Kabanata 8

20 6 0
                                    

Kabanata 8

Stare

Nakatunganga ako sa harap ng mesa, malalim ang iniisip ng bumungad sakin ang nakangiting si Karen.

I furrowed my eyebrows. I almost forget about her. Akala ko umalis na ito kanina. Nandito pa pala ito?

"You know what Kaos? I can't believe hindi mo ako nakilala sa graduation party mo.  Kaloka! Alam mo ba napahiya ako nu'n sa former classmates natin? Gosh!" Aniya sabay pilantik ng kamay nito sa harap ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tinuon ang tingin sa labas ng glass window ng restaurant.

Humalakhak ito. "But anyway! Nevermind! Ang importante ay nagkita tayo ulit ngayon. You know! Reunion nating dalawa! Ang saya diba?!"  Humalakhak ito ulit. "Aren't you happy? Oh c'mon! Kung hindi ka pa nakaka move on years ago ay okay na sakin ang lahat Kao-"

"Can you stop talking?!" Irita kong saad sa kanya.

Tumawa ito ulit at binalewala ang tono ng pananalita ko.

"You never changed huh?!" Tumawa ito ng pagak. "You're the same Kaos I knew. Iritable. You make me hot!" Nag iba ang tono ng pananalita nito sa huling sinabi kaya napatingin ako sa kanya

"Are you hitting on me?" Napatikwas ang kilay na tingin ko sa kanya.

May bakas ng pagkaaliw sa mukha nito. "Why? Do you want me to?" Anito sa tonong nang aakit.

Sakto namang dumating ang drinks namin. Kinuha nito ang wine glass nito at sinipsip ng dahan dahan ang inumin na hindi man lang binibitawan ang tingin sakin.

"No." May pinalidad sa boses ko.

Na distract naman din ako ng sunod sunod ng dumating ang orders.  Kaya tinuon ko na lang ang pansin sa pagkain.

Maging ito ay nakikain na rin. I don't mind though. Di ko rin naman mauubos to lahat.

Panaka nakay kinakausap niya ako. Kinakamusta at kung ano ano pa na panay tango lang ako. Hindi ko na nga maintindihan ang ibang sinabi nito.

"Thank you sa treat Kai!" Masiglang saad  ni Karen na nasa tabi ko pala.

Papunta na kong parking lot para umalis na. Halos makalimutan kong may kasama ako kanina pa. Ukopado masyado ang isipan ko ngayon. Kaya hindi ko gaanong napapansin ang nasa paligid.

I let a sigh. "No biggie!" Ani ko habang dire-diretso ang tingin ko daan. Tanaw ko na ang sasakyan ko.

"You seem so quite kanina ko pa napapansin." Aniya at sinabayan akong maglakad. "May problema ka ata? Care to share it with me?" Ani pa niya.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya. "Look Karen, I don't know what got to your mind to act like we're good friends. For goodness sake! Did you forget what I did to you few years ago? Why are you acting like, I didn't do anything bad agaings you? Can't you just leave me alone? I don't need your sympathy and whatsnot. What I really need right now is peace of mind and my personal space. So if you don't mind, I'm leaving!" Ani ko sa kanya. Sunod sunod ang pagsasalita ko kaya hindi ko alam kung may nakuha ito sa sinabi ko basta ang alam ko lang.

Kung ano ang nasa utak ko ay sinabi ko lang sa kanya. Mahirap na bigyan niya ng ibig na sabihin kung may gagawin ako para sa kanya. Kung anong meron kami noon ay hanggang doon na lang 'yun.

I don't think gugustuhin ko syang maging kaibigan ngayon pagkatapos  ng nangyari. I may be an asshole back then but I am trying now not be that asshole again.

Natulala lang ito sa harap ko at hindi makuhang makapagsalita.

I didn't shout at her pero she look shocks on what I said. Well, mas mabuti na rin 'to.

Chasing The Safe Haven Castellanos  Legacy Series 2 UNEDITED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon