A Song for You : 10
I Love The Way You Love Me by : Boyzone
_______________________________
Ang aga aga bwisit na bwisit na naman ako. Yung feeling na ang sarap mamalat ng tao? Kasisimula palang ng araw banas na kaagad ako. Paano itong bwisit na ex ko laging nagpapakita. Hindi niya na tantanan ang buhay ko gagong yun! Pakiramdam ko tuloy pinaparusahan ako kasi maski anong iwas ko, nagkikita at nagkikita kami.
Well I have no choice because she's my younger sister's bestfriend. At nasa iisang team sila. (As if nalang ;) FF eh.)
"Hi, Den." Nakangisi niyang sabi. Boses niya palang ayun kumukulo na ang dugo ko at feel na feel ko ng magtaray. Inirapan ko siya at naglakad pabalik sa kwarto ko.
"Sungit." She said again and I clenched my fist. I was trying to stop myself from saying something rude. "Den!" She yelled.
"Ano?!" I yelled back. She raised her hands and answered at me smiling.
"Wala lang." I ignored her at inirapan nalang ulit siya bago ako nagpatuloy sa paglalakad. "Bakit ba kapag nakikita mo ako nagagalit ka agad?" She asked aloud as I headed upstairs.
"Kasi nakakainis yang mukha mo!" I shouted. Naiinis ako kasi nasa bahay na nga ako, pero di ko parin maiwasan ang presence niya. Napaka unfair!
"Nasaan si Jus?" Tanong ko sa isa sa mga katulong namin.
"Pababa na po. Sinabi ko na kasing may bisita siya eh." Sagot ng katulong at napatango ako. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay.
"Ate!" Sigaw agad ng kapatid ko pagkalabas niya ng kwarto niya. Bagong ligo pa siya.
"San ang punta mo, Jus?" I asked. Magkalapit kami ng edad ni Jus. Two years younger lang siya sakin.
"Poporma?" She replied and I hit her arm.
"Loko! Ang bata mo pa! Wag mo nga akong pinagloloko. Alam mo bad influence talaga sayo yang Aly na yan eh." I said and she laugh.
"Si Ly na naman nakita mo. Lagi mo nalang siyang inaasar, Ate. Wag ganun." She said laughing and I arched my brow. Kung alam lang niya na pinapatay ko na sa utak ko ang kaibigan niya.
"Sus! Pinagtanggol pa."
"Haha oo na. Mabait si Aly, Ate. Try knowing her more. Mag iiba pananaw mo sa kanya. And uh, speaking of, andyan nadaw siya, babain ko muna. At poporma din kasi siya." Sabi ni Jus at lalo akong nainis.
Hangkapal talaga ng mukha ng gago! Poporma pa talaga?
I mumbled to myself at napangiwi nadin ako. Until now, nagi-guilty ako dahil nilihim ko sa kapatid ko na naging kami ng bestfriend niya. I thought back then it was for the best. We lasted for more than a year and it ended so badly. Gusto kong magpanggap na di ako nagsisisi, gusto kong magpanggap na okay ako at na walang nangyari. Pero mahirap. Masakit.
"Okay, ingat sa pagda-drive baby Ju!" I said.
"Ihhh ate naman eh. Wag na yung baby. Malaki na ako." She said and I smiled as I stepped inside my room.
Upon entering, I sighed. I've known Aly for more than 8 years, loved her for half of that and hating her for months now.
"Bakit ba kasi lagi kaming nagkikita?!" I angrily said as I took off my shirt. Hindi ko talaga maintindihan. Basta alam ko lang naiinis ako! Naiinis ako sa kanya!
---------
"Ate!" Rinig kong boses ni Jus at dali dali akong lumabas ng kwarto.
"Bakit, Jus?" I worriedly asked.
BINABASA MO ANG
A Song for You (ON HOLD)
FanfictionA series of short plots inspired by my song lists.