A Song for you: 3
I'm Not the Only One by: Sam Smith
--------------------
"Pasok kana babe?" I yawned sabay tanong ko ng makita kong nagsusuklay na si Den. Kagigising ko lang at tumingin ako sa relo. 6am palang ah bat ang aga niya.
"Ah oo babe. Ang daming gagawin. Saka malayo yung pagdarausan ng medical mission." Paliwanag niya at napakunot naman noo ko ng dumako tingin ko sa maletang dala niya.
"Oh, ang laki naman ata ng bag na dala dala mo babe? Ilang araw ang medical mission niyo?" I whine. Sabay bangon at kusot ng mata ko.
"5 days daw babe eh. Kaya limang araw din akong wala dito." I nod and stood as I went to the CR to wash my face and brush my teeth.
"Hmm.. kumain kana ba babe? Tara pagluto muna kita. Baka malayo ang pupuntahan niyo." I said as I hugged her from the back watched her intently at the mirror. She too did smile pero di umabot sa mata niya.
"Ah wag na babe. Malelate na ako. Ingat ka dito okay? Wag papagutom." She said as she turned to me and give me a peck on the lips.
"Yes boss!" I said sabay saludo sa kanya.
"So paano babe? Alis na ako? I'll miss you." Ganito talaga siya. Sweet. Kaya kahit alam kong may kakaiba, nagpapakatanga ako.
"I'll miss you too. I love you baby." I sweetly said and put up my best smile.
"I love you too baby. Sige na alis na talaga ako." I nod and took her bag as well as her hand and we both exited the room.
"Babe asan yung singsing mo?" I queried when I noticed she doesn't have any ring in her hand.
"Ayy! Naiwan ko babe. Andun sa CR. Teka kukunin ko lang." Napakunot noo ko. Lagi nalang siyang ganyan. Dati naman di niya nakakalimutan eh. Tsaka pwede naman wag na niyang hubarin. Kaso katwiran niya sagabal daw pag nagsasabon siya.
"Ito na babe. Alis na ako okay?" Sabi niya sabay taas ng kamay niya na may singsing. At wala na nga akong nagawa kundi ang ngumiti.
"Okay give me a kiss." She did and she ran out of the house.
Naiwan akong tulala. Nag iisip. Alam ko may iba eh. Ramdam kong may iba. Okay naman kami nung una. Oo kasal kami. Mag iisang taon na kaming kasal. Idagdag pa ang 3 years namin bilang mag nobya. Matagal na kaming nagsasama kung tutuusin. Masaya naman kami. Okay kami. Not until dumating ang LA Revilla na yun. Months ago. Nitong huli, nag iba na si Den oo nga't sweet siya. Given na yun. Pero kasi talagang di na kami tulad ng dati. I sighed upon remembering what happen between him and Den just weeks ago.
Flashback
Nag early off ako sa work. Monthsary kasi namin ni Den. At gaya ng dati, ginagawa kong espesyal ang mga araw na espesyal sa amin. Though nag greet si Den, I still texted her. I asked if pwede ba siyang maka early off sa duty niya. Sabi niya pwede naman daw. Kaya ako man, nag half day din sa trabaho. I called Kimmy and asked for her help. Hindi ko naman kayang mag isang gawin yung mga plano ko. Andito lang kami sa bahay. Dito ko lang naman gustong mag celeberate eh.
"Tol ayus naba yan dyan?" I asked as I'm putting finishing touches on the food I was cooking.
"Oo ano bayan pang ilang ulit mo nang tinatanong yan ah." Natatawang sabi ni Kim.
"Pasensiya na, alam mo naman ako, basta pagdating sa asawa ko kinakabahan ako." Nag aalalang tugon ko.
"Sus Ly, ang swerte nga ni Den sayo. Kung makikita lang to ni Mela ngayon, naku, siguradong maiinggit na naman yun. Ang dami mo kasing pakulo eh." Kim answered with a smile again.
BINABASA MO ANG
A Song for You (ON HOLD)
FanfictionA series of short plots inspired by my song lists.