CHAPTER 13
ROSHAN AMORETTE'S POV
"Hey" That's what I want to say to you
"Babe" Oh, I wish that I could say that too 🎶Napalingon ako sa pinanggalingan ng tugtog dito sa cafe pagkalabas ko ng crew room. Napukaw kasi ng intro ng kanta ang atensyon at curiosity ko. Sinuyod ko ng tingin ang mga customers pero busy naman sila sa kani-kanilang mundo. Dumiretso na lang ako sa ice cream corner at saka naghintay ng mga orders.
These feeling I'm sensing right now
They make me want to burst inside
Is this love I'm feeling for you? 🎶Napasimangot kasabay ng pagkanguso kong binalikan ng tingin ang stereo ng store. Ano bang title ng kantang 'yan?
I'm so confused
Don't know what to do
When I'm around you
I feel my mind go blank 🎶My mind is going blank...yeah tsk.
"Pst," pasimple kong tawag kay Isabella. Agad naman niya akong nilingon. "Anong title nung kanta?"
Napaisip pa siya. "Love song? Ay, hindi. Puppy Love by Gani."
"Ah..." tumatango kong sagot saka ngiti. "Thank you hehe!"
I really like you
I want to confess
But I'm scared to find out the truth 🎶Ipinatong ko ang cellphone ko sa maliit na mesang sinusulatan ko nang ma-iplay ko ang kaninang kantang pinapatugtog sa cafe. Nakauwi na ako dito sa bahay at gumagawa na lang ako ng mga assignments saka nag-aaral.
Ilang araw na rin ang nakalilipas mula ng araw na inihatid ako ni Aidam sa cafe bago siya pumasok sa pamantasan. Ang araw kung saan ko rin na-realize lahat ng sinasabi ngayon ng kantang pinapatugtog ko.
Ano na bang gagawin ko? Hindi naman siguro niya napapansin? Iwasan ko kaya? Tsk, ang isip bata ko naman kapag ganoon saka paano ako makakaiwas doon eh nasa bahay nila si Mathan halos araw-araw?
Whether if you like me back or not
I wonder everyday until my mind goes insane
Please tell me how you feel 🎶Aamin ako? Pero paano kung hindi naman pareho ang nararamdaman namin? Saka paano kung dahil dito, masira pa ang pagkakaibigan namin? Hindi na ako sanay na walang Aidam sa tabi ko. Mas masasaktan yata ako kung mapuputol ang pagkakaibigan namin kaysa sa malamang hindi magkatugma ang nararamdaman niya sa nararamdaman ko.
Pabuntong-hininga kong kinamot ang buhok. "Roshan...mawawala rin 'yan. Sabi nga...puppy love." Pinatay ko ang music sa cellphone. "Oo puppy love kahit 22 years old ka na!" pagkausap ko pa sa sarili.
"Ate, tabi mo ako."
Napabigla akong lingon. Lumabas ng kwarto si Mathan. "Ay hala, bakit ka nagising?"
"Takot ako. Nanaginip ako na may mumu raw tapos may malaking tree," sumbong niya habang kinukusot ang mata.
"Awww. Wawa naman ang bibi," saad ko saka siya pinigilang kusutin ang mata. "Bad dream lang 'yon ha? Sleep ka na ulit," inayos ko ang pagkakakumot sa kanya saka ako humiga. "Dito na si Ate."
Alas tres na nang maalimpungatan ako. Hindi ko namalayang pati ako ay nakatulog na. Tinignan ko pa saglit si Mathan bago ako lumabas ng kwarto upang uminom ng tubig dahil nanunuyo ang lalamunan ko. Pagkatapos ay muli akong pumwesto sa sala upang ituloy ang pagsusulat ko. Tamang-tama...mas gagana na ang utak ko dahil nakatulog na rin ako kahit papaano.
Tahimik kong sinusuyod ng tingin at binabasa nang tahimik ang hiniram kong libro sa library ng pamantasan nang may maaninagan sa bintana. Huli na para pigilan ko pa ang sarili kong lingunin iyon dahil nakita na ng mga mata ko ang isang pamilyar na anino sa hindi kalayuan. Agad na nagsitaasan ang balahibo ko kasabay ng paglakas bigla ng tibok ng puso ko. Napapalunok kong binaba ang tingin sa binabasang libro pero tila hinahatak pabalik ng hangin ang mga mata kong muling sumulyap sa labas. Nang muli kong tangkaing tignan ang tanawin sa labas ng bintana ay sumabay ang paglakas ng hangin at pagtirik bigla ng masakit sa matang liwanag...
BINABASA MO ANG
Promised Not to Love You
RomansaPagmamahal daw ang isa sa mga elementong nagpapatuloy sa pag-inog ng mundo. Ngunit magagawa mo pa bang sumugal sa pag-ibig kung kasabay ng pagkahulog mo sa isang tao ay siya ring paghinto sa pagtibok ng iyong puso? Magagawa nga ba ni Aidam Art na m...