Kabanata VI

11.2K 216 21
  • Dedicated kay Team KPOP <3 (Ela, Jovie, Alleah, Rachelle, Oliver and Verna)
                                    

A/N:

Back to back update dahil sobrang delay ng updates ko. Anyway... this chapter is dedicated to the ones indicated above. Sila po 'yung mga taong nagpasaya sa akin for the whole of my year. Napili ko 'tong chapter na 'to kasi I think, Britanni and Anthony's miscommunication is a bit similar with what happened to us.

This is a grand gesture in my part because I feel it is long due and I just feel that I needed the closure. Kay Jovie, kay Ela, kay Rachelle and Alleah. I sincerely apologize for being bossy and for sometimes being frank na minsan nakakasakit na. I feel that I owe you this after all. And thank you ng sobra-sobra sa lahat. I kind of needed to tell you guys this pero since di n'yo nga ako kinakausap, dito na lang. This is my way to close whatever might have happened. I hope na hindi na sya maging ongoing issue at hindi na sana magka-personalan pa. Again, in my part, sorry for whatever had hurt you guys in the first place and thank you sa lahat-lahat. Ciao!

-HR

KABANATA VI

IT TURNS out that he wasn’t just mad. He’s pretty fucking enraged. And though it was hot to look at him like that, alam niyang masama ang magiging epekto niyon sa kanya. She wasn’t in control with the whole class, he is. She hated that. Pero ano namang magagawa niya? Sa tunay na buhay, estudyante lang siya. Sa kabila ng pagiging kakatwa ng lahi’t dugo niya, sa huli’y nasa ilalim pa rin siya ng mga may kapangyarihang wala siya.

It pisses her off, that situation. Genes lamang ang minana niya bilang Xyrin. Nang sandaling mahaluan ng ibang dugo ang isang Xyrin, mawawalan na ito ng kapangyarihan. Maca-cancel ang taglay nitong mga kakayahan na may paghahambing sa bampira’t taong-lobo.

Kung hindi lang sana siya kalahating mortal…

Being a cast-out Xyrin ay ipinatapon sila sa probinsya ng Davao upang mamuhay ang mga kauri nila. Ang kauna-unahang kalahating Xyrin at kalahating mortal ay isa sa mga ninuno niya at ang nagma-may ari ng malawak na lupain ng Ariadne sa probinsyang iyon. Nagbunga ang populasyon nila hanggang sa maging komunidad at ipamana ang posisyon sa kanya.

But being a Xyrin Legion’s Legee isn’t easy. Lalong-lalo na kung hindi pa siya handa. She thought her brother would inherit the damn position. Ang masaklap lang ay siya ang pinaupo roon. Kaya’t heto siya, sinusubukang mamuhay ng normal kahit napakabigat ng responsibilidad na nakaatang sa kanya.

Napapitlag siya mula sa malalim na pag-iisip nang maramdaman niya ang pagsiko ni Kaizer sa kanyang tagiliran. “Looks as though he was mad with us snooping around.”

Snooping around my ass, pairap na tuya niya sa isipan.

“Wala naman tayong ginagawang masama,” ganting bulong niya sa katabi. “Isa pa, napadaan lang naman tayo roon. Hindi naman natin sinasadyang makita siya. Siya ‘tong gumagawa ng eksena sa publiko, eh.”

Tumango-tango lang ang binata, tumahimik na ng tuluyan nang balingan ito ng propesor ng nakamamatay na titig.

Seems like she wasn’t the only target of his brooding mood.

Padabog na kumuha ng marker si Professor Cane at saka tumalikod sa klase upang magsulat sa board. “Instead of discussing where we left off last week, I’d like us to talk about…” and in the clean white board, a black bold text said ‘DOMINANTS’.

Tumiim ang bagang ni Britanni nang mapagtanto ang balak gawin ni Anthony. Hindi siya maaaring magkamali. He’s trying to make this personal.

Dama sa ere ang pinipigil na tensyon ng mga estudyante habang nakatitig sa nakasulat sa pisara. Nang humarap ang propesor ay si Britanni kaagad ang naging target ng matalim nitong titig sa likod ng mapanlinlang na salamin nito sa mata.

Beauty And Madness by ANYA RAYNETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon