CHAPTER 4
ROSHAN'S POV
"Hi, ma'am! You may try our best cupcakes!"
"Magandang araw! Try our sweets!"
"Hi sir, baka gus—" Napabuntong-hininga at ngumiti na lang ako sa sarili nang lagpasan niya ako.
Gamit ang likod ng palad ay pinunasan ko ang butil ng pawis na kumakalat na sa noo ko. Tinanaw ko ang nakatayong booth sa labas ng cafe na pinaghalong light blue na parang sa langit at kulay pink na mapusyaw ang kulay. Bagay na bagay sa cafe. Pinanliitan ko ng mga mata ang relo ko. Nagugutom na ako.
Pinaypay ko sa akin ang mga hawak na papel na naglalaman ng details ng promo discount ng store. Wala namang pumapansin sa akin dito. Kung meron man ay doon sa booth mismo dahil sa free taste. Masyadong busy ang mga dumadaan para pagkaabalahan ang mga sinasabi ko. May iilang tinatanggap ang mga papel na ipinamimigay ko at ngingiti na nagpapagaan sa kalooban ko ngunit mayroon ding nilalagpasan lang ako na parang hindi nila nakikita katulad ng hangin.
Tirik na tirik ang araw, maingay ang mga sasakyang humaharurot. Ang dami ring dumadaang mga nakabisikleta. Pakiramdam ko ay amoy usok na ako. Pasimple kong inangat ang braso ko at inamoy. Nalukot ang mukha ko.
I wanna take a bath!
But I wanna eat more!
Pinagpag ko ang mga flyer sa hangin at inayos na parang sa mga baraha. Natatakam kong tinignan ang mga larawan ng mga pagkain sa cafe.
Cupcakes.
Ice creams.
Coffee.
"Nakakagutom lalo," bulong ko.
Shakes.
Cakes.
Fudgee barr.
Kumurap pa ako nang matakpan ng isang fudgee bar ang paningin ko. Bakit may fudgee barr? Napatingala ako sa lalaking tumabi sa akin. Bahagyang sumingkit ang mga mata ko nang masalubong ang sikat ng araw na tumatagos sa mukha niya.
"Ayaw mo?"
Napangiwi ako nang marinig ang boses ni Aidam. Sa lahat ng mga taong nakilala ko, siya lang yung imbes na 'gusto mo?' ang tanong ay kabaliktaran. Parang ayaw niyang mamigay ganoon, napilitan lang.
"Gusto mo?"
Natawa ako sa sumunod niyang tanong. "Lagi kang baliktad."
"What?" tanong niya, nakababa na ang tingin sa akin.
Sa tuwing magkatabi kami, parang mas lumiliit ako, tsh!
"Wala, salamat!" ngumiti ako, umangat pa ang balikat ko.
"Doon tayo, mainit dito," aya niya papunta sa booth.
"Lunch break na ba? Bakit nasa labas ka?" tanong ko.
"Hmm," sagot niya kasabay ng pagkagat sa sariling fudgee bar.
"Ayan lang kakainin mo? Hindi ka magkakanin?"
"Gusto mo ba?" Muli niya akong binigyan ng panibagong fudgee bar.
Daming baon ah!
"Ikaw tinatanong ko, bakit ako?"
Hindi niya ako sinagot. Sumandal siya sa sandalan ng upuan at tumitig sa kung saan habang pinapagpatuloy ang pagkain niya.
Gusto kong kumain ng kanin pero kailangan kong magtipid para kay Mathan. Nagkasakit ang kapatid ko noong nakaraang linggo kaya halos maubos ang pera ko. Iyon din ang dahilan kung bakit palagi akong umaalis tuwing break time at hindi sumasama kela Isabela sa tuwing mag-aaya sila.
BINABASA MO ANG
Promised Not to Love You
RomancePagmamahal daw ang isa sa mga elementong nagpapatuloy sa pag-inog ng mundo. Ngunit magagawa mo pa bang sumugal sa pag-ibig kung kasabay ng pagkahulog mo sa isang tao ay siya ring paghinto sa pagtibok ng iyong puso? Magagawa nga ba ni Aidam Art na m...