Kabanata XI

8K 143 5
                                    

KABANATA XI

ASAR NA hinampas ni Britanni ang kamay ni Anthony na senswal na naglalakbay sa gilid ng kanyang likuran. Kitang-kita niya ang mapagbirong ngiti sa mga labi nito sa salamin ng banyo. He was behind her, one hand holding the untied strap of bikini in her neck and the other shamingly roaming around her naked back.

“Stop playing, Anthony. Hinihintay tayo nina Deanne kanina pa.” Reklamo niya nang hindi ito tumigil sa paghaplos sa kanyang likuran.

“Ikaw ang may gustong manatili tayo sa kwarto hanggang sa magtanghalian. Shouldn’t that be your fault?”

Tinaasan niya ng kilay ang binata. “Well, you enjoyed it, Cane. So stop playing, just tie the damn strap.”

Tumatawang sinunod nito ang ipinag-uutos niya. “So bossy.”

“Dominants are bossy, professor.”

“Yeah, I suppose.”

Ngumiti si Anthony. Napangiti rin siya. They look so stupid, grinning at each other like that. But in her hearts of hearts, may kung ano’ng gumaan doon and she was guessing Anthony felt that lightness too.

Makalipas ang trenta minuto ay hawak-kamay na silang naglalakad patungo sa isa sa tatlong restaurant na malapit sa kanilang cottage. Nasa terasa na si Deanne at kinakawayan silang dalawa. She smiled and waved in return. Pag-akyat nila sa pangalawang palapag ng restaurant ay nadatnan na nila ang mga pinsan niya’t ang kanyang  Auntie at Uncle na nakaupo’t nag-aalmusal na.

“They’re here!” anunsyo ni Deanne nang makita sila na naging sanhi ng paglingon ng lahat sa kanila.

Sinalubong siya ng yakap ng tatlong teenager niyang mga pinsan, sina Aries, Virgo at Pisces. Ang iba naman ay nagtayuan lang at isa-isang yumakap sa kanya nang makalapit siya. Bukod kay Deanne, present din ang mga lalaki niyang pinsan na sina Kei, ang kambal na sina Inigo, at Ivo at ang nag-iisang babae na si Kayla.

“Kayo lang ho?” tanong niya sa kanyang Auntie makaraang bumeso rito.

“Nasa Ilaya pa ang iba. Sa susunod na linggo na raw sila pupunta para hindi na sila makaabala sa paghahanda ng mga crews. Alam mo naman ang mga iyon. Sakit sa ulo paminsan-minsan.”

Tumango siya at naupo katabi si Anthony na nag-aalangan ang ngiti sa labi. Napakamot si Britanni sa likuran ng kanyang tenga gamit ang kamay niyang hindi hawak ni Anthony. “I’m sorry, where are my manners. This are my Uncle and my Auntie and my cousins.” Ipinakilala niya isa-isa ang mga pinsan. Malapad ang mga ngiting iginawad ng mga ito kay Anthony maliban sa Uncle niyang nakakunot ang noo at pinagmamasdan ng mabuti ang binata. “And this is Anthony Cane, my boyfriend.”

Hindi na nagulat ang mga ito at sa halip ay pabiro pa nga siyang binabati.

“Sa wakas, Ate Britanni,” nakangising pambubuska ni Aries. “May nagkamali nang magpa-under sa ‘yo.”

It had been a running joke in their Legion. Andres de saya raw ang mga magkakamaling pumatol sa mga Xyrin females. At gaya ng maraming pagkakataon, Deanne was always the one to dispute that claim.

“Hey,” nakasimangot na pinalo ng dalaga ang katabi na humahagikhik lang. “Ang dami mong alam na bata ka. Hindi porke dominant si Legee o ako eh under lang ang papatol sa amin ‘no. It depends on every man’s kink.”

“At ilang porsyento ang may kakatwang fetish na magpa-under, Ate Deanne?”

“Mga ten.”

“Gano’n ba kadaling humanap ng lalaking makakasama mo habambuhay sa sampung porsyento na ‘yon? Hindi ‘di ba? Kaya under lang talaga ang mga papatol sa inyo.” Pagkatapos ay tumawa si Aries ng malakas na tila lalong ikinapikon ni Deanne kung kaya’t hinataw nito ng mas malakas ang pinsan.

Beauty And Madness by ANYA RAYNETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon