CHAPTER 5
ROSHAN AMORETTE'S POV
Shocks.
Halos maurangod na ako sa bilis ng pagtakbo ko habang nakikipagpatintero sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Hinahawi at sumisingit ako sa mga kumpulan ng taong nakaharang sa daan kada hakbang. Mabilisan kong tinignan ang orasan. 6:30 am. Takbo lang, self. Kaya yan.
"Roshan, yung bayad mamaya na lang ha!"
"Yup, yup!" nagmamadali kong sagot kay Lany bago umakyat sa hagdan.
Hinihingal na ako sa totoo lang. Hindi lang dahil sa pagtakbo kundi pati na rin sa pagbati at pagsagot sa lahat ng nakakasalubong ko. Tsk, kasalanan mo 'to, Roshan Amorette. Ugaliin kasing tignan kung na-set ang alarm ha?
Hingang malalim. Woah!
Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko makita ang professor namin pagkapasok ko ng classroom. Tanging mga kaklase ko lang na kung hindi nakatungo sa mga libro ay gumagamit naman ng cellphone at nagkwekwentuhan. Binati ko ang mga kakilala ko bago maupo sa gitnang hilera ng mga kahoy na upuan. Pinupunasan ko ng panyo ang noo ko nang lapitan ako ni Jesse.
"Uy hello!" habol ang hiningang bati ko.
Tipid siyang ngumiti sa akin habang nauupo sa tabi ko. "May sasabihin kasi sana ako."
"Uy sige, ano 'yon?"
"Uhm kasi pwedeng bukas na lang yung bayad ko doon sa order? Nagkaroon kasi ng problema sa bahay..."
"Hala, sige lang! Oo naman, ayos lang uy!" Agad kong naitanggi ang kamay ko habang tumatango.
"Talaga ba? Nahihiya na ako eh," sabi niya habang kamot ang noo.
"Okay lang, siz! Promise!" Tinaas ko ang palad na tila nanunumpa.
Ngumiti siya. "Sige. Thank you talaga!"
"No problem!"
Sinundan ko ng ngiti si Jesse habang papalayo siya upang umupo sa sariling pwesto. Tsinek ko ang phone ko nang ilang sandali pa ay pumasok na ang professor namin. Hindi ko alam kung malas ba ako ngayong araw dahil ilang beses akong natawag ng mga prof namin sa recitation. Favorite niyo ba ako, mamser?
Buti na lang talaga nakapagreview ako, psh!
"Cervanchez!"
Napahinto ako sa paglalakad papuntang gate nang marinig ang pagtawag sa akin. Aish! Bakit niyo ba ako tinatawag sa apelyido ko?
"Yes?" Nilingon ko si Melisa.
"May naghahanap sa'yo kanina. Kaso umalis na, naka-kotse."
Kumunot ang noo ko. "Sino raw?"
"Tita mo raw."
Napalunok ako sa narinig. "Nasaan na?"
"Umalis na nung sinabi kong nasa klase ka pa."
Hindi na naalis sa isip ko ang sinabi ni Melisa hanggang sa makauwi ako ng bahay. Nakakain na kami ni Mathan at nahilamusan ko na siya pero hindi pa rin matahimik ang isip ko. Hindi ko maipaliwanag ang bigat na nararamdaman ko ngayon. Bumabalik na naman sa akin ang lahat ng nangyari noon na pilit ko nang tinatakasan. Kahit anong baling ko sa kinauupuan ay sadyang naguguluhan ako sa binabasa ko at wala nang pumapasok sa utak ko.
Naibagsak ko ang libro at nasabunutan ang sariling buhok. Pakiramdam ko ay naiiyak na ako ngunit walang lumalabas na luha mula sa mga mata ko. Nilingon ko ang maliit na kamang kinahihigaan ni Mathan. Sakto lamang sa aming dalawa ang kamang iyon na ibinigay lamang sa amin ng isang taong kahit anong pagtulak ko ay tinutulungan pa rin kami. Mababaw ang paghinga ni Mathan na nahihimbing na sa pagtulog. Ang payapa niyang tignan at ayokong mawala sa kanya ang kapayapaang iyon. Hindi ko gugustuhing maranasan niya ang hirap na dinanas ko noon.
BINABASA MO ANG
Promised Not to Love You
RomancePagmamahal daw ang isa sa mga elementong nagpapatuloy sa pag-inog ng mundo. Ngunit magagawa mo pa bang sumugal sa pag-ibig kung kasabay ng pagkahulog mo sa isang tao ay siya ring paghinto sa pagtibok ng iyong puso? Magagawa nga ba ni Aidam Art na m...