KABANATA XVII
NANATILI siya sa guest room na inokupa nila kaninang umaga ni Anthony hanggang madaling araw. It had been a challenge for her to stay calm and prevent herself from calling him. Sinabi niyang maghihintay siya at iyon ang gagawin niya. But it doesn't have to mean that she likes it. Because right now, her wits are at an end. Gustong-gusto na niyang sabunutan ang sarili niya at dumapa na lamang sa kama upang umatungal ng iyak.
Alas kwatro ng madaling araw nang maganap ang tawag na iyon. Nakita niya ang cell phone niyang ibinigay ni Anthony dati sa kanya sa may tokador ng kusina at naisipan niyang i-text si Deanne para lamang pigilan ang pagdalaw sa kanya ng antok. Nagpapalitan sila ng text messages up until that moment when her phone rung.
Helion. She recognized the digits. That was definitely Helion calling her.
"Hel?"
"Nasaan ka?" the voice on the other line demanded. "H'wag kang lalabas at h'wag kang pakalat-kalat sa kalsada, Britanni. Nanganganib ka. Magpapadala ako ng security details. Nasaang lupalop ka na naman ba nagpupupunta?"
Kumabog ang dibdib niya. Panic is audible in Helion's voice at nahawa siya sa panic na iyon. "B-Bakit? Ano'ng nangyayari?"
"May sulat na ipinadala sa club na naka-address sa 'yo. I had an inkling kaya't ipinabukas ko 'yon sa mga pulis. You just received a threat, Britanni. And from someone na na-involve o nai-involve pa lang kay Anthony."
Nanlaki ang mga mata niya, hindi makapaniwala sa narinig. Anthony? Involved kay Anthony?
"Does this mean na ang may pakana ng sunog sa office ko at 'yong nagnakaw ng cell phone ko ay parehong tao na nagpadala sa akin ng letter?"
"Probably, yes."
"What did the letter say?"
"Una raw na naging kanya si Anthony at gagawin niya ang lahat para ma-dispatya ka. I'm guessing she'd known beforehand na may kung ano'ng atraksyon sa 'yo si Anthony kaya't sinubukan niyang pigilan 'yon by stealing your cell phone and sabotaging your relationship before it even began. Hindi ko alam kung sinong ituturo, Britanni. Do you have any idea? May kung sino bang nanggugulo sa relasyon ninyo?"
Yes. The dark haired petite plastic surgeon na nasa ospital ngayon, nursing a concussion. God...
Bigla siyang nanlumo. Nag-init ang sulok ng mga mata niya at hindi niya alam kung matutuwa ba siyang sa wakas ay may dahilan na siya upang lalong ipagdiinan sa kokote ni Anthony na dapat na nitong lubayan ang ex-fiancée nito o kung maglulupasay ba siya sa sahig dahil habang tumatagal ay nagpapatong-patong ang mga problema ng relasyon nila ni Anthony.
It was as if the heavens was telling them no. As if someone doesn't want them together.
"Britanni?" untag sa kanya ni Helion nang marahil ay natagalan siya sa pagsagot.
Lumunok siya. "Y-Yes. I mean no, hindi ako sigurado, Hel. Sasabihan kita kapag nakausap ko na si Anthony."
"Paano 'yong security details?"
"Ipadala mo sa bahay bukas. I'll be there."
"Mag-iingat ka palagi. Okay? Call me all the time. I love you, sis."
Gusto niyang umiyak. Dahil matapos ang lahat, pamilya lang naman talaga niya ang siguradong magmamahal sa kanya ng walang hinihinging kapalit. Eros was becoming the goddamn prophet as time passes by. Dahil tila yata lahat ng sinabi nito sa kanya ay nagiging totoo na.
Wala nga yatang magmamahal sa kanya ng totoo. Wala nga yatang makakatiis sa nakakabaliw niyang preference at lifestyle. Baka sadyang nakatadhana talaga siyang mamuhay ng mag-isa. Alam ng langit na sinubukan niya. She'd tried so very hard to become another person she's not para lang mapatunayang kaya rin siyang mahalin ng kahit na sino. That someone will love her so much just as she wish they would.
BINABASA MO ANG
Beauty And Madness by ANYA RAYNE
General FictionWarning! For matured readers only. Contains explicit BDSM (Bondage and Discipline, Dominance and Submission, Sadism and Masochism). Read at your own risk. "God, yes, Britanni. Hurt me. Take the pain away. Hurt me." Dominance and submission. A game o...