Kabanata V

12.2K 181 6
                                    

KABANATA V

 

SABADO. Ikalimang araw ng pagkawala ni Anthony. Ikalimang araw ng walang koneksyon. At ikalimang araw ng kasulukuyang estado niya ngayon. Inis na idiniin pang lalo ni Britanni ang mukha sa unan. Nagugutom siya pero tinatamad siyang tumayo at maghanda ng ipapalaman niya sa kanyang sikmura.

God. What the hell was she reduced to?

“Britanni!” sunod-sunod na kalabog sa pintuan ang bumasag ng katahimikan sa apartment. “Nasa’n ka bang bruha ka? Hoy, weekends na, gaga! Bumangon ka na r’yan!”

Yamot na kinapa-kapa niya sa kama ang isa pang unan at saka itinakip iyon sa kanyang tainga. Deanne. God knows that cousin of hers is infuriatingly active on weekends.

Mayamaya pa’y may naramdaman na siyang humihila sa unang tumatakip sa kanya. She groaned in annoyance. Ano bang problema ng buong mundo sa kanya? Daig pa niya ang isinumpa ng langit sa mga inaabot niyang kamalasan.

“Get up, woman! Seesh you look like hell!”

Bumalikwas siya ng bangon at tinitigan ng matalim ang pinsan. “Thank you, that makes me feel good!”

Umirap lamang ito at walang kahihiyang dumeretso sa damitan niya. “Oh come on! You know very well how ugly you look right now. Sumobra naman yata ang pag-aadapt mo, Legee. Ang sabi sa patakaran, ‘yong tama lang. Hindi mo naman kailangang maging kamukha ni Bakekang. That’s going too far.”

“Ugh, Deanne, will you please shut up? I know those things, okay? Now will you please leave me alone? Gusto kong mapag-isa!”

Gulat at may pagkamanghang hinarap siya nito, hawak sa isang kamay ang isa sa mga floral dress niya. “Is this about that professor?”

At the mention of Anthony, bumagsak siyang muli sa higaan at nagtalukbong ng kumot. Ayaw niyang isipin ang tungkol sa mokong na lalaking iyon. Ayaw niyang banggitin ang pangalan nito at lalong ayaw niyang pag-usapan ang nangyari. She’s enough of a fuck up. She didn’t need another one to add to the list.

Narinig niyang bumuntong hininga ang pinsan, naupo sa tabi niya at pilit na tinatanggal ang takip na kumot. “Why do you always pine for the unattainable, Britanni?”

Yeah. Good question. Bakit nga ba?

“Kung ginawa niya talaga ‘yon sa ‘yo then he doesn’t deserve you. I’m sure there are lots and lots of men who wants to be yours. Marami naman d’yan sa tabi-tabi. There’s so many fishes in water, tara’t mangingisda tayo kung gusto mo. Tigilan mo na ‘yang pagmumukmok mo.”

Kumunot ang noo niya. Sinabi lang din ni Deanne ang parehong bagay na sinasabi niya sa kanyang sarili. Pero kung bakit ba naman kasi ayaw mag-sink in niyon sa utak niya? At bakit kasi siya nagmumukmok samantalang baka nagsasaya na ang gagong iyon sa Sicily? Utang na loob, it’s not as if they’ve been committed for many years. He was a complete stranger for goodness’ sake!

Ano bang klaseng kabaliwan ito?

And to think na hindi sila nagkakaintindihan ni Anthony sa mga bagay-bagay. At kung kailan naman sila nasa iisang isip ay saka naman biglang umurong ang tarantado.

Dumb asshole.

Napabuntong hininga siya. Ilang beses na niyang minura sa isipan si Anthony pero kahit ni minsan ay hindi naman gumaan ang kanyang pakiramdam. Lalo nga lang bumibigat kung tutuusin.

“Hindi ko alam kung ano’ng gagawin.” Matamlay niyang sabi, laglag ang balikat na tila sumusuko na.

May pakikisimpatyang niyakap siya ni Deanne. “Matatapos din ‘yan, Brit. It’s just a phase.”

Beauty And Madness by ANYA RAYNETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon