Slow Love

4K 65 8
                                    

A Song for You : 12

Slow Love by: Michael Alvarado

_________________________________

Halos hindi ko na siya makita sa harap ng maraming tao sa loob ng Arena pagkatapos ng laro namin. Again, neck to neck battle ang nangyari sa pagitan namin at ang mahigpit naming kalaban na Lasalle. To think 1st round palang to.

Ayoko na sanang pumunta sa pressroom eh kasi gusto ko na siyang makasama. Gusto kong makasama ang girlfriend ko. Pero hindi pwede eh. Bawal. Hindi naman alam ng lahat na kami. Bawal kasi ang relasyon namin. At yun ang mahirap. Kahit gaano ko kagustong ipagsigawan na mahal ko siya, wala, hindi pwede. Hindi dahil takot ako, kundi dahil ayaw niya. Oo, ayaw niya. Ayaw ng girlfriend ko na ipaalam namin, kasi nga natatakot siya.

Pagkatapos na pagkatapos ng interview, pumunta agad akong locker room namin. Wala eh. Miss ko na agad siya.

"Besh? Si Den?" Tanong ko agad sa bestfriend naming si Ella. Yes si Den. Si Denden ang girlfriend ko. Matagal nadin kami. Nasa 3rd year na ata kami nung magkaaminan kaming dalawa. At simula nun, naging maganda pagsasama namin.

"Malamang andun na naman sa boyfriend niya. May laro si LA ngayon, kaya ayun nagpaalam girlfriend mo na sasamahan daw muna niya." Mahabang paliwanag  ni Ella.

Yes. Girlfriend ko siya at sila din ni Luis Alfonso Revilla o mas kilala sa tawag na LA. Pero hindi legit yun. I mean sila sa mata ng karamihan, pero sa mata naming dalawa at ng kabarkada, hindi.

"Ganun ba? Okay sige, mauna na ako sa dorm." Malungkot kong sabi. Yun yun eh. Kahit na may usapan na kami, kapag nakiusap si LA, syempre yun padin uunahin niya.

"Yan, ganyan. Papayag sa ganyang set up tapos magseselos. Sino ba kasi nagsabing gawin niyo yan?" Ella commented and I turned to look at her.

"Ang alin?" I asked.

"Patay malisya pa Ly." Puna naman ni Ayel.

"Ano nga?"

"You and Den's set up. Aren't you getting tired? You're the legal girlfriend, but what? Look at you, almost begging half of your life to atleast get some of Den's time." Amy said and I sighed.

Totoo naman eh. Simula nung maging "sila" ni LA halos lahat na ng oras ni Den nasa kanya na. Bakit nga ba hindi diba? Eh ang alam nga ng karamihan "sila."

"Sino ba kasi ang nagpauso ng cover up na yan? Pwede niyo namang ipagpatuloy ang relasyon niyo without pretending to be somebody's girlfriend. Nung napagkasunduan niyo ba ang cover ups na yan may nangyari ba? May nagbago ba? Wala diba? Sarili mo lang pinapahirapan mo, Ly." It was Ella again.

Yes naman. Hindi naman talaga totoong sila ni LA eh. Suggestion yun ni Den. Kasi simula last season, nag ingay ang Alyden tandem na yan at ikinabahala ni Den. Naging too comfortable kasi kami at di namin naiwasang maging sweet sa isa't isa kaya ang nangyari, napuna ng karamihan at yun nga, marami ang nag ship.

Kaya naisip ni Den na yun nga, palabasin naming may mga boyfriend kami para daw tigilan na ng mga tao ang panunukso sa amin. And yes, alam ng mga teammates namin yun. Wala naman kaming tinatago.  Open kami sa mga kaibigan namin pati sa mga pamilya namin. Kaya nga gusto ko laging nasa dorm eh. Kasi sa dorm, walang pretentions. Nagagawa ko lahat gusto ko.
Pwede akong maging sweet kay Den. Pwede ko siyang akbayan, pwede ko siyang yakapin , o kahit halikan kung gusto ko ay okay lang. Di ko kailangang pigilan lahat ng yun. Kasi sa dorm, walang manghuhusga. Kasi sa dorm, walang mangingialam.

"Okay lang. As long as okay kami ni Den, walang kaso sa akin. Kung yun ang nakita niyang solusyon sa problema, edi gagawin. Ang mahalaga alam kong ako ang mahal niya. Kampante na ako." I said and smiled sweetly to them.

A Song for You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon