Kabanata 6
Archiyana
Gabi na ng matapos kami sa farm, lulan na ako ng sasakyan. Ako na lang kaso mag-isa nagsiuwian na kanina pa ang mga kasama ko rito. Ilaw na lang ng sasakyan ko ang nagsisilbing liwanag sa daan. Pagkalabas ko ng kanto palabas ng farm ay napatingin ako sa saa waiting shed sa gilid.
Kunot-noo ako ng may tao pa pala rito. Nakayuko ito hininto ko ang sasakyan sa tapat nito. Ganon ang panlalaki ng mata ko ng napagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko. Dali-dali akong pumanaog ng sasakyan at dinaluhan s'ya mukha itong pagod na pagod.
"Tanya? Tanya?" Tawag ko sa kaniya dahan-dahan akong lumnapit nakatulog pala ito.
Nakaramdam ak ng pag-aalala, what if hindi ako ang nakakita sa kanya? What if may mangyari sa kanya rito?
Nilapitan ko s'ya at hinawi ang takas na buhok na nakaharang sa mukha ito. Bakas sa mukha nito na hindi ito komportable sa kina pupwestohan pero hindi na lang nito ininda. Napabuntong-hininga ako.
"'Wag mo namang pagudin ang sarili mo..." Kausap ko sa hangin. Nakaramdam ako na parang kinurot ang puso ko kapag naalaala ko ang mga sinabi ng mga tauhan sa farm kanina tungkol sa kanya.
"Kayang-kaya kitang buhayin...Kung sana lang payagan mo ako... gagawin ko ang lahat 'di ka alng mahirapan." Ani ko sa kanya habang naka harap.
Bahagya itong gumalaw... at pagkaraan ay dahan-dahan naman nitong minulat ang mga mata. Inaadjust nito ang mga mata sa dilim. Bahagya itong nag-unat, hindi pa ata nito nararamdam na may katabi ito.
Napatigil ito sa pagunat ng napagtanto nitong maykatabi ito. Nilingon niya ako at ganun na lang ang panlalaki ng mata nito ng makilala kung sino ang kanina pang katabi nito.
"Hi... Mukhang pagod ka na. Uwi na tayo?" Casual kong sabi sa kanya pero ang totoo ay nag huhuramentado ang puso ko sa kaba sa magiging reaksyon nito.
Nilingon niya ang paligid. Napasimangot ako ng hindi man lang nito sinagot ang sinabi ko sa kanya. Well, kunsabagay ay pwede naman nitong hindi sagutin.
"Kanina ka pa d'yan?" Sa wakas ay kausap nito sa'kin.
Sunod-sunod ang pag-iling ko. "Bago pa lang din..."
"Gabi na pala! kailangan ko ng umuwi." Aniya at dali-daling tumayo. May kinuha itong kung ano mula sa likutran ng poder na sinandigan niya kanina. Ice bucket pala. Mukhang magaan naman kasi walang bigat niya itong pinas-an.
"Tulungan na kita!" Ani ko na napasabay din ng tayo sa kanya. Tiningnan niya lang ako ng seryoso.
"Salamat...pero nag-mamadali na kasi ako..." Ani pa nito at sinubukan na umalis.
"Ihahatid na kita!" Ani ko sa kanya na may pagmamadali sa boses dahil mabilis itong nakalayo sa'kin.
Napatigil din ito sa paglalakad at mukhang nagdadalawang-isip kung tatanggapin nito ang alok ko.
"Tara! Hatid na kita!" Pag-uulit ko sa sinabi. Ako na ang lumapit sa kanya at kinuha ang bitbit nito. "Malayo pa ang bahay n'yo mula rito. At mukhang pagod ka na rin." Ani ko sa malumanay na boses. Hinawakan ko ang kamay nito at iginiya sa sasakyan. Wala rin itong imik kaya baka nahihiya na lang na magsabi.
"Mukhang buong araw kang nag-tinda ah?" Panimula ko sa kanya ng lulan na kami ng sasakyan pero hindi pa rin ito nag-sasalita.
Binalinagan niya ako mula sa pagkakatitig nito sa labas ng bintana.
"Medyo lang..." Tipid nitong sagot saka binaling ulit ang buong atensyon nito sa labas. Napa buntong-hininga naman ako.
Kahit anong gawin kong kausap sa kanya ay agad nitong pinapatay. Hindi man lang nito tinatago na iniiwasan niya ako.
BINABASA MO ANG
Chasing The Safe Haven Castellanos Legacy Series 2 UNEDITED #Wattys2020
RomanceWhich of the two is more weighty, valuable, meaningful, and above all in your heart? He loves you because he genuinely loves you, or he only needs you. So that's why he loves you? There are only two meanings to that; wrong love will take you away fr...