KABANATA XV
MAKAILANG beses na lumunok si Britanni bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na kumatok at pihitin ang seradura sa pintuan ng opisina ni Anthony sa university. But much to her luck, nakakandado ang pintuan. Damn. Ngayon tuloy ay kailangan niyang hanapin ito sa buong building and had to risk seeing Professor Carillo. She was too afraid she'd deck the bastard once she sees him.
"Hindi siya pumasok."
She jerked in surprise and whirled around to find a female student glaring at her. Muli siyang lumunok. The woman screamed murder at her. Malamang ay isa sa mga fangirl ni Anthony ang isang ito.
"Hindi siya pumasok?" ulit niya sa sinabi nito.
"Ilang linggo na siyang wala. H'wag ka nang mag-aksaya ng panahon." Pagkatapos ay walang sabi-sabing nilampasan siya nito at nagtuloy na sa paglalakad.
She wondered briefly if the whole university knows the sordid details of their situation.
Nagdesisyon siyang dumeretso sa Dean's office at konsultahin na muna si Professor Ezekiel Dalton tungkol sa dapat niyang gawin. After all, malapit itong kaibigan ni Anthony. Marahil ay alam nito kung nasaan ang binata. Or better if he has some advices on how to climb a high Victorian gate.
She was seriously contemplating doing just that.
Kumatok siya't binuksan ang pintuan ng opisina ni Professor Dalton. Nag-angat ito ng tingin nang sumilip siya sa awang. Surprise lit up his eyes and he gaped at her for a second before shaking his head and gesturing her to come in.
Pumasok siya sa loob, isinarado ang pintuan at saka pinuntahan sa mesa ang butihing Dean. "Hey. I'm sorry, mali yata ang timing ko."
"No. No, no, it's okay. Maupo ka."
Masyadong antsy ang mga paa niya para manahimik sa isang upuan kaya naman inilingan na lamang niya ang alok ng lalaki.
"No, thank you, okay lang ako. I was just wondering kung alam mo kung nasaan si... si Anthony? Pumunta ako sa bahay niya, wala kasing sumagot no'ng nagdo-doorbell ako. I assumed he went here."
Muli'y rumehistro ang pagkabigla sa mukha ni Professor Dalton. "H-Hindi mo alam?"
Kumabog ang dibdib niya. Usually, sa pelikula, it's not a good thing when people ask that famous line. "No. What is it?"
"Nag-resign na si Anthony, Britanni. Three weeks ago, he sent me a resignation letter. It would take effect by next month. Hindi na siya pumapasok."
Oh shit. Pinahihirapan talaga siya ni Anthony. Where the hell would he go kung wala ito sa university at wala rin sa bahay?
"D-Do you have any idea kung nasa'n siya? Any place, Sir? Or kung saan nakatira si Mrs. Carillo as of this moment?"
Kumunot ang noo ni Ezekiel Dalton. "He's just probably in his home, Britanni. Sinubukan mo na bang tawagan siya?"
"Wala akong cell phone ngayon."
"Gusto mo bang tawagan siya?"
Sunod-sunod siyang tumango, grateful for the help. "Yes, please. But don't tell him na ako ang nagpapatanong. Baka kasi galit siya sa 'kin. Gusto ko lang malaman kung nasaan siya."
Tumango ang lalaki. Dumukot ito sa pantalon at naglabas ng cell phone. He started dialing then he waited for a brief second bago ito tumikhim at nagsalita. "Hey, Anthony. How are you?"
Tumingin si Professor Dalton sa kanya, kumukunot ang noo at napapailing sa hindi malamang kadahilanan ni Britanni. "Are you drunk, man? What the... Anthony! Are you okay?"
BINABASA MO ANG
Beauty And Madness by ANYA RAYNE
General FictionWarning! For matured readers only. Contains explicit BDSM (Bondage and Discipline, Dominance and Submission, Sadism and Masochism). Read at your own risk. "God, yes, Britanni. Hurt me. Take the pain away. Hurt me." Dominance and submission. A game o...