CHAPTER FIVE
SATURDAY
Nagising ako ng makaramdam ng may umuuga sa balikat ko.
"Anak, gising na, heto ang bfast mo kainin mo na para makainom ka na ng gamot.." may hawak hawak syang tray at nakita kong may egg ang sausage, slice bread and hot milk. Ilang araw din akong inalagaan ni mommy, Napakahina ko talaga sa ulan, hindi tuloy ako nakapasok sa School ng tatlong araw, biruin mo unang linggo pa lang ng pasukan absent kaagad ako.
Kinusot ko ang mata ko at marahang bumangon. "Thanks mommy,." ngiti ko. "Maganda na po ang pakiramdam ko, sa tingin ko magaling na ko.hehe."
"Mabuti naman kung ganon, sa susunod magdadala ka na ng payong ah, Pinag-alala mo ako.."
"Sige mommy.." yumakap ako sa tagiliran n'ya ng umupo s'ya sa tabi ko. Ang swerte swerte ko sa mommy ko, the best mom. "I Love you Mom.."
"I Love you too anak..sige na kainin mo na yan, marami pa akong gagawin sa baba, ngayon kase ang araw ng pagbisita nila Tito Manuel mo at ng anak n'ya, magkakakilala na din kayo.."
Natigilan ako saglit. Parang medyo kinabahan ako, makikilala ko na ang mapapang-asawa ko?
Palihim akong umiling ng bumaling si Mom ng tingin sa pagkain ko.Pero hindi ko dapat isipin sa ngayon na mapapang-asawa ko nga yun. Kase marami pang pwedeng mangyari, mapipigilan pa namin yun, kung magtutulungan kame ng Renzo Ace na yun. Ang gagawin ko na lang ay kaibiganin s'ya. Tapos tsaka ko s'ya kukumbinsihin na magkipagtulungan sa akin para hindi matuloy ang kasal namin. Ayoko kayang ikasal sa taong hindi ko naman gusto at mas lalong hindi ko naman mahal. Ang kasal ay para sa taong nagmamahalan lang.
"May problema ba anak?" Natigilan ako sa pag-iisip ng magtanong si Mom. Ngumiti ako at umiling.
"Wala naman Mom.."
"Hindi ka ba masaya na makikilala mo na s'ya?" May pag-aalala sa tono ni Mom. Lumapit muli s'ya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Pasensya ka na anak, alam kong ayaw mo ng mga nangyayari, kung pwede ko lang pigilan ang dad mo ginawa ko na.." pinang giliran si Mom ng mga luha at hinaplos haplos ang kamay ko.
"It's okay mommy, Wala ka naman kasalanan.." iling ko.
"Pero sana wag sumama ang loob mo sa dad mo, kase para saiyo din naman iyon.. alam nya ang makakabuti sayo, lalo pa't Kilala nya ang pamilya ng mapapang-asawa mo at matalik nya pang kaibigan."
"Alam ko naman po yun, Pero kase mommy Hindi normal Lang naman Siguro na makaramdam ako ng tampo kay dad Diba? Kase sa edad kong 'to May plano na pala sya sa akin, at Hindi ko man Lang alam yun, Hindi ko napaghandaan, alam kong para sa'kin ang ginagawa nya, Pero kase mahirap ikasal sa taong Hindi mo naman gusto or mahal diba mom?"
Natigilan Sandali si mommy at napatitig sa kawalan. Para bang malalim ang inisip nya.
"Tama ka anak, mahirap Talagang maikasal sa Hindi mo naman gusto o Mas lalo sa Hindi mo mahal, Kahit sinong babae ay hindi Kailanman pinangarap iyon, naiitindihan kita anak.." natigilan sya Saglit at muling tumitig sa akin. "Pero dalawang taon pa naman bago kayo ikasal, Pwede mo pa syang makilala ng lubusan, Bakit Hindi mo muna subukan anak? Subukan nyong Pareho na Kilalanin ang isa't isa, malay mo matutunan nyo rin mahalin ang isa't isa.. kagaya na lang—" natigilan si mom Bigla at napatingin Muli sa kawalan. Maya maya muli syang Tumingin sa akin. "Subukan nyo muna anak."
"Eh Paano kung Hindi ko Talaga sya magustuhan o mahalin? Paano yun mommy?" Sumimangot ako. Alam ko ang punto ni mommy. Pagnakilala ko sya at gumaan ang loob ko sa kanya, maaari ngang mahulog din ako sa kanya at pati na rin sya. Pero Paano kung Hindi namin magustuhan ang isa't isa? Paano yun?
BINABASA MO ANG
Bullying my fiancé -on going-
Fiksi RemajaPaano kung ipagkasundo kang ikasal sa lalakeng Hindi mo naman gusto! Makakayanan mo kayang pakasalan sya, kung sya din ay Ayaw sayo at gusto kang mawala sa buhay nya! Yes!!! I'm getting married to the most annoying bully guy! I really don't lik...