CHAPTER 1

38 2 19
                                    

CHAPTER 1

ROSHAN'S POV

"Update kita, Cecile ah. Pag-isipan ko hehehe. Thank you so much! Alis na ako!"

Mabilis akong kumaway sa kaklase kong si Cecile bago pumara ng jeep papuntang cafe kung saan ako magsisimula ng trabaho. Kung kailan ba naman kasi kasisimula pa lang ng klase ay saka naman ako nawalan ng trabaho sa isang convenience store. Mabuti na lang at pagkatapos ng isang linggo ay nakahanap agad ako ng mapapasukan.

Magkakaroon na rin kami ng masarap na ulam, hay.

"Kuya, sa manggahan lang po!" Bahagya akong yumuko ipang ipasuyo ang bayad ko. "Thank you po, ate!" matamis kong pasasalamat sa katabi kong nag-abot nito.

Kinuha ko ang handkerchief sa bag ko at pinunasan ang pawis sa noo at leeg ko. Lip balm at pulbos lang ang meron ako kaya iyon ang ipinahid ko sa labi at mukha ko. Mahina ko pang tinapik-tapik ang dalawang pisngi ko para naman lumabas ang natural nitong pula. Inipit ko ang dalawang labi sa bibig ko at binasa ito.

Hindi pwedeng haggard sa first day of work! Dapat fresh tayo!

"Kuya, para po!" Hinila ko ang tali na nasa bubungan ng jeep. "Kuya, para!" pag-uulit ko dahil hindi effective ang una kong sigaw.

Kinailangan pang sabihan ng mga pasaherong malapit sa driver na may hihinto bago tumigil si manong. Nasa bungad kasi ako kaya hindi niya ako marinig. Ang lakas pa ng pagpapatugtog ni kuya. Sa huli ay kinailangan ko pa tuloy maglakad dahil lumagpas ako. Natatawa na lang ako. Ayokong ma-stress.

"Sweetcake Cafe." Ibinaling ko sa kanan ang ulo ko habang nakatingala sa malaki pero puno ng kulay na letters ng cafe na papasukan ko. "Sana all sweet," ngiwi ko.

"Hi, ikaw si Roshan? Hinahanap ka na ni ma'am," biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Ay, opo opo! Late na ba ako?" Sinilip ko ang wrist watch ko.

"Hindi naman." Ngumiti ang lalaking nasa tabi ko. "Tara, samahan na kita."

Tumunog ang chime bell nang itulak niya ang pinto ng cafe. Kulay asul na kahoy ang disenyo ng pinto na may salamin sa bandang itaas. Wala namang pakialam ang mga customer nang pumasok kami. Malamang, Roshan, anong gusto mo? Pagtinginan ka ng lahat? Sa movies lang 'yon!

Dumiretso kami ng kasama ko sa isang maliit na kwartong nasa bandang likod. Base sa nakasulat sa labas ng pinto ay office na 'to ng manager namin.

Mgr. Analyn Santos

"Good afternoon po." Iyinuko ko ang ulo bago mag-angat ng tingin sa babaeng nakaupo sa likod ng mesang may salamin sa ibabaw.

"Hi, Roshan. It's nice to meet you. In your first week, iga-guide ka ng isa sa mga crew dito, ha?" agad niyang sabi, tumango naman ako habang nakangiti.

"Here's your uniform." Inabot niya sa akin ang isang paper bag. "Pwede kang um-order ulit kaso huwag muna sa ngayon dahil unang linggo mo pa lang."

"Okay po, Ma'am. Thank you po!"

"Nasaan na ba si Aidam, Joseph?" tanong niya sa katabi ko. Sino si Aidam? "Roshan, hintayin mo na lang si Aidam sa crew room. Maiiba ang schedule mo dahil working student ka."

"Hindi pa po ako magsisimula ngayon, ma'am?" paniniguro ko.

"Your duty will depend on your class schedule so yes, bukas ka pa magsisimula. Sa ngayon at hanggang sa matapos ang linggo na 'to ay patuturuan muna kita sa co-worker mo," mahinahon pero bakas ang pagiging istriktong aniya.

Nagpasalamat ako sa kanya bago magpasama kay Joseph na magtuturo sa akin kung nasaan ang crew room. May locker at lamesa sa loob. Sa kabilang silid naman ay ang hiwalay na banyo ng mga babae at lalaki kung saan pwede raw magpalit ng damit o kaya ay maligo. Walang tao ngayon dito dahil nasa labas ang mga kasamahan ko para asikasuhin ang mga customers. Matapos magpasalamat ay iniwan na ako ni Joseph dahil marami pa raw siyang gagawin.

Promised Not to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon