong itsura na nakatitig kay mommy, kasunod ng masamang tingin ko sa gurilyang kaharap ko!
"Tama ka hija, sya si Renzo Ace ang uniko hijo ko.." si Tito manuel. Hindi ko sya nilingon at masama pa din ang tingin ko sa anak nya. Please pakisapak ako ngayon na!
"What's wrong? Magkakilala na kayo?" Si tita Agnes ang nagtanong na humawak pa sa Braso ng anak nya. Pinagpalit palitan nya kame ng tingin. Pero ako Hindi na makapagsalita. Nakuyom ko ang dalawang kamao ko.
Hindi Pwede! Ayoko!
Paulit ulit sa sistema ko yan, Pero walang anumang boses ang lumalabas sa bibig ko.
"Hindi ko sya Kilala, ngayon nga Lang kame nagkita.."
Nanglaki ang mata ko sa sinabi nya! Bakit yun ang sinabi nya? Nag-sinungaling sya.
Pilit syang ngumiti sa akin. Yung pagmumukha nya na malayong malayo sa tingin nya sa akin sa school, para syang maamong tupa ngayon!
"Hi, I'm Renzo Ace." Nagulat na Lang ako ng ilahad nya ang kanang kamay sa akin. "And you're?"
Nakagat ko ang gilid ng labi ko at Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Bakit ganyan sya ngayon sa akin? Hindi nya ba sasabihin na nakaaway ko sya? at mortal kameng magkaaway?
"Anak kinakausap ka ni Renzo.." nautahan Lang ako ng humawak si mommy sa balikat ko.
"A-ako si Rexie Romero.." God! Ano bang ginagawa ko? Dapat isinumbong ko na sya ngayon Eh! Pero bakit naging best actress din ako at ginagaya sya na parang Hindi kame nagkasagupaan sa school namin. Na parang Hindi sya ang kinamumuhian kong lalake na nagpapanget ng unang araw ko sa school na yun.
Automatikong umangat ang kanang kamay ko para kunin ang kamay nyang naghihintay Lang sa kamay ko.
"Nice to meet you.."
Naramdaman ko ang malambot at mainit nyang palad sa kamay ko. Tamad Siguro 'to! Dahil Wala man Lang kalyo sa kamay!"Ako rin.." nasusuya man Pero nagpanggap akong ngumiti ako ng pilit. Tsaka mabilis ko din tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak n'ya!
"Bagay na bagay kayo, Paniguradong magandang lahi ang ibibigay nyo sa amin.."
Muntik na akong matapilok ng sabihin iyon ni Tito Manuel. Pare pareho kase kameng uupo na sa upuan.
Pero nagulat na Lang ako ng nasa likod ko pala ang gurilya at umawang ang bibig ko ng hilahin nya ang silya ko at alalayan akong umupo.
Umangat ang paningin ko sa kanya at nagtama ang paningin namin. Kumunot yung noo ko na tinignan sya ng tingin na "ano bang ginagawa mo? Bakit ganyan ka umakto?"
BINABASA MO ANG
Bullying my fiancé -on going-
أدب المراهقينPaano kung ipagkasundo kang ikasal sa lalakeng Hindi mo naman gusto! Makakayanan mo kayang pakasalan sya, kung sya din ay Ayaw sayo at gusto kang mawala sa buhay nya! Yes!!! I'm getting married to the most annoying bully guy! I really don't lik...