Kabanata XIV

6K 120 5
                                    

Ayun, nag-enjoy ako masyado sa photoshop. Lalalala xD Hahahaha pinakamaraming comments na pala 'yong last chapter. Congrats sa 'tin mehehehe. Anyhow, kung trip nyong magpa-edit ng cover n'yo, tumatanggap naman ako paminsan-minsan. Hindi nga lang mabilis. I-pm nyo na lang sa 'kin kung magpapagawa man kayo. Hahahaha.

So sa lahat ng nagagalit kay Anthony, I love you guys. LOL. Peace out! \m/

KABANATA XIV

“BRITANNI, get up already. Ang sabi mo sa akin papasok ka na ngayon.”

Nagtalukbong siya ng kumot, pinakiramdaman ang presensya ni Deanne. Nakarinig siya ng pagbubuntong hininga. Naroon pa rin ang dalaga. Hinigpitan ni Britanni ang yakap sa unan at ang paghapit sa dulo ng kumot, determined to stay unmoving and hidden under the safety of her blanket.

Muli ay narinig niya ang buntong hiningang iyon. Then the left side of the bed dipped low signalling Deanne’s presence there. “Dalawang linggo na ang nakakaraan, Britanni—”

“No, two weeks, six days, five hours and,” nagtanggal siya ng talukbong saka sumulyap sa orasan. “five minutes, thirty seconds.”

“God. Listen to yourself. Baka naman pati milliseconds nabilang mo na rin! Get up, you fool. There’s no use letting yourself rot in here. Welcome ka sa bahay ko pero hindi kung wala ka namang ibang gagawin kung hindi ang sirain ang buhay mo sa pagmumukmok d’yan. Ilang linggo ka nang wala sa mga klase mo, aba! Pinakiusapan ko na nga lang ang mga professor mo na baka pwedeng mabigyan ka ng konsiderasyon dahil may sakit ka. Sakit sa puso, more like it!”

Britanni grunted and cursed herself at her idiocy. Nag-iisip na siyang i-drop na muna ang lahat ng klase niya ngayong semestre at pumasok na lang sa ibang eskwelahan sa susunod na semestre. Wala na siyang pakialam kung kakailanganin niyang kumuha ng ibang kurso. A degree in Abnormal Psychology isn’t at all bad. Pwedeng iyon na lang ang kunin niya sa halip na Human Sexuality. Dalawang unibersidad lang sa Pilipinas ang nag-aalok ng ganoong klase ng kurso. Wala siyang balak na lumayo sa Seidara para doon.

Subalit kailangan niya talagang magpakalayo-layo. It wasn’t just a whim for fuck’s sake. It’s a damn necessity for her!

Nursing a goddamn broken heart isn’t at all that easy!

“I’m dropping my classes.”

“What?” Deanne looked at her incredulously. “Nasisiraan ka na ba ng bait? Dahil lang sa lalaking iyon? Goodness! Get yourself together, Britanni Knight! Hindi nakakatuwa ‘yang ginagawa mo!”


“Sinong may sabing nagpapatawa ako?” bumuntong hininga siya’t umiling-iling. Hindi naman niya ine-expect na mayroong makakaunawa sa kanya. “I just… I needed to get away from him. Lyselle was right, you know. About men who smells like D and D.”

“Oh stop it! That’s ridiculous, Britanni! H’wag kang adik. Anthony is a good person. I just think hindi lang kayo nagkaintindihan.”

And there lays the problem.

Hindi niya sinabi kay Deanne kung bakit sila naghiwalay ni Anthony. O kung bakit niya ito iniwan, for that matter. Nang pumunta siya sa bahay ng pinsan niya sa halip na deretsong umuwi sa sariling apartment at umiyak sa sofa nito, tila basta na lamang naintindihan ng dalaga na may nangyaring hindi kaaya-aya sa pagitan nila ni Anthony.

Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sinasabing kahit na ano kay Deanne. Because seriously, how the hell do you say that your lover replaced you with a plain boring good ol’ plastic surgeon who was eight years older than you? That’s a downright insult to Xyrin population.

Beauty And Madness by ANYA RAYNETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon