Kabanata 4
Gazed
"Kai, where have you been? Kanina ka pa namin hinihintay dit—" Napatigil si Chelsea at may tiningnan sa likod ko. Pinasadahan niya ito ng tingin at tsaka bumalik ang tingin sa'kin na nag-tatanong ang mga mata.
Nakasuot ito ng Fitted jeans at white polo, tinuck-in niya lang ito. Sa kamay nito ay may hawak itong glass wine. Mukhang papalabas s'ya ng bahay pero natigil lang ng Nakita niya ako o kami ni Aki.
"Looks like, we have someone here..." Aniya sa akin na may panunukso sa tuno.
Malaking ngiti ng binalingan ko si Aki sa likuran ko na ngayon ay bakas sa mukha nito na kinakabahan at nahihiya na.
"By the way, Chels, this is Aki—"
"Of course, I know her, silly!" Baling sa'kin ni Chelsea, "Is she the girl from the—"
"Yes, Aki, si Chelsea my cousin." Hindi ko na pinatapos si Chelsea baka ano pa ang masabi. Ngumiti naman si Aki at nilahahad ang kamay kay Chelsea na malugod naman na tinanggap ni Chelsea.
"Nice to meet you, Tanya..." Aniya sabay kindat sa huli.
"Same here, Pinahiram nga pala ni Kaos itong dress mo, I'm sorry..." Bakas sa mukha nito na kinakabahan sa ano mang magiging reaksyon ni Chels sa sinabi nito. She is wearing a blue oceanic dress and I am wearing a dark gray shirt.
Napahalakhak si Chelsea at mapanukso niya akong tiningnan, "Really?" Napatawa naman ito na napatakip sa bibig at aliw akong tiningnan. "Don't worry, 'di ako galit, parang para sa'yo talaga 'yan." Then she winks at her, Nakahinga naman ng maluwag si Aki sa sinabi ng huli nito. Pero mukhang hindi na gets ni Aki ang ibig sabihin ni Chelsea. Nagsimula naman akong mamula sa sinabi ni Chelsea sa huli.
Napapangiti ako ng makitang magaan ang loob ni Chelsea kay Aki. I can't wait na mapakilala s'ya sa pamilya ko ngayon, I am sure everyone will love her. Sino naman ang hindi diba, eh ako nga...ano eh, hmm I don't know yet.
"Where are the others? Mom and Dad?..." Ani ko sabay hawak sa bewang ni Aki.
Peke itong umubo ng Makita ang ginawa ko... "Nasa garden, waiting for you and for your surprise." Sabay talikod sa'kin. Pero narinig ko pa ang sinabi nito na parang sinadya na ako lang ang makarinig. "Palusot ka pa, dinamay mo pa pangalan ko." Then she giggles at nauna ng mag-lakad sa aming dalawa. Sopistikada tong nag-lakad palayo na pumasok sa loob ulit.
"Kaos, uuwi nako." Napabaling ako kay Aki ng marinig ko ang sinabi niya.
"Why? Nandito na tayo." Sabay simangot ko.
Ngumiwi ito sa'kin. "Di bagay sa'yo ang malungkot." Pagtataray nito sa'kin. "Babae ako, and I can sense na hindi nagustohan ng pinsan mo ang pagsuot ko ng damit niya." Aniya sa'kin.
"Ay, wag kang judgemental." Ani ko na napapatawa sa sinabi nito, napaseryoso ako ng makita ko na seryoso ang mukha nito. "May approval naman kay Chelsea, don't worry about it."
'ang totoo niyan ako talaga bumili nyan para sa'yo. '
Gusto ko sanang idagdag ang kaso ay baka mag-iba ang iniisip nito at malaman niya ang totoong pakay ko ng pag-punta sa kanila na gusto ko lang talaga syang imbitahan sa celebration ko, na gusto ko na nandun sya sa araw ng pagtatapos ko. Ilang taon ko rin kasi syang hinahanap at oo. Aaminin ko na, na hinihintauy ko talaga sya.May mga araw nga noon na napapasuko na ako marahil nawawalan na ako ng pag-asa nab aka hindi ko na sya Makita pa pero sa araw na malapit naa ng pagtatapos ko tsaka ko pa sya Nakita ulit. At sa nakakatuwang pangyayari pa, siguro ganito isinulat ang kwento naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Chasing The Safe Haven Castellanos Legacy Series 2 UNEDITED #Wattys2020
RomanceWhich of the two is more weighty, valuable, meaningful, and above all in your heart? He loves you because he genuinely loves you, or he only needs you. So that's why he loves you? There are only two meanings to that; wrong love will take you away fr...