PROLOGUE

48 2 5
                                    

PROLOGUE

Bakit kaya mag-isa lamang siya? Gusto ko siyang makalaro!

Nakangiwi kong ibinaling ang ulo ko sa kanan at pinagsingkitan ng mga mata ang natatanaw sa hindi kalayuan. Iginala ko ang mga mata sa daan. Tanging mga nagtataasang puno sa magkabilang gilid ng kalsada at iilang mga dumaraang sasakyan o bisikleta ang nakikita ko. Tiningala ko ang langit. Malapit nang lumubog ang araw.

"Naliligaw siguro 'to tsk tsk," iiling-iling kong bulong sa sarili.

Patakbo akong tumawid sa kabilang daan at nangingiting tinungo ang batang babaeng nakita ko. Pauwi na sana ako mula sa tindahan kung saan ako bumili ng suka na ininutos ni Mama nang makita ko siya. At dahil nabuhay ang kuryosidad ko, heto ako nasa harap na niya.

Tumigil ako nang ilang pulgada na lang ang nasa pagitan namin. Paminsan-minsang tumatama sa kanya ang ilaw na nagmumula sa mga parol na nakasabit sa ilang mga bahay kung kaya naman naaaninagan ko ang mukha niya pero hindi ko iyon magawang bigyan ng sapat na deskripsyon dahil sa kadiliman.

Ano ba tinitignan nito? Tinalunton ko ang pinagmamasdan ng batang babae at sa isang kakaibang Rosas dumapo ang mga mata ko.

Oo, kakaiba. Dahil nag-iisa lamang ang rosas na iyon sa napakaraming iba pang uri ng bulaklak na nasa paligid niya. Pwede bang mangyari 'yon? Nag-iisa lamang siya sa kanilang uri? Ang wirdo.

Sinulyapan ko ulit ang batang babae at ang Rosas para lamang muling magulat! Agad na kumilos ang kamay ko upang tabigin ang kamay ng batang babae nang akma niyang hahawakan ang bulaklak!

At dahil sa ginawa ko...nakuha ko ang atensyon niya. Natulala pa siya saglit sa akin pero hindi ko iyon binigyan ng pansin. Palihim kong sinuri ang kamay niya kung natinik ba siya sa Rosas pero walang sapat na liwanag para makita ko iyon. Tsk.

"Sino ka?" bigla ay tanong niya, itinatabingi pa ang ulo na animo'y pinag-aaralan ang mukha ko. "Bakit nandito ka? Saka bakit mo tinabig kamay ko?" dagdag pang tanong niya, angas.

Nakaramdam naman ako ng hiya. Sabi ni Mama, hindi ko dapag hinahawakan ang kahit na sino nang walang paalam. Pero magagawa ko pa ba 'yon kanina eh masusugatan na siya? Tsk.

"Sorry." Nahawakan ko ang tainga sa hiya bago ngumiti nang malawak, iyong siguradong lalabas ang aking biloy sa kanang pisngi.

"Ah, tignan mo kasi...ang daming tinik sa Rosas na 'yan. Masusugatan ka," paliwanag ko.

Minsan pa niyang nilingon iyon bago muling tumingin sa akin. Tumango-tango siya kasabay ng paglabas unti-unti ng ngiti niya.

Ang ganda ng ngiti niya...pero parang may kulang.

"Oh, thank you!" masigla na niyang sabi. "Gusto ko kasi niyang Rose."

Paano ko ba makukuha 'yon nang hindi natitinik? Kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa bulaklak na 'yon. Hindi ko maipaliwanag, hay.

Pinagmamasdan na ulit ng aking kapwa-bata ang Rosas nang muli ko siyang lingunin. Gusto niya siguro talaga ng bulaklak. Ano kaya gagawin niya doon? Kung ako ang tatanungin, pwede naman siyang bumili. Mukha siyang mayaman, sa totoo lang. Nakasuot siya ng bestida na parang kulay puti at mayroong headband na may disenyong ribbon sa ulo. Halatang pangmayaman iyon. Para siyang bidang bata sa isang teleserye na anak ng mayamang pamilya. Ganoon palagi ang napapanood ko sa TV.

Sinuyod ko ng tingin ang lugar kung nasaan kami pareho. Maraming halaman at bulaklak sa paligid. Hindi ko kabisado ang lugar pero sigurado akong gubat na ang sasalubong sa akin kung maglalakad pa ako palayo. At hindi ko pwedeng gawin 'yon. Maliligaw ako saka isa pa...

Promised Not to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon