A Song for You: 21
Love on Top by: Beyoncé
_____________________________
A/N: sa nag request ng 12am oneshot update on the 23rd of May, ito na po. Nim, tol, happy happy birthday! Have a great one ;)
Happy reads!
#FitForLife ;)
____________________________________
May 01, 2015
"Babe, kalma ka nga. Kanina kapa palakad lakad jan, nahihilo na ako." I said nung makita ko siyang di mapakali.
"Kinakabahan ako, babe. Hindi ko maintindihan. Kaya nga kita pinuntahan eh." Maktol niya sabay higa sa lap ko. Nakaupo kasi kami kanina dito sa sofa.
"Sus, ikaw paba? You're a living legend, ofcourse kaya mo yun." Sabi ko nalang para bawasan ang kaba niya. Kinakabahan siya alam ko. Nanlalamig eh.
"Babe, Iran yun, we all know they're a tough team to beat." Maktol na naman niya. Naku talaga, parang bata 'tong isang 'to.
"Ly, kaya mo yan. Kaya 'nyo. Saka ikaw nga si Baldo diba? Kaya mo yan." Was my encouraging words.
"Kinakabahan talaga ako eh." Sabi niya sabay kuha nung kamay ko tapos nilaro laro niya.
"Mawawala din yan, okay? Now, how about manonood ako?" Sabi ko para ibahin na mood niya.
"You will?" Excited niyang tanong at tumango ako. "Nah, I doubt it. Pupunta kayong Boracay diba?" Nakalabi niyang sabi. Ang kyut lang talaga niya.
"Yeah? Pero kinausap ko na si Mommy. Manonood kami. We'll be there."
"Talaga? Talaga? Yeey yeey!" Sabi niya sabay tayo at talon ng bahagya. Napailing nalang talaga ako. Yung girlfriend ko parang bata lang.
"Talon ng talon eh. Tama na yan. Bumalik ka nanga dun, baka hinahanap kana sa penthouse." Natatawang sabi ko. Nakatira kasi sila sa iisang penthouse. Lahat ng kateam niya sa U23. Kaya namiss ko siya kasi di ko siya halos nakikita.
"Mamaya konti. Basta pupunta ka ah?"
"Oo na, ako ang unang papalakpak sa kada puntos mo. I'll be there." I assured.
"Eh kung sumigaw kadin? Para ganahan ako?" Sabi niya sabay taas-baba ng kilay niya.
"Sure! Sigaw lang pala, gusto mo gumamit pa akong megaphone?" Pagbibiro ko naman.
"Geh ba. Tapos pag nakapoint ako, ganito sabihin mo. 'That's my girl. Girlfriend ko yan! Mahal ko yan." Excited niyang sabi na hindi ko alam kung biro ba o hindi. Pero it hit me. Ito na naman kami.
"Babe. . " I started. Ayokong pag ayawan na naman namin to. This has always been an issue - me not showing of. Me not going out. Me, not expressing what's our real score. And me, not admitting our relationship to the public. I heard her sighed and saw her changed her mood.
"I know, I know. Alam ko naman na. Takot ka." Sabi niya sabay ngiti. Pero alam ko nasira ko na mood niya. Alam ko nabago ko na takbo ng loob niya. Mamaya, magiging bugnutin na naman 'to.
"Babe, you know I love you naman diba? I just can't. Can't show it, publicly. I can't show it to them. I can't -" Sabi ko pero pinutol niya iba ko pang sasabihin.
"It's okay babe. It's fine really. I get you na. Aabot ba tayo ng ganito katagal kung di kita naiintindihan? Ofcourse, iintindihin kita." Sabi niya sabay ngiti. Pero alam ko namang pilit na ngiti lang yun.
"Babe, ayokong mag away tayo dahil dun. Aalis paman din ako." Nakapout na sabi ko.
"Don't worry, di naman tayo mag aaway. It's fine, okay? Just be there. I need you to be there." She said smiling. And I smiled back.
BINABASA MO ANG
A Song for You (ON HOLD)
FanfictionA series of short plots inspired by my song lists.