CHAPTER 3

24 2 0
                                    

CHAPTER 3

AIDAM'S POV

"Hello, Whitey!" Pagbati ko sa aking aso na sinalubong ako kaagad ng pagtahol, pagkabukas ko ng gate.

Inaasahan ko na palagi ang pagsalubong niya tuwing umuuwi kaya maliban sa nanay ko ay siya ang una kong hinahanap.

Maraming panahon na ang lumipas ngunit buhay pa rin si Whitey. Tinuturing ko na nga iyong himala dahil ang sabi nila, labingdalawang taon lamang daw ang buhay ng aso. Ikinakatakot ko ang pagdating ng araw na tuluyan na siyang mawawala, inaamin ko iyon. Ngayon pa lang ay masasabi ko nang masasaktan ako nang lubos.

Ibinaba ko ang backpack sa lamesa at umupo sa paanan ko para hagurin ang ulunan ni Whitey. Tulad ng dati ay kusa siyang humihiga at pipikit na parang matutulog na.

"How are you?" Tuluyan na akong umupo sa sahig nang kumandong siya sa akin. Halos hindi na ako makita dahil sa laki ng aso kong ito. "Bukas ay paliliguan ulit kita. Sa ngayon, ako muna ang maliligo, ha? Nanlalagkit na ako sa init," wika ko pa bago maingat na tumayo. Muli ko pang tinaas ang kamay ko dahilan upang tumayo si Whitey na ikinangiti ko.

Mabilis akong kumilos sa pagligo at pagpapalit ng damit bago dumulog sa kusina upang magtimpla ng kape. Sakto namang pagkaupo ko ay ang pagpasok ni Mama na may bitbit na mga ecobag. Kaagad akong tumayo upang tulungan siya at magmano.

"Kararating mo lang?" tanong niya habang inilalabas ang supot na may lamang mainit na pandesal.

"Medyo po. Timpla ko na kayo ng kape," alok ko sa kanya na tinanguan niya lang.

Binuksan ko ang isang cabinet sa itaas ng lababo at kinuha ang isang babasaging sisidlan na may lamang powder na kulay kayumanggi at isa pang may lamang asukal. Inabot ko rin ang isang maliit na kulay kayumanggi ring tasa. "May Ensaymada rito," rinig kong ani Mama. "Yung isang klaseng Ensaymada. Yung nakabalot ba," dagdag niya. Maingat kong inilapag ang tasang may lamang kape sa lamesa. "Salamat, anak."

Nginitian ko siya. Pinunit ko ang balot ng isang ensaymada at agad na kumagat dito. Unang kagat pa lang ay masarap na. Talagang paborito ko ito at alam iyon ng nanay ko. Matapos kumain ay nagtabi ako ng para sa babaunin ko. Nagpaalam na rin akong papasok na sa kwarto upang mag-aral.

Ginugol ko ang oras sa hapon sa pag-aaral. Pagdating ng alas-singko ay tumigil naman ako upang sunduin mula sa eskwela ang bunsong kapatid ko na si Yuki. Sabay-sabay kaming naghapunan na pinuno ni Yuki ng kanyang mga kwento tungkol sa araw niya sa paaralan.

Maaga akong nagising kinabukasan kaya't naabutan ko pa ang pagbubukas ng gwardya sa cafe. Agad akong tumungo sa crew room matapos itong mabati upang magpalit ng uniporme.

"Good morning!"

Ngiti ni Roshan ang bumungad sa akin pagkalabas ng banyo. Dumako siya sa locker at nag-ayos ng gamit niya. Tahimik naman akong tumabi upang iligpit ang gamit ko. Magkatabi kasi ang mga locker namin.

"Kararating mo lang? Early bird ka palagi ah." Hindi na ako nagulat na nagsalita siya. "Wala kang klase? Ay malamang, wala ka naman dito kung meron. Thank you nga pala ulit sa pagsauli ng wallet ko hehe."

"You're welcome." Tipid akong ngumiti at bahagyang lumingon sa kanya. Tumaas ang kilay ko nang manlaki ang mga mata niya. "Hala ngumingiti ka pala!" Kumunot ang noo ko sa narinig. "Omg, isa pa nga!"

"Bilisan mo na diyan. May aaralin tayo," pag-iiba ko ng usapan na siyang ikinasimangot niya pero agad ring ngumiti.

"Akala ko tapos na tayo kahapon?"

"Sinong nagsabi?"

"Eh kasi diba...ah basta! Sige, sunod ako."

"Hmm." Tumango ako at nauna na sa paglabas upang ihanda ang gamit sa ice cream corner.

Promised Not to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon