Second Place

658 8 4
                                    

Second Place.

A lot of people hate this position, ito yung position na laging merong sayang, yung muntik na. Yung konti na lang 1st place na dapat. Ito yung laging may panghihinayang. A lot of people pity them.

In our University, that is Jennie Kim. Dean Lister pero top 2 lang sa buong Univ, pinaka the best na swimmer ng swimming team but never able to beat the top fastest record. Part of the Student Government pero Vice position since hindi sya nanalong leader.

Second Place people hated the one on top, they hate the first place. First placer is their rivals, their enemy and the person they trying to surpass. That's me, Lalisa Manoban. Ang tinik sa buhay ni Jennie.

"5 minutes and 13 seconds." sabi ni Ms Dara, swimming team coach. "Just a little bit more Jennie, matatalo mo na yung record ni Lisa."

I can't help but smirk when I heard na hindi na naman nalampasan ni Jennie yung sinet kong record na 5 minutes and 10 seconds. This is always happening, she will break the record I set then I will set a new one that she have to break. Nakakatawa dahil hindi naman ako member ng swimming team pero lagi pa rin nyan pinipilit ibreak yung record ko.

Napangiti ako ng tumingin sya sa direksyon ko at tinignan ako ng masama, tinaas baba ko naman ang kilay ko para asarin sya pero siningamutan nya lang ako. I chuckle because of how childish we are, hindi mawala wala ang ngiti ko habang tintignan ko syang parang batang nagmamaktol, naalala ko yung sa tom and jerry, parang sya si jerry na naglalakad habang nakataas ang mga balikat at nakasimangot. She is so cute and tiny to the point that I want to put her in my pocket.

Bigla syang tumingin ulit sakin at tinaasan ako ng kilay, lalo akong natawa. Wala namang akong kahit anong sinasabi pero minsan pakiramdam ko nakakabasa si Jennie ng isip. Sa twing iniisip ko kasing ang liit nya lagi syang napapatingin sakin at tinataasan ako ng kilay, akala naman nya ikatatangkad nya yun. Pero aminado naman akong nakakatakot talaga sya pag nagumpisa ng umattitude. Alam mo yung mas matangkad ako sa kanya pero pag nagsungit na sya gusto ko ng tumakbo palayo, feeling ko kakainin nya ako ng buhay.

"What?" malakas na tanong ko sa  kanya.

Napatingin sakin ang mga kateam ni Jennie at yung ibang nanonood, some have this amuse look, some looks excited and some is just so done with us, halos lagi naman kasi tong nangyayari. Nagkataon kasing nasa may harap ako nakapwesto at malapit sa may bench ng team nila. Well, hindi nagkataon. Dahil madalas akong nandito nagreserve na ang swimming team ng pwesto ko malapit sa bench nila.

I felt a nudge at my side. I look at Rosé. Nakasimangot sya halatang hindi sang ayon sa kalokohan ko.

"Seriously Lisa." mahinang saway nya sakin.

I chuckle pero bago pa ako makapagsalita to defend myself may bulingit ng nakalapit sakin.

"Bakit ba nandito ka na naman?" naiinis na sabi ni Jennie.

"Sabi kasi nila magtatangka ka ulit na ibreak yung record ko, since it's my record I find it necessary that should be here. That is why I am gracing you once again of my magnificent presense." I arrogantly said.

She sneer. "Baka naman ang ibig mong sabihin ay nakakainis mong presensya na punong puno ng kahanginan at kayabangan."

I smile at her sweetly. "Well, I am here to support you and give you inspiration after all nakakainspire naman talaga ang ganda ko." I told her at medyo nilakasan ko para marinig ng iba. "Diba guys, inspiring ang ganda ko?" tanong ko sa mga taong nanonood sa bangayan namin.

"Yes Ms. Lisa!"

"Oo naman Ms Lisa!"

"Ang ganda ganda mo Ms Lisa!"

Second PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon