CHAPTER 9

73 0 0
                                    

CHAPTER 9

AIDAM'S POV

"Aidam? Huy, Aidam!"

Napakurap ako nang pumitik sa mismong mukha ko si Amorette. Napaglapat ko ang mga labi at pinakatitigan siya, nagtatanong kung bakit niya ba ako tinatawag.

"Ano? Tititigan mo lang ba ako, ha? Wala kang balak umuwi, mister?"

Mister.

Napalunok ako saka umiling at tumingin sa kung saan. Lihim akong bumuntong-hininga saka namulsa at ibinalik kay Amorette ang mga mata ko. Oo nga pala. Nasa pamantasan pa rin kami - sa ilalim ng puno ng Mangga dito sa paradahan ng mga bisikleta.

"Pasensya na. Inaantok na yata ako," palusot ko.

Nanliliit ang mga matang tumango-tango siya. "Palagi ka naman mukhang inaantok."

Natawa ako sa isip. Nanunukso na naman siya. Tapos kapag ako ang nagbalik ng pang-aasar sa kanya, pikon na pikon siya, tsk.

Ngumiwi ako saka nanguna sa bisikleta. Hapon na rin kaya hindi na mainit ang panahon. Nalilibang din naman ako sa pagbibisikleta dahil kinakausap ako ni Amorette. Mas gusto ko nang magkwento siya nang magkwento habang dumadaan kami sa mapunong daan kaysa naman puro palihim na buntong-hininga niya ang naririnig ko katulad kanina.

Humihigpit din ang hawak niya sa tagiliran ko sa tuwing lumiliko kami ng daan kaya ginagawa kong pino ang pagpapatakbo ko ng bisikleta dahil pakiramdam ko ay natatakot siya.

Pero kung aasarin ko siya...pwede ko rin namang bilisan ang pagpapatakbo. Kaso tch, paniguradong malulukot na naman ang mukha niya at mabibingi ako sa mga reklamo niya.

"Bye, Mathaaan!!" paalam ni Yuki na inihatid pa sila Mathan at Amorette sa labas ng gate. Nasa likod din niya si Mama.

"Ate Yuwki, babay," pagkaway ni Mathan gamit ang maliit na kamay. Sa likod niya ay suot niya ang maliit pero may katabaang bag ni Spider Man.

"Hindi na ba talaga kayo dito maghahapunan?" pagpupumilit ni Mama.

"Hindi na po, tita hehe. Kailangan ko na rin po kasing umuwi dahil may mga aasikasuhin pa po ako sa bahay para po bukas," tinago niya sa tawa ang hiya. Lihim akong ngumiwi dahil tingin ko ay nagdadahilan lang siya dala ng hiya. "Sa susunod na lang po," pinaganda niya ang ngiti.

"Siya, ikaw ang bahala, hija. Ingat kayo ha! Bukas na lang ulit. Napagod panigurado iyan sa paglalaro." Ginulo niya ang buhok ni Mathan.

Sinamahan ko hanggang sa sakayan ng tricycle sina Amorette at Mathan. Hanggang sa makarating doon ay ayaw bitawan ni Mathan ang kamay ko. Inaakala niya yata ay kasama nila ako sa pag-uwi.

Balak ko naman talaga sanang ihatid silang magkapatid hanggang bahay kaso ay ayaw nang magpapilit ng ate, tsk. Hindi raw pwedeng umangkas si Mathan sa bike at maaaksidente lang kami pare-pareho.

Nangako na lang ulit ako kay Mathan na susunduin ko sila bukas sa bahay. May pasok kasi si Amorette sa pamantasan. At tanghali pa naman ang pasok ko sa cafe.

Nang mawala sa paningin ko ang tricycle na sinakyan nila ay saka ako nakapamulsang naglakad pauwi. Hawak ko sa loob ng bulsa ang phone ko, alerto sa kung anumang pagtunog nito.

"Kumain ka na, Aidam," bungad sa akin ni Mama pagkauwi.

"Kumain na po kayo?" Sinulyapan ko si Yuki na nakasalampak sa sahig habang hawak ang lapis at nagsusulat sa kwaderno niyang nakapatong sa center table. "Ngayon ka pa lang gagawa ng assignment?"

"Nauna na kaming dalawa kumain," sagot ni Mama, nilingon ko siya. "Nawili sa paglalaro 'yan kanina. Hayaan mo na at isa lang naman ang assignment niyan."

Promised Not to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon