CHAPTER 6
ROSHAN AMORETTE'S POV
"Good morning, guys!"
Napalitan ng pagkapahiyang ngiti ang itsura ko nang hindi nila ako batiin pabalik. Kararating ko lang kasi sa cafe kung saan naabutan ko sina Isabela sa loob ng kwarto. Nginitian naman ako ni Joseph na parang nahihiya pa. Sinulyapan ko na lang ang wall clock at nakahinga nang maluwag nang makita kong hindi pa ako late.
"Good morning," nangibabaw ang boses ni Aidam sa likod ko. Agad akong ngumiti nang magtama ang mga mata namin.
Tinanggal ko sa pagkakasabit mula sa balikat ko ang backpack at tahimik na binuksan ang locker upang mag-ayos ng gamit para sa pagpapalit ko ng uniform. Kailangan ko na yatang um-order ng isa pang set ng uniform namin. Hindi na umuubra ang ginagawa kong wash and wear, sobrang hassle. Pero naisip ko rin, kailangan ko pang bumili ng gatas ni Mathan dahil paubos na ito nang makita ko kaninang umaga yung lalagyan ng gatas niya.
Humarap ako sa salamin sa loob ng banyo upang ilugay ang buhok ko at suklayin upang gawing maayos ang ponytail ko. Ito ang pinakamadaling ayos ng buhok kaya ito na ang nakasanayan ko. Nang makuntento sa buhok ay inayos ko ang collar ko habang sa isip ay cinacalculate ko na ang mga babayaran ko. Nagbabudget ako sa isip at nakakainis dahil ayoko na nga ng Math, ang hirap pa magbudget kapag wala kang pera pero maraming gastusin.
Nawala sa collar ko ang mga mata ko nang dumaan si Isabela sa likod ko. Sinundan ko siya ng tingin at magsasalita na sana pero tinikom ko ang sariling mga labi. Nalulungkot akong ngumiti sa sarili dahil parang hindi niya ako nakikita. Hindi ako galit sa kanya at hindi rin masama ang loob ko dahil naiintindihan ko kung bakit lumayo ang loob niya sa akin. Kahit naman siguro sino kung ganoon ang mangyayari sa pamilya niya dahil sa isa pang pamilya ay magagalit, hindi ba?
Nakakalungkot lang talaga dahil hanggang ngayon ay naaapektuhan ako sa mga ginagawa ng pamilya ko kahit malayo na ako sa kanila. Sobrang bigat sa pakiramdam na nahahalata mong walang may gustong mapalapit sa'yo. Mabigat sa puso na malaman mong mayroong taong may sama ng loob sa'yo.
At sobrang sakit dahil nangyayari 'to kahit wala ka namang kasalanan...pero wala ka ring magawa kasi ito na nga yata ang kapalaran mo habambuhay.
Akala ko nasanay na ako pero ang hirap pa rin pala.
"Hi, welcome to Sweetcake cafe! What's your order?" magiliw na tanong ko sa isang lalaking customer. Ako kasi ang nasa cashier.
"Uhm one Cappucino and a slice of cheese cake," kaswal na sagot niya.
"Okay, a slice of cheese cake and Cappucino under the name of..." pinutol ko ang sasabihin.
"Prince."
Sinulat ko iyon. "₱350 for the cheese cake and Cappucino. Thank you," saad ko habang nagpipindot sa screen ng cashier machine. Mabilis niyang ibinigay ang bayad saka umalis sa harap ko upang umupo sa napiling table.
Inipit ko ang papel sa clipboard na nasa station ni Aidam na abala sa pagtitimpla ng mga kape bago bumalik sa cashier. Mayamaya pa ay narinig ko na ang pagtawag sa pangalan ng customer kanina. Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa pare-pareho na kaming bumalik sa crew room upang maghanda sa pag-uwi.
"Hi, lil bro!" Tumakbo agad sa akin si Mathan nang makita ako sa pinto ng bahay ni Ate Erica. "Uwi na tayo," nakangiting aya ko saka kinurot ang pisngi niya. "Thank you, Ate Erica," baling ko kay Ate.
"Wala 'yon. Cute-cute talaga niyang kapatid mo, nakakagigil." Umupo siya sa paa niya upang yakapin si Mathan. "Balitaan na lang kita kung may makita ako, ha?"
"Ay, yes ate. Thank you ulit!"
Ang tinutukoy ni Ate Erica ay ang pagtatanong ko sa kanya tungkol sa mga available na trabaho dahil gusto kong tulungan si Isabela para sa papa niya. Maraming kakilala si Ate Erica kaya nagbakasakali na rin ako kung may kakilala siya o alam na lugar na maaaring pasukan.
BINABASA MO ANG
Promised Not to Love You
RomancePagmamahal daw ang isa sa mga elementong nagpapatuloy sa pag-inog ng mundo. Ngunit magagawa mo pa bang sumugal sa pag-ibig kung kasabay ng pagkahulog mo sa isang tao ay siya ring paghinto sa pagtibok ng iyong puso? Magagawa nga ba ni Aidam Art na m...