CHAPTER 12

60 0 0
                                    

CHAPTER 12

ROSHAN AMORETTE'S POV

"Puyat ka ba?" Gulat akong napalingon sa tabi ko na agad ko ring pag-iwas nang mukha ni Aidam ang masalubong ko.

Tanong-tanong ka pa diyan! Oo, puyat ako! Hindi ako nakatulog kaagad kaiisip kung ano ang meaning ng sinabi niya.  Paano ba naman kasi mga linyahan niya nitong mga nakaraang araw, nakakabigla. Binibigla niya ako...palagi na lang! Ganoon ba talaga kahalaga para sa kanya ang kaligtasan ko? Eh parang noong mga nakaraang buwan, pilit na pilit pa pakikitungo niya sa akin.

"Uy, Amorette," nagsalita na naman siya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagsasalansan ng mga packs ng kape sa malaking plastic na kahon. Bakit ba ako ang gumagawa nito? Nasaan si Joseph?

"Bad mood, okay..." rinig kong bulong niya, bigla naman akong na-konsensya sa tono ng boses niya.

Nilingon ko siya. "Ano ba 'yon? Gusto mo nito?" Pinakita ko ang isang pack ng kape.

"Basta ikaw sasalo sa sermon?" ngisi niya.

"At ikaw sa suspension? Game!" ganting ngisi ko sabay tango. Sabay kaming natawa sa mga kalokohan namin.

"Pero puyat ka nga?" pagbabalik niya sa tanong nang makalabas na kami ng store. Tapos na ang shift namin lahat-lahat pero hindi niya pa rin nakalimutan 'yon.

"May mga inasikaso kasi ako kagabi," pagdadahilan ko. "School works, online selling..." bulong ko.

At ikaw! dagdag naman ng isip ko.

"Hell week?"

"Lagi naman," reklamo ko. "Ikaw! Bakit parang hindi ka na-istress sa school?"

"Akala mo lang 'yon. Sino bang hindi stressed sa college?"

"Gusto ko nang magbakasyon," reklamo ko ulit habang tinatanggal niya naman ang kadena ng bike niya.

"Ako rin naman. Gusto mo bang sabay tayo mag-aral minsan?" biglang tanong niya. Napaisip naman ako.

"Sabay na lang tayo magbakasyon," pagtawa ko na humupa kaagad nang mapaisip sa sinabi.

"Sabay magbakasyon," nangingiting pag-uulit niya.

"Oh bakit? Sabay naman talaga ah! Iisa lang tayo ng pamantasan!" depensa ko.

"Oh?" nakabuka ang mga labing pagngiti niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Okay...hmm..." Umiwas siya ng tingin at doon ngumiti!!!

"Uwing-uwi na ako!" reklamo ko ulit para tumigil na siya.

"Ito na nga, tsk," tatawa-tawa pa rin siya saka ako inalalayan pasakay ng bike.

Napapansin kong napapadalas na pagngiti at pagtawa niya ngayon, ah? Dumadami na rin ang mga sinasabi niya mula sa noong patango-tango at isang tanong, isang sagot na ugali niya. Kaso mukhang nasobrahan naman! Kung ano-ano binibitiwang salita, hindi mo malaman kung may ibang meaning o sadyang ako lang itong assuming.

Hindi doon natigil ang kakaibang pakiramdam ko. Dahil sa mga araw na lumipas ay mas nabibigyan ko ng atensyon ang mga kilos niya. Sinusubukan ko namang tignan kung ginagawa niya rin sa iba pero...sa akin lang talaga eh! O baka naman kasi mas close siya sa akin?

Palaging sabay pumasok, palaging hinihintay matapos ang klase ko, hatid-sundo at higit sa lahat ay ang mga maliliit na bagay na ginagawa niya. Tulad na lang ng pagsusuot niya palagi sa braso niya ng itim na elastic hair tie dahil lagi kong naiiwan at nawawala ang panali ko.

"Inaantok na ako," salubong ko sa kanya sa kubo. Late nang natapos ang klase ko ngayong araw kaya madilim na rin ang  langit. Malapit na ring mag-alas syete pero talagang nandito pa rin si Aidam at hinihintay ako.

Promised Not to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon