Kabanata VIII

10.5K 170 11
                                    

KABANATA VIII

“NAG-DROP out ka sa Sexual Orientations?”

Nag-angat si Britanni ng paningin at natagpuan si Kaizer na inookupa ang katabi niyang bakanteng upuan. Nakakunot ang noo nito’t sa kanya pirming nakatingin habang inilalagay ang book bag sa mesa.

“What?” tanong niya nang hindi mag-sink in sa kanyang isipan ang sinasabi nito.

“Ang sabi kasi noong isang araw ni Professor Cane nag-drop out ka na raw sa klase niya. Mas pinili mo raw na i-retake na lang sa summer ang Sexual Orientations under Professor Dalton.”

Kinagat niya ang dila upang pigilin ang awtomatikong response niya. At paniguradong magugulat si Kaizer kapag iyon ang nagkataong naibulalas niya. It would be real akward to say na kaya siya nagpalipat ay dahil may namamagitan sa kanila ni Anthony. Malamang ay kukuyugin siya ng mga estudyante rito ni Anthony dahil lamang doon.

Kaya’t sa halip ay nakangiti siyang tumango at kinumpirma na lamang ang inuusisa nito. “Sinunod ko lang naman ang sinabi mo. I realized you were right. Hindi kami pwedeng mag-coexist ni Professor Cane sa iisang klase. So I dropped out. He gave me a recommendation for Professor Dalton’s class in summer.”

Kataka-takang nagliwanag ang mukha ni Kaizer nang matapos siyang magsalita. “Mabuti naman at sinunod mo ang payo ko. At least, ‘di ba, hindi na kayo magbabanggaan pa ni Professor tuwing lecture. Para kasi kayong nagkakapersonalan.”

She winced at the reminder of what happened a week ago in Anthony’s class. The asshole tried to take their grievances out in the public eye. Pero as it turns out, isang malaking kaso ng hindi pagkakaintindihan lamang pala ang pinag-aawayan nila.

Miscommunication, she suppose. After all, gaano katagal pa lamang ba sila magkakilala ni Anthony? They were bound to have problems like that.

“Eh ‘di paano ‘yan? Hindi na kita makikita ng dalawang beses sa isang araw.”

Napangiti siya ng hindi sadya. Mukhang tumpak pa yata ang hinala ni Anthony. May karapatan at dahilan nga yata ang mokong na mag-selos.

“May seminars pa naman kay Professor Carillo. We’ll just have to make-do.”

Tahimik na tumango si Kaizer at hindi na nabigyan pa ng pagkakataong makasagot nang pumasok si Professor Carillo at agad na nagsimulang mag-lecture.

Buong araw niyang hindi nakita ang anino ni Anthony sa university. Ni hindi niya alam kung pumasok ba ito o hindi. She was worried. Baka kasi may ginawa na naman itong kalokohan na hindi ipinapaalam sa kanya. That man irritatingly sucks with asking permissions. Hindi niya tuloy alam kung ilang beses ba niya kailangang idikdik sa kokote nito na kailangang nalalaman niya ang bawat desisyon ni Anthony para tumimo iyon sa utak ng lalaki. It doesn’t seem to stuck in his mind.

Pagsapit ng alas sais ng hapon ay bumaba na siya mula sa pagtambay niya sa library. Nagderetso siya sa opisina ni Anthony upang tignan kung naroon pa ba ito o kung talagang pumasok ang binata sa university noong araw na iyon.

She found the door locked pero mukha namang may nag-occupy niyon noong araw na iyon kaya’t nagdesisyon siyang tumungo sa parking area ng unibersidad. Doon niya natanaw ang pamilyar na itim na Avanza ni Anthony. Napangiti siya sa sarili saka nagsimulang lumapit sa sasakyan. Ilang hakbang pa ang layo niya roon nang biglang-biglang bumukas ang pintuan sa gilid ng driver’s seat at iniluwal niyon si Anthony.

Napatigil siya. She was stunned with the way he looks. His necktie is missing, his suit is rumpled and opened while the top two buttons of his polo shirt were undone. Nawawala rin ang salamin nito kung kaya’t kitang-kita ang samu’t saring emosyong naglalaro sa mga mata nito.

Beauty And Madness by ANYA RAYNETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon