{NOKH : Chapter 15| Girlfriend }
Elli Reeves's POV
Gaya ng sabi ni Jia maaga syang pumapasok kaya lagi na rin akong maaga kung gumising na kahit antok-antok pa ako, pinipilit ko makasama ko lang sya.
Tapos na ako sa routine ko, tapos na rin akong kumain. Tagawan ko na sana si Jia nang may nareceive akong text galing sa kanya.
*****
From: De Only 1
Elli, hindi ako papasok ngayon, may kailangan akong puntahan. Sorry if di ko nasabi sayo kahapon, kanina ko lang kasi naalala. Sorry po ulit!.
*****
Saan naman kaya sya pupunta? di kaya?!, di sya papasok dahil sa nangyari kahapon. Bahala na iidlip na lang ako tutal maaga pa dalawang oras pa bago ang klase.
Millz Jia's POV
*****
To: Elli Reeves
Elli, hindi ako papasok ngayon, may kailangan akong puntahan. Sorry if di ko nasabi sayo kahapon, kanina ko lang kasi naalala. Sorry po ulit!.
*****
Nahihiya na naman ako, paniguradong gumising yun ng maaga, dahil papasok sya ng maaga kasama ako.
Kailangan ko nang kausapin ang kaibigan ko, about my thrill. Yun yung kaibigan ko na tinutukoy ko na totoong nakakakilala sa akin, siya yung tinutukoy ko na hihingan ko ng tulong para mas magawa ko ang thrill.
Maaga akong umalis ng bahay para pumunta sa bahay nya, ti-nxt ko sya para di siya surprise na kung kailan nandun na ako.
Inagahan ko talaga para may bonding naman kami kahit papano, may klase pa naman yun..pero mamayang hapon pa.
Jonaira Saliling's POV
Buti na lang ti-next ako ni Girlfriend kapon pa, nagtext rin siya sa akin kanina pang-remind lang na pupuntahan nya ako.
Ako na lang tao dito sa bahay, umalis na yung kinakapatid ko dahil maaga ang pasok nun. Pinagliligpit ko na ang mga kalat at di nakaayos na gamit na nakikita ko, saka naligo na.
15minutes pass..
Tapos nako maligo, di naman gaano katagalan di ba?! nagbihis na ako pero pambahay lang pero naka-medyas nilalamig kasi ako ngayon.
*tok*tok*tok*
Si Girlfriend na yan sigurado, wala naman akong iba pang bisita ini-expect ngayon kung di sya, hindi naman nagtext sakin ang Jackzer if pupunta sila dito.
"Long time no see! My rich kid Girlfriend !" - bungad ko kay friendship
"Di ba sabi ko huwag mo kong tatawaging rich kid" - friendship
Ang taray ni Girlfriend puma-pout na sakin. Infairness mas gumanda siya ngayon, ganyan na ba ang effect ng hangin sa probinsya, makauwi nga rin.LoL syempre echoss lang.
"Tara! dun na tayo sa loob, nagluto ako ng favorite mong ulam.haha!" - ako
"Anong paborito kong ulam??!, Ang sabihin mo paborito ng skill mo sa pagluluto.haha.. itlog na naman. ahahaha!" - Girlfriend
BINABASA MO ANG
No One Knows Her
Teen FictionPaano kung magulat ang lahat sa kung sino sya?, magbabago kaya ang tingin nila sa kanya. Paano kung maging slave ka ng kapwa mo babae, isang mayaman, childish brat at walang sina-santo, papayag ka kaya?. Eh!, paano kung ang school thrill na ibinibig...