What she need?

185 9 2
                                    

I've been thinking this since last night. What Lisa Manoban really needs? Alam ko sa sarili ko ang sagot, pero mahirap aminin.

"Oh my gosh! Is this really a zip line? A zip line in a park?" Hindi makapaniwalang sabi ni Lisa habang excited syang nakatingin sa mataas na platform saan nagsisimula yung zip line.

"Yah, they also have rides there." Turo ko sa kanan. She then look at me and smile. She have this sparkly eyes and giving me a puppy dog look. "Fine, were going." Sabi ko na parang napipilitan lang ako, kahit na ang totoo balak ko talaga syang dalhin dun.

"Yey!" Parang batang tinaas nya pa ang dalawang kamay nya at tuwang tuwang pumalakpak.

Napailing na lang ako sa pag akto sya. "Okay kiddo, tara na." Pumila na ako para makapag zip line kami.

After ng zipline ay nagpunta kami sa mga rides, simpleng rides lang naman ang meron sila dito, like ferris wheel, carousel and bump car. They don't have those extreme rides dahil hindi naman to amusement park.

"Dun tayo!" Sabi bigla ni Lisa at hinila na nya ako papunta sa may ferris wheel.

"Di ka naman excited no." Sabi ko sa kanya, she just grin at me and give me a peace sign.

Pagkatapos namin sakyan ang ferris wheel at carousel, hinila na ako ni Lisa sa Bump car.

Hindi ganun karami ang nakapila dito kaya mabilis din kaming nakasakay ni Lisa. Tag isa kami ng bump car at ang plano ko talaga ay bangain lang ng bangain si Lisa, pero habang hinahabol ko si Lisa may isang bump car ang bumanga sakin. Okay lang naman sakin, bump car nga eh, natural lang na may ibang sasakyan ang bumanga sakin. Magmamaneho na dapat ako para habulin ulit si Lisa pero may bumanga nanaman sakin. At sigurado akong ang parehas na bump car ang bumanga sakin dahil sa kulay red ito at bawat bump car ay may number. Tinignan ko yung nagmamaneho, isang teenager na lalaki, na sa tingin ko ay gwapong gwapo sa sarili nya dahil nang tinignan ko sya ay ngumiti ito at nagpacute pa.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Nagpapapansin ka ha, sige pagbibigyan kita papansinin kita." I said under my breath.

Umatras ako ng kaunti at tinulak yung bump car nya, siniguro ko na sa may gilid ang tama, kaya naman kahit naka seatbelt sya ay napatagilid pa rin sya at tumama sa gilid. Bago pa sya makarecover ay umatras ulit ako ng kaunti at binanga ulit sya. Paulit ko yung ginawa hanggang sa maubos yung oras namin. Pagtingin ko sa teenager na driver nakatingin sya sakin, kapansin pansin ang takot na ekspresyon nya at ang tila luha sa gilid ng mata nya.

Tumayo na ako at pinuntahan si Lisa, habang naglalakad ako papalapit ay nakatingin sya sakin habang napapailing pa.

"Tara." Sabi ko lang sa kanya, saktong nasa likod nya lang ang exit kaya nagderederetso ako palabas.

Sa peripheral view ko, nakita kong tumayo na sa yung teenager, at kung hindi ako nagkakamali ay basa ang pantalon nya. I can't help but smirk at that.

"Hindi ako makapaniwalang pumatol ka sa bata." Sabi ni Lisa na naglalakad na sa tabi ko.

Nagkibit balikat lang ako. "Hindi na sya bata, his a teenager, meaning malapit na sya sa legal age nya. He should already learn how the society works., I'm just teaching him a lesson."

"And that lesson is?" You can see curiosity in her eyes.

"First, that if you want to hit on someone, don't bump them. Second, just because I am a woman it doesn't mean na hindi ko sya mapapatay. And third he should know better than mess with me." Mayabang na sabi ko sa kanya.

Malakas na tumawa si Lisa. "Why is it that all of those sound the same?" She said between her laugh, her laugh is so contagious na natawa na rin ako.

Second PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon