NOKH[22]★Reason being Pretending

11 1 0
                                    

{NOKH : Chapter 22Reason being Pretending }

Miggs Becker's POV

After kong makausap yung nasa linya ng phone ni Jaime alam ko na di ako nagkakamali, alam ko kung kaninong boses yun at nasisigurado ko na kay LoveMe yun.

Si Jaime sana ang tatanungin ko..pero naisip ko na mas maganda kung kay LoveMe mismo manggaling ang sagot kahit masakit sa part ko, kung yun naman ang katotohan sa pagitan nila ni Jaime wala na akong magagawa.


The fact na kasinungalingan at pagpapanggap lang ang meron saming dalawa. Glad na rin ako na may kumalat na video (sa food chain & mall) kung di dahil dun di ko makikilala ang totoong sya at di ko makikitang ngumiti ang mama ko.


Napanuod kasi ni mama yung about dun sa dalawang video then kinwento ko sa kanya yung nangyari and dun sa mga naging epic fail ko. Naaalala ko nung kinwento ko sa kanya nun tuwang-tuwa sya..first time ko lang ulit nakita si mama na ganun na lang kung ngumiti at tumawa.


Sa sobrang tuwa ni mama ni-request nya sakin na ma-meet in person nya mismo yung girl which mean si LoveMe. Nung una di ko alam if paano ko gagawin yun..di naman kami magkakilala ni LoveMe that time..kaya muling lumungkot uli si mama nang di ko napa-meet sa kanya yung girl.


Akala nya ayoko lang ipakilala sa kanya si LoveMe.. ang di nya alam di rin kami magkakilala nun.. kaya ang nangyari si mama na mismo ang gumawa ng paraan mahanap at ma-meet in person nya si LoveMe ng di ko manlang alam.


Di nga ako makapaniwala na nahanap at nakausap nya agad yung girl.. na dalian nga lang syang hanapin si LoveMe dahil daw dun sa isang video na naka-uniform si LoveMe.. habang kinukwento ni mama ito halatang-halata ang galak nya yung tipong wala ng makakapigil pa ng pag-ngiti sa mukha nya.


Masaya ako at nakikita ko ang mama ko na masaya.. kaso ang iba sa parte ng ngiti ko na wala.. ayon kasi pagkakwento nya nagpakilala sya ganito 'Hi! I'm your boyfriend's Mom' (=____=) di ba ang saklap di nga kami magkakilala ei tapos ganun sya nagpakilala, nagpagkamalan pa nga na nagbibiro si LoveMe noong mga panahon na iyon nang sinabi nya na wala naman syang boyfriend (=___=).


Sa kulit ni mama sinabi nya kay LoveMe noon na huwag na raw itago ang relasyon namin. Oo may karelasyon nga ako ng mga panahon na iyon pero hindi si LoveMe, alam ni Mama na may girlfriend ako pero di nya iyon kilala dahil di ko na pinakilala pa sa kanya. Lahat na naging girlfriend ko except sa naging last girlfriend ko pinakilala ko sa kanya..at lahat din sila di nya na gustuhan kaya di ko napinakilala pa ang last girlfriend ko. Si LoveMe sa video lang na kumalat nya nakita pero natuwa at na gustuhan nya kaagad di ko alam kung bakit? nagpakwento pa si mama sa akin ng kung anu-ano kaya kinwento at nagkwento ako sa kanya di nya alam yung iba imbento ko na, pasensya na anak lang ako.. anak lang ako na gustong makita ang ina na nakangiti at masaya sa kalagayan nyang may karamdaman.


Kung nagtataka kayo kung paano nakita at nakilala ni Wayne at Jin si LoveMe nagkita-kita kami sa isang Resto sa di inaasahan. Kasama ko si LoveMe at Mama habang magkasama naman si Jin at Wayne, Inaya ni mama sina Jin na kumain na lang kami sa iisang mesa. Si mama ang nagpakilala kay LoveMe kina Jin and wayne (=___=) as ussual pinakilala nya ito as my girlfriend kaya laking gulat na lang nung dalawa dahil malayo si LoveMe sa ideyal girl ko.

Simula ng makilala ko sya akala ko puro pambwi-bwisit, kamalasan at kapalpakan ang dala nya sakin gaya na lang dun sa nangyari sa food chain at mall, ang pabilhin ako ng panty at napkin, ang pagpapanggap lang pala ang lahat ng iyon, ang pag-aaway at paghihiwalay namin ng girlfriend ko. Sa lahat ng iyon malaki ang magandang naibalik napangyayari sakin bukod sa napabilib nya ko, napasaya si mama, kinainggitan pa ko nung dalawa kong kaibigan.


Pero sa ngayon iniisip ko kung may relasyon ba talaga sina LoveMe at Jaime..dahil kung ganun man mahihirapan ako makitungo sa kanilang dalawa. Kaibigan ko si Jaime tapos girlfriend nya naman si LoveMe..si LoveMe na girlfriend ko rin sa mata ni mama, nagpapanggap lang kami pero na talo ako..i have special feelings na kay LoveMe (T^T).


"Hi! Miggs, daling!" - sweet na bati ni mama galing office.


"Ma, ano yang mga dala nyo? Nag-grocery ka?"


"Yep! Invite mo si F-dil dalii! magpe-prepare ako ng dinner may pag-uusapan tayo" - excited na sabi ni mama

haist! ayoko nga baka kung anu-ano na naman yung sasabihin ni mama kay LoveMe..F-dil tawag ni mama kay LoveMe short from Future-Daugther In Law. Tsaka di rin papayag si LoveMe gabi na pagod yun galing school.

"Ma!, huwag na po gabi na and pagod pa yun galing school"


"Ayyy..gusto ko pa na naman ngayon na para masabi ko na sa kanya yung idea ko.." - si mama biglang nalungkot, na dissapoint sya sa sinabi ko.


"Ano ba sasabihin mo sa kanya Ma'?"

"Actually..gusto-ko-lang-naman-pag-usapan-natin-ang-pagpe-prepare ng..." - si mama pa intense pa


"Ng??" - ako


"Ng...ng..." - mama


"Ng alin nga Ma'??!" - ayaw pa kasing ituloy ei pa bitin.


"NG ENGAGEMENT PARTY NYO NI F-DIL!" - hayan binigla na ni mama.


Napanga-nga ako at natulala pagkarinig na pagkarinig sa sinabi ni mama.

(O__________O) E-engagement pa-party?? Ang-ang ganda sa pandinig..Masaya sa pakiramdam..pe-pero paano? hindi naman talagang kami..at maaaring may Jaime na sya, pagpapanggap lang ang meron sa pagitan namin at yun lang rin ang kumu-connect sa pagitan naming dalawa.

"Ano anak na gustohan mo ba? ayy。sus! alam ko galak na galak ka sa loob-loob mo, ayaw mo lang ipakita sakin" - mama. "Paano pa kaya kung nasabi ko na rin kay F-dil, paniguradong matutuwa rin sya!, excited na kong masabi sa kanya" - mama


Paano matutuwa si LoveMe kung sabihin nga iyon ni mama kung wala naman syang dapat ikatuwa sa ganung bagay at sa ganitong sitwasyon. Kung bakit kasi hindi mahulog-hulog ang puso ni LoveMe sakin gwapo naman ako, may pinag-aralan at galing sa kilalang pamilya (0__0) di kaya tomboy talaga si LoveMe(~__~) hindi-hindi pwede..tama! may naisip na ko aakitin ko si LoveMe gagawa ako ng paraan para maging lubusan syang maging babae at  ma-inlove sya sakin gagamitan ko sya ng sexy move..teka! bakit sexy move? di ba dapat atttactive move ng isang lalaki tama! yun na nga.


Hahaha!.. LoveMe humanda kana baka ikaw mismo ang manligaw sakin.. pero dahil mahal na kita..di kita pahihirapan.. aminin mo lang agad na may feelings ka na rin sakin.


Pero kung makikipag-matigasan si LoveMe na aminin ang feelings nya sakin mas gagawa ako ng paraan para ipagsigawan nya pa sa lahat ng tao.

Simula sa lunes araw-araw ko ng pupuntahan si LoveMe sa school na pinapasukan nya.. wala akong pakielam kung mainis sya. Gagawa na rin ako ng list na gagawin ko sa kanya.

xvxSaliling95xvx

       → Hello! po readers, ano pong kalokohan ang pinagsasabi nitong ni miggs? anong sexy move? paano yun? hay! nahihibang na po si miggs pero tignan na lang natin kung anong mangyayari, kung magbubunga ba mga iniisip nya. Anyway i love you a lot! Love? and Support? syempre makikita ko yan sa Vote and Comment nyo abangan ko yan ha. :-D

xvxSaliling95xvx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No One Knows HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon