Kabanata II

22K 242 13
                                    

KABANATA II

 

WHAT was that old saying again? The one where you make a lemonade when life throws you lemons? Well she’ll gladly be dumping those lemonade into someone’s head—probably her brother’s—and see if they can handle life throwing them a bunch of those goddamn lemons!

Daig pa ng burol ang katahimikang naghari sa opisina ng kanyang kapatid later that night nang kasama nilang maupo ang mga kaibigan nito, kasama na roon s’yempre ang naiilang niyang propesor.

“Well…” tikhim ng isa sa mga ito. That guy who had a blonde noodle hair beside Helion. “this is pretty awkward but hey. Look at the brighter side. At least you guys can get to know each other.”

Naningkit ang kanyang mga mata, lalo pang nainis sa suhestyong iyon ng lalaki na marahil ay napansin nito kung kaya’t biglang nanahimik. Sa puntong iyon pinili ng kanyang kapatid na mang-inis pang lalo sa pamamagitan ng pagtawa.

“Okay, sis, relax. I’m pretty sure Anthony won’t have you suspended just because he found out you’re funding this club.”

Binalingan niya ng matalim na titig si Helion. “Hindi naman ‘yon ang problema, eh. The problem is they—”

“—Know about us.” Agad na putol nito sa kanyang sinasabi na syang ikinagulantang niya. Grimly, he nodded as if he was confirming her worst fears. “I’m sorry. Sasabihin ko naman dapat sa ‘yo ito pagkabalik ko noon galing sa Afghanistan. But you were… busy. Kailangan nilang malaman ang tungkol sa akin, Britanni. It’s impossible to be on a freaking military army without them knowing what I am. Nagtataka sila kung bakit halos mamatay-matay ako kapag walang sex.”

She cringed at the mention of sex. “Too exaggerated. Walang namamatay sa pagka-tigang, Hel.”

Nagkibit ng balikat ang kapatid niya. “At least that’s how I feel.”

Umirap siya’t akmang sasagot nang may bigla siyang mapagtanto.

Military? Napabaling siya kay Anthony na tahimik na umiinom ng scotch sa tabi ng blonde na nagsalita kanina. “You joined the military, too?”

Nag-angat ng tingin ang lalaki, marahil ay naramdamang siya ang tuon ng atensyon ng lahat at ibinaba ang hawak na baso sa mesa. “I’m… I’m sorry?”

For a moment ay napamaang si Britanni sa narinig. He stuttered. Her sexy as sin and sex on legs professor stuttered! Oh hell…

Ngunit agad din siyang nakabawi, lumunok at pinalis ang kaistupidahang iyon. “You’re friends with Helion when he was in Afghanistan, right? De ibig sabihin do’n ka niya nakilala? It means you joined military too.”

Dumilim ang anyo nito, ang tense nitong katawan ay lalong nanigas. Bigla ay pasimpleng tinapakan ni Helion ang kanyang paa na naging sanhi ng pagbaling niya rito. He was shooking his head at her, signalling her not to push it. At dahil mabait naman siyang bata paminsan-minsan, nanahimik na lamang siya’t hinintay kung sasagot ba si Anthony o hindi.

“I… I didn’t. I was there for business.”

At kahit hindi siya na-satisifed sa ganoong sagot ay tumango na lamang siya. “Ahhh.”

Mahabang katahimikan na naman ang sumunod. Walang kaanu-ano’ng ipinagdaop ni Helion ang mga palad ng may tunog at tumayo mula sa kinauupuan. “Welp, if we’re done here, we better go and pick your poisons. The night is young, my brothers! We better make the best out of it!”

At sa palagay niya, that was her cue to stop eating up her own professor like a starved animal and be the decent female she was raised.

“Bababa na kami,” baling sa kanya ni Helion. “Babalik ako mamaya, ihahatid ko lang sila.”

Beauty And Madness by ANYA RAYNETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon