Kabanata 3

30 11 0
                                    

KABANATA 3

Just for the two

Everyone is excited for today, kasi sa wakas ay graduation na. Ako lang yata ang hindi makangiti sa araw na'to.

Haggang sa pumasok na kami sa auditorium at mas umingay ang paligid. Nandito rin sina Mommy and Daddy they find time to make it to my graduation kahit sobrang busy nila.

"Kaos, Anak, Picture ka muna. Pwesto ka ru'n." Tawag ni Papa sa'kin. Tinuro niya ang isang accent wall na sinadya para pictorial ng graduates.

I simply nodded at tahimik na pumuwesto na sa gitna ng parents who wears their big smile, napangiti na rin ako sa nasaksihan. Kuya Dale didn't make it pero okay lang naman. Nag skype na rin naman kanina.

"Ngiti ka naman diyan, Kai." Napatuwid ang tingin ko sa tumawag sa'kin.

"Congratulations, Anak." Malaki ang ngiting iginawad ni Mommy sa'kin.

"Ma, I need to do some errands before I go home." Ani ko sa kaniya

She furrowed her brows "Why?" bakas ang pagtataka sa mukha nito.

Mukhang hindi naman narinig ni Daddy ang pinaguusapan namin kasi pagkalingon ko ay may kausap na ito. Kaming tatlo lang naman kasi ang nandito sa School.

I drove fast pagkatapos ng seremonya, may kailangan akong puntuhan, may kailangan akong klaruhin because it bothers me for a week now, masama man pero mas iniisip ko pa ito kesa sa graduation ko.

"Manong, saan po dito banda nakatira ang Sandoval po?" Ani ko ng may nakita akong matandang naglalakad papasok sa eskinita. Hindi man ako sigurado pero ang sabi ni Reece ay dito raw nila na trace and bahay ni Aki.

"Aba'y Oo hijo, Diretso ka lang ng kaunti..." Sabay turo nito sa harapan ko, maraming tambay at lubak-lubak na daan ang bumungad sa akin. "Tapos Liko ka na...Ang kaso ay hindi to madadaan ng sasakyan kaya kailangan mong maglakad papunta roon." Aniya sa akin.

Tumango ako "Maraming Salamat po Manong." Ani ko sa kaniya.

Pagkalabas ko ng sasakyan ay hindi ko na mahagilap si Manong na napagtanongan ko, Nakalimutan ko pala na itanong sa kaniya ang mismong bahay nina Aki.

Napadaan ako sa may maliit na Sari-sari store at sa unahan ay ang maliit na eskinita na sinabi ni Manong. Napatigil ako sa harapan ko ng Makita kong may lumabas mula sa di kalakihang bahay. She ponytailed her hair and is wearing a loose brown shirt. Muhang hindi niya ako napansin kaya naman ay may pagkakataon akong tingnan s'ya.

May binili s'ya sa katabi nilang bahay na may maliit na sari-sari store. Hindi naman s'ya nagtagal at naglakad na rin siya pauwi. Nakatungo lang ito at tila ba ay may malalim na iniisip. Hindi ko mawari kung bakit hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko palapit sa kaniya na kung pwede lang naman akong maglakad ng mabilis papunta sa direksyon niya. Tila ba ay ako ay natulos sa kinatatayuan ko.

Napaangat ang tingin nito at hindi sinasad'yang magtama ang mga mata namin. Saglit na napatigil ito at naglakad din kalaunan sa direksyon ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Ang una niyang tanong habang naging mailap din ang mga mata nito. Halata sa mukha nito na hindi nito nagustuhan ang pag-bisita ko.

"May bumabagabag lang sa isipan ko at gusto ko lang klarohin sa'yo ang bagay na 'yun." Ani ko sa kaniya at bumalik naman sa isipan ko ang napagusapan naming noong nakaraang lingo.

Nasa loob kami ng coffee shop, back to where I used to bring her...Sweetleaf.

"Aki..." Sambit ko sa pangalan niya. Pareho kami at ramdam ko na ito rin ay hindi mapakali.

Chasing The Safe Haven Castellanos  Legacy Series 2 UNEDITED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon