CHAPTER 11

64 0 0
                                    

CHAPTER 11

ROSHAN AMORETTE'S POV

Napatitig ako sa dingding ng kwarto nang maalala ang mga nangyari kanina. Nakauwi na kami ni Mathan dito sa bahay pero parang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakita at narinig ko mula kay Aidam.

Wala sa sarili kong naiyakap ang parehong braso sa katawan nang muling pumasok sa isip ko ang eksena kung saan niyakap niya ako. Sa mahabang panahon ay ngayon na lang ulit ako nakatanggap ng ganoon mula sa ibang tao. Puro yakap ng kapatid ko ang natatanggap ko pero kanina...

Kanina...hindi ko pwedeng itanggi sa sarili ko na nagustuhan ko ang nangyari. Hindi ganoon kahigpit ang yakap na iyon pero parang hanggang ngayon ay nararamdaman ko.

"Mas mahalaga ka kaysa sa sarili ko..."

Paano niya nasabi 'yon? Nagbibiro na naman ba siya? Pero hindi...nang humiwalay siya sa akin ay seryoso ang mukha niya at puno ng pag-aalala ang mga mata. Hanggang sa makarating kami ng bahay nila at maihatid niya kami dito ay wala siyang nabanggit na makakapagsabing hindi siya seryoso sa sinabi.

Pero...paano niya naman nasabi 'yon?

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ngayon. Hindi ako makapaniwalang maririnig kong mahalaga ako sa isang tao...at higit pa kaysa sa sarili niya. Parang umaalon ang puso ko at hanggang ngayon ay naririnig ko ang boses niya. Ang sarap sa pakiramdam ng nga salitang iyon.

Aidam... "Ano bang trip mo sa buhay?" giit ko sa sarili, para namang maririnig niya ako.

Tumalim ang tingin ko sa pader nang maalala ang lalaking nakaaway ko kanina. Wala naman sana talaga akong balak awayin kaagad siya kaso ay siya itong galit pa kung sumagot at tumanggi sa kasalanan niya. Huling-huli naman na siya. Nakakainit din ng dugo ang mga katuwiran niya. Bakit ba kasi may mga taong katulad niya kung mag-isip?

May mga nababastos dahil may mga bastos. Wala nang iba pang dapat sisihin kundi ang mga taong basura kung mag-isip. Nakakagalit na hindi natatapos ang hirap ng mga babaeng nabibiktima nila bagkus ay nadaragdagan pa ng bigat ng paninisi sa kanila ng ibang mga tao sa sinapit nila.

Ang hirap maging babae sa mundong ganito kung saan ang tingin pa rin sa amin ay mga bagay at laruan na pwede nilang gamitin kahit kailan nila gusto.

We are not their possessions. We are our own. We have our worth and we deserve to be respected.

Inis akong gumalaw sa kama dahilan para mahulog ang unang yakap ko sa sahig. Tinagilid ko ang sarili ko at kinuha iyon nang hindi bumabangon saka ko iyon itinakip sa mukha ko hanggang sa makatulog ako.

"Gagi ang daming customers! Bakit nagdadagsaan sila?" usal ni Joseph pagkapasok na pagkapasok sa crew room. Natawa ako habang nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang handkerchief ko.

Well, that's true. Mas marami kumpara sa regular days ang mga customers ngayong araw. Ngayon na nga lang ako nakapasok dito sa loob ng kwarto namin dahil sunod-sunod ang pagpasok ng mga tao sa shop at mahaba ang pila sa cashier lane.

"May event sa school na malapit dito. Buong school kaya ayon sabay-sabay din ang uwian. Foundation day ba 'yon, Roshan?" baling sa akin ni Isabela.

"Oo raw sabi sa akin noong isang customer," sagot ko.

"Ay, oo! Nakita ko nga eh, kinakausap ka! Mukhang may crush pa sa'yo," natatawang puna ni Cedrick. Natatawa akong napangiwi.

"Eto naman! Napakamalisyoso. Friendly lang 'yon."

Umungot ng pang-aasar si Isabela. "Hindi naman imposible 'yon! Pansinin ka naman talaga ng mga customers

"Hindi lang naman customers pati co-worker," may pilyong ngiting saad ni Cedrick sabay sulyap kay Joseph.

Promised Not to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon