Kabanata 7
Date"Salamat sa hapunan... nabusog ako." Ani ko habang nakasandal sa hood ng sasakyan.
Si Tanya naman ay nakatayo lang sa harapan ko.
"Wala 'yun... Salamat din sa paghatid at tsaka kanina...Salamat kasi hinintuan mo 'ko." Aniya. Hindi ito makatingin sa'kin ng matagal.
I smiled sincerly. "Well... yeah. Una na ako? Babalikan na lang kita rito bukas!" Paalam ko sa kanya.
Nagtataka itong tumingin sa'kin. "Huh? Bakit? anong gagawin mo rito?" Aniya na naka kunot-noo.
Napatawa ako. Ano ba 'yan! Ako na mismo ang kinikilig sa mga pinanggagawa ko.
"Date tayo!" Diretsa kong sabi.
Nanlaki ang mata nito sa narinig. "Pero? Bakit?"
"Gusto kong mag unwind ka! If that make sense..." Kibit-balikat kong saad.
Umiling ito. "Hindi pwede! May trabaho ako bukas!" Pagtutol nito.
Napabuntong-hininga ako "Mag-kano ba ang bawat segundo ng oras mo? Babayaran ko." Ani ko.
Masama niya akong tiningnan "Ganyan ba talaga kayong mayayaman? Akala niyo makukuha nyo lahat sa pera n'yo?"
May halong inis ang boses nito. Napa iling naman ako.
"Mali naman ang pagkakaintindi mo hin--"
"Eh ano pa nga ba? Ano ba ang interpreration mo sa sinabi mo? Diba ganun din naman? Gusto mo 'kong bayaran? Anong tingin mo sa'kin?"
Namumula na ang pisngi nito.
Napatayo naman ako ng maayos. "Mag aaway ba tayo dahil lang dito? I mean... Gusto lang naman kitang ma date bukas. Is it too much to ask?" I pouted.
Nahimasmasan naman ito. "Go home... Busy pa ako. Wala akong oras sa Date date na 'yan!" Pagsusungit nito.
Tinaas baba ko ang dalawang kilay ko. "Ako meron..." Ani ko sa may halong panunukso sa kanya...
Inirapan niya ako.
"Aba! Bihis na bihis ah?" Nilingon ko ang nagsalita. Hapon na alas kwatro na ata. Kailangan kong maagang mag out sa opisina dahil may Date ako ngayon.
"Oo, may Date ako ngayon Josh kaya 'wag kang magulo! Okay?" Pagsusungit.
"Yabang ah? nagtatanong lang. Sino naman 'yan? Oy ikaw ah? Hinay hinay lang sa pambababae mo oy... Maawa ka naman sa mga babaeng nananahimik tapos ginugulo mo ang buhay!" May himig ng panenermon ang boses nito.
Kinuha ko ang sractch paper malapit and crumpled it and throw it to his face!
" Maka salita ka naman! Akala mo ang linis ah? Hiyang hiya ako sa'yo Josh!" Ani ko.
Kinuha ko na ang coat ko tsaka binangga sya sa braso. Tumawa lang ito sa inasta ko.
Kailangang maaga ako. Hahanapin ko pa kasi 'yung ka date ko eh.
Kanina pa ako pa ikot ikot sa kanto nina Tanya ay ni anino nito ay hindi ko mahagilap. Kaya nag pasya akong bumaba ng sasakyan at naglakad na lang para makita s'ya. Okay lang naman kami ma late sa pina pareserve ko sa Anzani ang inaalala ko lang ngayon ay ang ka date ko.
Pasipol-sipol ako habang pasimpleng hinahanap sya ng mata ko. Sumibol ang malaking ngiti sa labi ko ng hindi ako nagkamali ng inakala kasi nakita ko ang isang bulto ng katawan sa hindi kalayuan sa pwesto ko. Abala ito sa pag kausap ng bumibili nitong mga binata.
Nasa malapit sa Water fountain nakapwesto, ang tatlong binatilyo na halatang nagpapa cute lang sa kanya ay nakaupo samantalang naka tayo ito at abala sa pagpapakita nito ng mga paninda sa kanila. Mukha namang mga pikolo!
BINABASA MO ANG
Chasing The Safe Haven Castellanos Legacy Series 2 UNEDITED #Wattys2020
RomanceWhich of the two is more weighty, valuable, meaningful, and above all in your heart? He loves you because he genuinely loves you, or he only needs you. So that's why he loves you? There are only two meanings to that; wrong love will take you away fr...