A Song for You: 1
Heartbreak Girl by: 5SOS
----------------------
"Ly, besh, break na kami." Bungad ni Dennise mula sa kabilang linya. Napataas ako ng kilay at tiningnan ang katapat na kwarto. At nakita ko nga si Den. Ayun umiiyak. Yep! Magkapitbahay kami at magkatapat lang ang kwarto namin.
"What's new?" Walang ganang sagot ko habang tinitingnan siya at napapairap ako.
Ano kasing bago eh kapag tumutunog tong phone ko at pangalan niya nakatatak, alam ko na ang dahilan. Naman! Tatawag lang naman kasi siya kapag ngangawa eh.
"Ayan kana naman eh. Kausap ang kailangan ko hindi ang sermon mo." Sabi niya habang nakatingin padin sakin. Panay ang singhot. Panigurado, kanina pa to umiiyak.
"Eh ano nga kasing bago?" Tanong ko at nagpapanggap na nagbabasa. Ang totoo ayoko lang talagang makita siya na umiiyak, nasasaktan ako.
Paano, ang torpe torpe mo kasi. Mahal mo yung tao di mo naman masabi sabi. Sabat ng utak ko.
Paano ako aamin? Eh alam mo namang patay na patay yan sa boyfriend niyang mukhang hindi tao! Sagot ko naman sa utak ko.
Ikaw narin nagsabi mukhang hindi tao eh bakit ka nagpapatalo? Hirit uli ng utak ko.
Sasagot at makikipagtalo pa sana pero biglang sumigaw si Dennise sa kabilang linya at bahagya kong nailayo sa tenga ko yung phone ko.
"Aray Dennise! Bat ka sumigaw? Ang sakit sa tenga!" Sigaw ko din pabalik sa kanya.
"Eh ikaw eh. Are you with me? You seemed travelling somewhere in the galaxy. Ngawa ako ng ngawa, dada ako ng dada tapos magsi space out ka? Anong klase kang kaibigan?" Maktol nito and I rolled my eyes.
Eh ikaw kaya Den, anong klase kang kaibigan kung tatawag kalang kapag broken hearted ka? I nearly blurted. I sighed and look at her sitting at their veranda.
"Okay, kwento" Sabi ko nalang kahit na halos memoryado ko na ang mga linya niya. Magsisimula yan sa ly nikoko niya ako, besh nakita ko siyang may kasamang iba, Valdez, sinaktan niya ako. At magtatapos sa pero mahal ko siya.
"Ly, niloko niya ako." Pagsisimula niya. I told you didn't I? Napairap ako. "Ly." Tawag niya ulit.
"Go on." Matipid kong sagot.
"Nakita ko siyang may kasamang iba. Ly, hindi ko na kaya." She said in between her sobs. Ewan ko kung maawa ba ako o magagalit eh. Ang tanga kasi! Paulit ulit na ngang niloloko, isang sorry lang babalikan naman agad.
"Okay, so ?" Walang ganang balik tanong ko ulit. Kapag ka kasing BH yan wala yang paki alam kung sasagot ka o hindi.. Kailangan lang niyan tagapakinig.
"Valdez sinaktan niya ako. Paulit ulit nalang eh. Sakit na sakit na ako." Parang batang sabi niya. At napabuntong hininga ako. Paulit ulit daw eh siya din tong balik ng balik. Gaga! Sigaw ng utak ko.
"And?" Tanong ko. Wala talaga akong time at ganang mag advice kapag ganito. Wala naman ding patutunguhan.
"Pero Ly....."
"Pero mahal mo siya." Pagtatapos ko sa sasabihim niya. Dun naman din patungo eh. "Ay ewan ko sayo Dennise! Gumising ka kasi!" Sigaw ko sabay baba ng telepono at pasok sa kwarto. Bahala siya dun. Umiyak siya hanggat gusto niya. Wala akong balak maging iyakan ng mga taong paulit ulit lang ang problema. May choice siya eh. Parati siyang may option. Pero nakakasawa, ilang araw niyan manunuyo yung boyfriend niya babalikan din naman niya.
BINABASA MO ANG
A Song for You (ON HOLD)
FanfictionA series of short plots inspired by my song lists.