NOKH:[21]★His Girlfriend|Picture

10 1 0
                                    


[A/N: Okay! Readers, naka-five chapter nako sa kanila balikan na natin ulit sina Jaime at Jia. Nag-aantay po ako na maraming votes ang comments.hehe.xD.]

P.S. Separate po talaga tong story kaso pinag-isa ko na lang.  bale dalawang love story ang mamahalin nyo.  Enjoy it.

¤¤¤¤¤  ¤¤¤¤¤  ¤¤¤¤¤  ¤¤¤¤¤  ¤¤¤¤¤

{NOKH : Chapter 21| His Girlfriend|Picture}

Jaime Austin Ross's POV

This time maaga akong pumasok ng school yung halos wala pang tao sa campus, ibabalik ko lang sana itong cellphone ni Sada---..ni Jia pala. Pero kanina pa ako mag-isa dito sa class room di pa rin sya dumarating..maaga naman siya kung pumasok, pero bakit wala pa sya?. Ayoko pa naman iabot sa kanya itong cellphone na nandito ang mga ka-klase namin, siguradong iba ang iisipin ng mga yun! lalo na ng mga kaibigan ko.

Ni hindi ako makapagpaliwanag..ang ibig kong sabihin hindi pala ako nagpaliwanag nang tanongin nila ako, kung bakit nakisali at sinalo pa ang binatong upuan na dapat kay Jia. Di sa ayoko magpaliwanag sa kanila kundi, ayoko magpaliwanag dahil sa alam ko na ginawa ko iyon dahil sa thrill..dahil sa part ko sa thrill..dahil sa hindi ko alam kung anong klaseng tulong na magagawa ko para magawa nya rin ang thrill nya.

Pero sya na rin ang nagsabi kahapon na huwag ko na syang tutulungan sa thrill..na huwag ko na lang raw ipagsasabi ang thrill nya dahil itutuloy pa rin yun.

Gusto kong subaybayan kung paano nya gagawin ang thrill, kung paano nya mapaghihiway si Vince at Lizzy, kung hanggang saan ang pagtitimpi at tapang niya ituloy ito, At kung ano pa ang maaaring gawin ni Lizzy sa kanya mapaalis lang ito ng kusa.

Sa ngayon nakikita ko na, na marami nang mga bagay-bagay na mangyayaring di inaasahan... pero interesting na pangyayaring magaganap sa batch namin.

"Hoy!, Jaime ano na?" - Miggs

Bumalik ako sa katinuan ko mula malalim kong iniisip at dahil na rin sa iritang tanong sakin ni Miggs, di ko manlang namalayan na narito na pala ang mga kaklase at sina Miggs.


"Anong?, Ano na??!" - balik kong tanong kay miggs.

"Bingi ka ba brad!?, wala ka pa bang gagawin? hindi ka pa ba tatayo dyan?!" - Miggs. ano bang pinagsasabi nya? di ko sya maintindihan. "3x kanang mini-mention sa announce speaker, pumunta ka raw sa principal's office..kanina ka pa nakatanga dyan"


Si Miggs kabute na nga kung pumasok, ganito pa makipag-usap..di naman sya ganito dati. Umalis na ko para pumuntang principal's office. Hay! ano na naman kayang kailangan o pag-uusapan namin doon.


Miggs Becker's POV

May 3weeks pa kaming contract ni LoveMe kaya susulitin ko ang pagkakataon kaso paano? paano ko susulitin if weekends lang siya free.


**vibrate**vibrate**vibrate**

napatingin ako sa naiwan na phone sa arm chair ni Jaime kung saan galing yung narinig kong pag-vibrate ng phone.


Girlfriend calling......

(O____O) Gi-girlfriend kailan pa nagka-girlfriend si Jaime? kailan pa sya nagkaroon interes sa babae? kukunin ko na sana yung phone ni jaime na naiwan para sagutin yung tawag kaso..ang bilis ng kamay lizzy, nakuha nya agad yung phone at pinindot na nya rin agad yung answer button.

No One Knows HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon