CHAPTER 14
ROSHAN AMORETTE'S POV
Umupo ako sa paanan ko pagkapasok ng bahay at hinarap si Mathan. Tinulungan ko siyang hubarin ang sweater na pinasuot ko kanina dahil malakas ang ulan. Bagaman may kalakihan ay naging sapat 'yon para sa dagdag proteksyon niya.
"Okay ka lang? Sorry, nabasa ka ba ng ulan?" mahinahon kong tanong sa kanya.
Inosente niyang hinawakan ang pisngi ko. "Sad ka ba, Ate?"
"Hindi. Hindi sad si ate." Nagpakita ako ng ngiti. "Ihahanda ko lang pampaligo mo, ha? Laro ka muna dito." Iginiya ko siya paupo sa sahig saka inilapit sa kanya ang mga laruan niya. Binuksan ko na rin ang electricfan upang maiwasang makagat siya ng lamok.
Pagkatapos ko siyang mapaliguan ay naghanda agad ako ng hapunan niya. Magana sa pagkain ang kapatid ko na pilit kong sinabayan. Napapansin kasi niyang matamlay ako. Ayoko namang maapektuhan ko ang mood niya. Saglit din kaming naglaro ng mga laruan niya bago siya humikab at kusang mag-ayang matulog.
Kung kanina ay nalilibang kahit papaano ang isip ko dahil sa pag-aasikaso sa kapatid ko, hindi ganoon ang nangyari noong nakatulog na siya. Mas nangibabaw sa loob ng bahay ang katahimikan.
Napabahing ako. Magkakasipon pa yata ako. Sa takot na mahawaan at magising si Mathan ay lumabas ako ng kwarto at umupo sa sahig sa sala. Doon ako sumandal sa sofa.
Bukas na lang siguro ako bibili ng gamot. Nabasa kasi ako ng ulan kanina noong pauwi na kami ni Mathan kaya ngayon ay may sipon ako. Mabuti nga lang at may pinahiram na payong si Tita Melly para sa amin ni Mathan. Aaminin kong hindi ko na talaga hinintay si Aidam kanina at iniwan ko siya doon sa pamantasan. Alam kong nagbilin siyang maghintay ako pero masyado akong nadala ng emosyon ko at mas pinili kong mauna na sa kanya. Napapikit ako kasabay ng pagbuntong hininga. Hindi ko malaman kung pagsisisihan ko bang umamin ako. Sa totoo lang, wala sa plano ko ang gawin iyon.
Maging ako ay nabigla sa ginawa ko. Noong tinext ako ni Aidam kanina upang ayaing magtanghalian, hindi totoo ang sinagot ko sa kanya na tapos na ang lunch break namin. Gusto ko lang talagang umiwas sa kanya. Hindi rin totoong nag-overtime ang prof namin kaya ganoong oras ako lumabas ng pamantasan. Ang totoo niyan ay hinanap ko si Aidam pero hindi ko siya nakita sa kubo. Sa paghahanap ko sa kanya ay nakarating ako ng library kung saan ko sila naabutan ni Myca.
Siguro nga ay irrational akong mag-isip. Dahil imbes na lapitan ko sila ay nagtampo kaagad ako kahit wala namang kasalanan si Aidam. Ako itong umiiwas pero nang makita ko naman siyang may kasamang iba, ako rin itong nagselos.
Kapalit ng buhay ko... Kapalit ng buhay ko...kapalit ng buhay ko...
Paulit-ulit na umugong sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Aidam kanina. Hindi maganda sa pakiramdam ang dinulot ng mga katagang iyon sa akin. Kahit anong isipin ko, hindi ko pa rin magawang maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng pwede niyang idahilan, ayon pa ang napili niyang sabihin sa akin.
"Nakamamatay na sakit ba ako para sa kanya?" mapakla ang tawa kong bulong. "Ayaw niya sa akin? Eh 'di okay!"
Pero hindi naman siguro sapat na dahilan iyon para idahilan niya ang buhay niya, hindi ba? Ano ba ang tingin niya sa kamatayan...mababaw lang?
Talking about death triggers something inside me. It...hurts. It reminds me of a trauma that I would want to forget.
Waking up is hard for me that day. At mas lalo akong nalungkot dahil walang Aidam na naghihintay sa labas ng bahay namin sa umagang 'yon. Hindi rin ako nakapasok ng cafe dahil walang magbabantay kay Mathan. Hindi ko na magagawang iwanan siya kela Aidam dahil nahihiya na ako. Hindi kami okay ni Aidam ngayon. At hindi ko alam kung magiging okay pa ba kami.

BINABASA MO ANG
Promised Not to Love You
RomantikPagmamahal daw ang isa sa mga elementong nagpapatuloy sa pag-inog ng mundo. Ngunit magagawa mo pa bang sumugal sa pag-ibig kung kasabay ng pagkahulog mo sa isang tao ay siya ring paghinto sa pagtibok ng iyong puso? Magagawa nga ba ni Aidam Art na m...