Kabanata 12
LiesKanina pa ako nasa harap nang bahay ni Aki. Dito ako dinala ng mga paa ko nang gulong-gulo pa ang isipan ko. Halos mag iisang oras na akong nakasandal sa hood ng sasakyan. Nasa malayo ang iniisip.
My phone ring. Cash is calling...Hinaayan ko lang na mag-ring. Naka 17 miss calls na pala sila sa'kin. Meron din si Chelsea.
Gustuhin ko mang tawagan si Kuya pero di ko naman magawa kasi baka busy din sya. Problema ko naman to kaya sa'kin na lang 'to. Napabuntong-hininga ako kapag naalala ko ang nangyari kanina at kung paano ko nasagot si Papa. Na guigguility ako sa nangyari. Alam ko naman na hindi dapat tinatakbuhan ang problema lalo na ako ang CEO at negosyo naming 'to pero pakiramdam ko ngayon ay wala akong Karapatan sa pwesto na binigya agad sa'kin pakiramdam ko na hindi ako karapat-dapat at walang nagtitiwala sa'kin maging ang sarili ko.
Napakislot ako ng narinig kong nag bukas-sara ang gate nila. Napaangat ang tingin ko. Nakasulong ko ang mga mata ani Aki. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Halatang hindi ako inaasahang makita.
"K-kaos?" Mahina niyang sambit sa pangalan ko. Agad itong lumapit sa'kin bakas pa rin sa mga mata nito ang pagkalito.
"Hi?" Nag-alangan kong saad. Di ko naman balak na istorbohin sya. Sa kanya lang talaga dinala ang kanina pang malayong naglalakbay kong isipan. Kaya ngayon di ko alam anong sasabihin.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ko inaasahan na dadalaw ka..." May halong pag-aalala sa boses nito.
Marahan akong lumapit sa kanya hindi pinuputol ang titigan naming dalawa. Walang sabi-sabing niyakap ko siya...
Kumislot ito. "Uy..." Halatang nagulat ito sa ginawa ko...Nung una hindi mahigpit ang pagkakayap ko ngunit kalaunan...Binaon ko na ang mukha ko sa leeg nito. I close my eyes. I feel so relief, kahit papano nawala sa isipan ko ang nangyaring sagutan naming ni Papa kanina.
Parang ang limang gallon ng tubig kanina na nakadagan sa dibdib ko ay unti-unting nawawala...Ganito pala ang pakiramdam ng isang yakap...Sincere na yakap...Tahimik lang ako...
Narinig kong nag buntong-hininga ito. Inangat nito ang kamay at bahagya niya akong niyakap babalik then tap my back slightly para bang sinasabi nito na she's here, and she can be my shoulder to lean on...
Ilang minute kami sa ganong ayos. Ayoko pa sanang kumawala kung hindi pa ito nagsalita ulit.
"What happened? Okay ka na ba?" She asked slightly...Halatang maingat itong nagbibitaw ng sasabihin.
I slightly nodded. "Thank you..."
She smiled slightly, "No worries...Gusto mo bang pumasok muna? Malamig na eh at pagabi na rin...May bibilhin lang ako sa labas."
"Samahan na kita..."
"Sure ka? You look pale. Baka need mo munang umupo..."
"I'm okay, nag punta lang ako rito kasi I want to see you. I miss you..."
She looked at me straight in to my eyes. "Okay, if you insist..."
"Di mo ba ako namiss?"
"Slight lang..."
"Slight? Ako big time pagka miss ko sa'yo eh"
"Okay..."
"Okay? Ang tipid naman ng mga sagot mo."
"Ang OA mo kasi. Kahapon lang tayo nagkita...Miss agad?"
"Oo, Wala naman sigurong requirements kung kelan lang dapat mamiss ang isang tao..."
"Ewan ko sa'yo ang daldal mo."
I smiled so hard. "Sa'yo lang naman ako madaldal ng ganito eh..."
BINABASA MO ANG
Chasing The Safe Haven Castellanos Legacy Series 2 UNEDITED #Wattys2020
RomanceWhich of the two is more weighty, valuable, meaningful, and above all in your heart? He loves you because he genuinely loves you, or he only needs you. So that's why he loves you? There are only two meanings to that; wrong love will take you away fr...