CHAPTER 12

25 2 1
                                    

CHAPTER 12

"Hija Anak, hinihintay ka na ni tita Agnes mo.." Magkakasunod akong bumuntong hininga. Talaga bang Kailangan sa bahay pa nila kame mag bake?
Inaya kase ako ni Tita Agnes sa bahay nila dahil tuturuan nya daw akong mag-bake ng cake. Hindi naman ako makatanggi. Ang nakakainis lang kase makikita ko yung anak nyang demonyo. Simula nung na Ospital ako hindi ko pa sya nakikita dahil umiwas ako. Ayokong makita ang pagmumukha nya dahil galit na galit ako sa kanya. Sya naman talaga ang May kasalanan kung bakit ako nawalan ng malay tinamaan ako ng bola na hinagis nya sa'kin. At Hindi yun dahil sa Low potassium na sinasabi ng doctor kwak kwak na yun. Ang Lakas pa ng trip nang doctor na yun. Halos maihi na sa kakatawa nang akalain ni mommy na buntis ako. Haller! Bakit naman ako mabubuntis sa lalakeng yun eh tignan ko pa nga lang sya nasusuka na ako sa pagkatao nya. Mabuntis pa kaya sa lintik na yun. Hays umiinit talaga ang ulo ko sa tuwing naaalala ko ang pagmumukha ng Gurilyang yun. He's getting into my nerves!

Kung Pwede lang lumuhod kay Tito Manuel para lang matigil na ang fixed marriage naming dalawa ng anak nyang walang modo ginawa ko na.

Nang makababa ako sa sala naroon na nga si Tita Agnes at kausap ni Mommy. Ang ganda talaga nya. Parang kaedaran ko lang eh. Ilang taon na kaya sya?  Siguro kaedad ni mommy pero Mukhang Mas bata sya kay mommy ko.

"You look pretty hija." Papuri nya sa akin at nagbeso kame.

"Let's go?" Aniya at kinuha ang bag nyang Gucci. Lahat ata nang suot nya ay branded din. Mayaman nga talaga sila. 
Mayaman din naman sana kame dati kung Hindi lang nalugi ang kumpanya ni Daddy. Medyo tipid tipid kase kame ngayon dahil nag-uumpisa ulit ang daddy ko sa panibagong business na inuumpisahan nila ni Tito Manuel. Grabe para talaga silang magkapatid kung magturingan.

Nagpaalam ako kay Mommy at humalik sa pisngi nya. Ang ganda ng ngiti ni mommy sa'kin. Hmmmp kung alam mo lang mommy napipilitan lang ako.

Habang nasa sasakyan hindi matigil ang kwento ni tita Agnes. Kung Pwede lang takpan ko ang tenga ko. Paano ba naman kase all about sa anak nya ang topic. Simula pagkabata nito ikinuwento nya na.

"Wala pa nga akong nakikilalang naging girlfriend ng anak ko eh.." kapag kuway sabi nya.

Napalingon ako sa kanya. Kulang na lang ngiwian ko sya. Baka secret lang sa itsura ng anak nya mukhang chickboy at marami ng pinaiyak na babae.

"Wala sya sa'kin pinapakilala na nagustuhan nya or naging Crush nya. Ewan ko lang, baka naglilihim sya sa'kin. Pero closed kame nang anak ko. Wala lang sya sa'kin nakukukwento about Lovelife nya." 

Gusto ko na lang tanungin kung May naiikwento ba sya about sa mga kalokohan nya sa school.
Kung sa bagay Bakit nya ba ikukuwento ang kalokohan nya. Syempre pagtatakpan nya yun at magbabait baitan sa harap ng mga magulang nya. 

"Ikaw hija? Magkwento ka naman, may naging crush ka na ba sa school mo dati sa cebu, or maybe puppy love hehe."

Luh? Kinikilig ba sya?

"Mmm, Meron naman po, Pero crush lang, yung bang tipong palihim lang po."
Natural lang naman yun kapag nakakakita ka ng cute or gwapo Hindi mo naiiwasan na humanga.

"Ah ganon ba. Nung makita mo ang anak ko? Nakaramdam ka ba nang paghanga sa kanya?"

Napalunok ako. Ang naramdaman ko po ay pagkamuhi. Ayoko po sa anak mo. Kung alam mo lang.

"Wala ba?" Pagtanong nya ulit ng hindi ako makasagot.

"Ahmm, hehe Andito na po pala tayo ang bilis ah.." mabuti na lamang at Andito na kame sa malaking gate nila Kaya Nabago ko kaagad ang usapan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bullying my fiancé -on going-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon