A Song for You : 4
AMNESIA by: 5SOS
----------------
"Bakit mo kailangang umalis? Okay naman tayo diba? Wala naman tayong problema." Bulalas ni Alyssa matapos malamang iiwan na siya ng nobya niya.
"Okay? Okay ba ang tingin mo dito? Kung sayo okay lang, sakin hindi. Kaya please. Please Ly, don't make this hard for me. I'm begging now, please let me go." Sagot naman ni Dennise.
Inalis nito ang kamay niya sa paa nito. Nakaluhod kasi si Aly habang hawak hawak ang paa ni Dennise.
"Pero Den. Babe. Please naman. Ano ba? Wag mo naman akong iwanan. Okay naman tayo sa ganito diba? Masaya ka diba?" She pleaded again.
Nasasaktan siyang parang napakadali lang para kay Dennise ang iwanan siya.
"Masaya? Fvck that! Kita mo bang masaya ako? Nung una oo. Pero ngayon? Napakahirap Ly. Napakahirap. Ang dami kong gusto. Ang dami kong kailangan at aminin mo man o hindi, hindi mo kayang ibigay mga pangangailangan at mga gusto ko. Kaya please wag na nating pahirapan mga sarili natin. Pakawalan mo na ako. Please." She pleaded back as Aly stood and face her.
"And then what? Sasama ka sa Myco na yun? Ipagpapalit mo 'ko sa Myco na yun? Fine! Magsama kayo ng pera niya!" Sigaw ni Alyssa. Di niya na naitago ang galit niya.
"Mukha kang pera! Di ka makuntento. Bakit ba di mo nalang tanggapin na ito lang ang kaya ko?" Sigaw pa ulit ni Alyssa.
"Dahil may ibubuga kapa Ly! May magagawa kapa. Pero sinubukan mo ba? Hindi diba? Ly, for goodness sake, limang taon na tayong nagsasama. May nagawa kaba? May nagbago ba? Lagi ka nalang nangangako. Pero ano? Wala, walang nangyayari. Kaya maniwala ka, mas mabuting tigilan na natin to. Sawang sawa na ako." Dennise said and started to walked.
"Just make sure na kung lalabas ka ng pintuang yan, hindi kana babalik, dahil wala kanang babalikan!" Sigaw ni Aly as she wipe her tears away.
"Oh yeah? Don't worry, once I leave, I'll never comeback." Said Den in firm voice as she went out from that room.
Naiwan si Aly na umiiyak. Hindi niya lubos maisip na aabot sila ni Dennise sa ganoon.
------------
Alyssa sighed nang maalala niya ang nangyari sa huling pagkikita nila ni Dennise. Isang taon nadin simula nang iwanan siya nito. Naging miserable ang buhay niya. Naging pariwara siya. Pero ginawa niya ang lahat ng magagawa niya para marating ang narating niya ngayon. Isang successful na businesswoman na siya. Ginawa niya ang lahat sa pag aakalang babalikan siya ng taong minahal niya kahit lumipas na ang mahabang panahon.
She worked hard for her to reach the top.. and here she is. Tanyag at kilala sa bawat sulok ng sosyalidad. Nagawa niya ang lahat ng yun, dahil kay Dennise. Para kay Dennise. Iniwanan siya nito at ipinagpalit sa kung sino dahil mahirap siya, wala siyang pera. Pero noon yun. Ngayon, lahat na meron siya. At isa nalang ang kulang sa kanya. Si Dennise.
Den, asan kana ? Ito na ako oh. Nasa tuktok na. Nasa itaas na ko pero feeling ko nasa baba parin ako dahil wala ka. Wala ka dito sa tabi ko. She thought and she sighed.
"Lalim!" Sigaw ni Ella nang maabutang nakatulala na naman si Aly sa loob ng opisina nito. Irap lang ang itinugon niya dito.
"What's the problem ba?" Tanong naman ni Mae. Girlfriend ito ng kaibigan niyang si Ella. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Haven't you over that yet?" Tanong naman ni Kiwi. Isa pa sa matalik na kaibigan niya.
Ang mga ito ang naging kasama niya mula ng iwanan siya ni Dennise. Ang mga ito ang umalalay at tumulong sa kanya sa panahong lugmok siya. Kasosyo niya ang mga ito at ginawa narin niyang mga manager sa tatlong iba pang branches ng restaurant niya. Mababait ang mga ito kaya mahal na mahal niya din sila. Ito ang nakaka alam ng kwento ng buhay niya.
BINABASA MO ANG
A Song for You (ON HOLD)
FanfictionA series of short plots inspired by my song lists.