Kabanata 11

8 5 0
                                    

Kabanata 11
Reason

"Sir, hindi po tinanggap ng client natin from Australia ang pinadala natin sa kanila. They want quality at halos malanta na ang mga gulay ng dumating ito sa factory nila. Mr. Warrens were so frustrated when they found out!"

Gulong-gulo na ang utak ko halos maubusan na ako ng buhok sa kakasabunot ko sa mukha ko pati na ng mukha ko.

"Aris? Bat nagka ganon? Hindi pa dinouble check? Triple check? What are we going to do? Lagot ako ni Dad nito!"

Hysterical ako...Masyado akong kumpyansa. Hindi ko man lang tiningnan mismo bago ni ready ang product.

"Yes Sir...But, the problem here is the goodies that we delivered to them are rejects kaya late silang na i-harvest...Kaya rin hindi na maganda ang condition pagdating sa Australia..."

Parang hindi ko na kaya pang marinig ang iba pang sasabihin ni Aris...

All I could think right now is how am I going to fix this ng hindi malalaman ni Daddy...Pero I know...This is so impossible to happen.

"Kaos, ano itong narinig ko na hindi ka na nakapag pukos sa trabaho dahil masyadong nakatuon ang atensyon mo sa girlfriend mo? I heard, my girlfriend ka na. Kaos, ayaw ko lang madamay ang farm sa kagagohan mo!" 

"Pa...Let me explain..."

"Explain? What are you going to explain young man?! Kung paano ka pumalpak!? Sige explain it to me then! Palibhasa sayo wala ka ng ginawang tama puro ka kasi pambabae!"

Nanlilisik ang mata ni Papa na nakaharap sakin. Ako rin naman ay halos mag taas baba na ang dibdib ko sa pagkairita na nadama dahil sa sinabi nito.

"Pa, ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko..." Sinubukan ko pa rin na kumalma dahil ama ko pa rin sya 

"Iba yung narinig ko sa sinasabi ng bibig mo. Ewan ko lang kung pagkakatiwalaan kita o yung mga tauhan natin...Sila hindi nagsisinungaling..." May halong pahiwatig ang boses nito.

"Honey!" Matigas ang boses ni Mama ng subukang sawayin nito si Papa.

"Ano Amalia? Hayaan na lang natin na malulong sa bisyo niya? Babaero yan! Anong mapapala natin dyan? Ni hindi nga yata yan marunong mag seryoso!"

Baling nito kay Mommy. Kung makapag bitaw ito ng salita ay akala mo wala ako sa harapan nito.

"We will talk upstairs!"

"Hindi! Dapat malaman ni Kaos kung anong ginawa niyang kagagohan! Palibhasa puro palpak na lang ang ginawa! Wala ng ginawang tama! Puro na lang pambabae ang inatupag!"

"Wag kang magsalita ng ganyan sa harap ng anak mo, Emiliano!" Bagamat mahina ay maydiin na ang pagkakabigkas ng bawat salita ni Mama.

"Pa...I know na may kasalanan ako sa nangyari kaya po ako nanghihingi ng sorry..."

Halos hindi ko mabuka ang bibig ko nangangapa ako ng tamang salitang pwedeng bitawan pero mukhang pati dila ko ay umurong sa sinabi ni Daddy.

"Sorry!? Sorry na naman? maibabalik ba ng sorry mo ang nawala satin ngayon?! Huh!? Kaos!? Kaya bang ayusin ang Sorry mo sa lahat ng kapalpakan na ginawa mo!?"

Halos duruin ako ni Papa habang bumibitaw ito ng masasakit na salita.

Nanliit ako sa sarili ko. I blamed myself for everything that has happened. Walang dapat na managot kundi ako lang!

"Emiliano, Tama na, hindi muna maitatama lahat ng sinabi mo ngayon kapag nahimasmasan kana kaya please! Tama na!"

Mangiyak-ngiyak na turan ni Mommy.

Naistatwa ako, ako ang may gawa ng kaguluhan na ito. Halos mag away na si Mommy and Daddy dahil sa kagagawan ko.

"Dapat lang malaman niya lahat ng to, Amalia hindi sa lahat ng oras ay Okay lang tayo ng okay sa kanya kung ganitong malaki na ang naagrabyado niya. Hindi lang Farm ang sinira niya pati na ang Pangalan natin. Nakakahiya!"

Nilapitan siya ni Mama at sinusubukang pakalmahin dahil halos pula na ang mukha nito.

Tumahimik na rin ako kasi natatakot din ako sa galagayan nito.

"Pa..." Halos bulong ng lumabas ito sa bibig ko.

"Ayaw kong marinig ang boses mo, Kaos...Kaya wag mo nang subukang magsalita...Ni Hindi kita kayang tingnan..."

Bagsak ang braso ko ng marinig ko mismo ang salitang iyon kay Daddy.

What? He don't want to see me?

Para yun lang? kaya niya akong tiisin.

"Pa, sinusubukan ko pong ayusin to ng mag-isa na hindi na po sana makarating sayo---"

Kuya is not around, hindi niya ako maipagtanggol. Wala akong kakampi. Si kuya ang sumasagot kay Papa kapag may nasasabi ng hindi maganda si Papa sakin.

"ANO? I HEARD IT TO MY KUMPADRE KUNG PANO MO TRATUHIN ANG CLIENT NATIN FROM AUSTRALIA. YOU FUCKING IDIOT! HINDI KA NAG IISIP KUNG ANO ANG PWEDENG MAIDULOT SA NEGOSYO ANG KATANGAHANG GINAWA MO!"

Wala akong masabe...

Ngayon ko lang nakita kung gaano kagalit si Daddy.

Ni hindi ko man lang magawang magalit din kasi totoo lahat ng sinabi niya. I was not myself this past few days kaya rin siguro masyado na akong distracted sa work.

"Fix it Kaos or else...Ipapatapon kita sa America! And you will never get your inheritance!" Then he walk out.

Nilapitan ako ni mama at niyakap.
"Sorry Anak, Nagulat lang ang Papa. Don't worry kakausapin ko sya. Wag mong isipin ang mga sinabi niya sayo...Mahal ka niya...Okay?" Aniya habang banayad na hinahagod ang likod ko habang yakap yakap niya ako.

Tumango ako...Wala pa rin akong imik pero alam ko hindi yun mawawala sa isip ko.

Galing lahat yun sa nirerespeto ko, ginagalang, kay Papa... Kaya paano ko yun makakalimutan?

"Don't worry Ma...Naiintindihan ko."

She let go of the hug...

"I'll go upstairs. Pwede mong puntahan ang girlfriend mo para hindi mo isipin ang nangyari ngayon. Ako nang bahala rito."

Nakatayo lang ako rito sa sala. Ngayon ko lang nakita sina Aling Lucing kanina pa pala sila nakikinig pero ng makita nilang nakita ko sila ay agad silang naging abala.

Tiningnan din ako ni Manang ng may pagalala pero umiwas lang ako ng tingin at lumabas ng kabahayan.

Mayamaya lang ay lulan na ako ng aking sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng isipan ko ang alam ko lang gusto ko munang magpaka layo-layo rito sa Bahay.

Chasing The Safe Haven Castellanos  Legacy Series 2 UNEDITED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon