Kabanata XVI

6.2K 117 10
                                    

KABANATA XVI

"MAY mga bagay akong kailangang sabihin sa 'yo, Anthony, before anything else."

It took guts for Britanni to blurt that out. Ayaw niyang sirain ang matiwasay nilang lambingan ni Anthony sa kama at ang tahimik na pagkukwentuhan nila tungkol sa mga nagdaang araw matapos ang kanilang emosyonal na tagpo sa kusina. But things has to be said. May mga bagay na dapat siyang aminin at mga bagay na dapat pag-usapan, however emotionally exhausted they both were.

Naisip niya na baka nangyayari ang mga hindi nila pagkakaintindihan ni Anthony ng madalas ay dahil hindi sila nagiging tapat sa isa't-isa. May mga itinatagong sikreto si Anthony and she's yet to tell him her own. At itong nangyari sa kanila ay isang patunay ng kakulangan nila ng komunikasyon ni Anthony. Muntik na niyang magawa ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay: ang tapusin ang relasyon nila dahil lamang sa kawalan ng abilidad ni Anthony na sabihin sa kanya ang tungkol sa night errors nito.

It makes her cringe still sa isipin lamang na iyon.

"Rain check on talking? I want you right now."

Somehow ay napangiti siya niyon. "Gusto ko rin sanang ipagpaliban ito, Anthony, pero hindi pwede. Kailangan nating mag-usap."

Ramdam niya ang pagbuntong hininga ni Anthony sa kanyang leeg. He dropped a quick kiss on her lips before sitting upright beside her. "Okay. Mag-usap tayo. What is it?"

"Una, gusto kong pag-usapan si E—" and before she could mention the name of that woman, tumunog ang telepono ni Anthony na nakapatong sa bedside table.

Pareho silang nagpalitan ng gulat na tingin. Ngunit mayamaya lamang din ay inabot ni Anthony ang cell phone, tinignan ang rumehistro sa Caller ID bago iyon pinindot at sinagot.

"El."

Hindi na nagawa pang mag-sink in sa utak ni Britanni ang naging pag-uusap matapos banggitin ni Anthony ang pangalang iyon. But she did watched him carefully for any signs of a lovesick puppy so besotted with a teacup poodle. Wala siyang makitang kahit na ano. Just him going pale as white, his lips compressed in a firm line and a tick working in his jaw.

Milyon-milyong katanungan ang nagdaan sa kanyang isipan nang sandaling iyon. Ano nga ba talaga ang staying attraction ng isang Eleanor Evangelista sa isang lalaking kasing-kisig at kasing-intense tulad ni Anthony? Sa mga pagkakataong nasaksihan niya ang mga tagpo ng dalawa at batay na rin sa mga nakakalap niyang impormasyon, sa palagay niya'y hindi bagay ang babaeng iyon sa binata. She looks and sounded so much as ridiculously boring as a goldfish. While Anthony burns in bed and out of it, Eleanor Evangelista looked as though she better be out of the heat and in the cold refrigerator.

Fire and ice never mixed well, did it?

Napaisip tuloy si Britanni. Alam din kaya ni Eleanor Evangelista ang kakatwang takbo ng utak at ng katawan ni Anthony? Alam din kaya ng babaeng iyon ang mga karima-rimarim na naranasan ni Anthony sa Afghanistan at ang naging epekto niyon sa utak ng binata? Kaya ba sila naghiwalay ay dahil doon? Dahil hindi kaya ni Eleanor na tapatan ang ganoong klaseng mga kahilingan ni Anthony sa kama? At ngayong may isang babaeng kayang gawin iyon—namely her—nagbabalak na kaya ang ex-fiancée ni Anthony na balikan ang binata?

Goodness! That would suck real bad. Ayaw niyang makipag-agawan sa isang kagaya ni Eleanor Evangelista. Isa lamang naman siyang PhD student for crying out loud! Kung ikukumpara sa babaeng iyon, walang-wala siyang maibubuga maliban kung ang labanan ay ang itsura lamang. She has enough of shitload of insecurities to last her a lifetime. Hindi na niya kailangan ng marami pa.

Belatedly, she noticed Anthony getting up from bed and sheathing himself with decent enough clothes. Doon niya napagtantong may balak si Anthony na lumabas ng bahay at iwanan siya doon.

Beauty And Madness by ANYA RAYNETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon