KABANATA IX
SABADO ng umaga nang buksan niya ang bago niyang cell phone sa text message ni Deanne. Medyo nag-aalangan pa siya sa mga buton na pinipindot at natatakot na gumalaw sa mga komplikadong features ng iPhone na binili ni Anthony para sa kanya. Sa ganitong mga klaseng bagay naman niya talaga imposibleng maitanggi na isa siyang probinsyana, born and bred. Matalino naman siya kung tutuusin, eh. Ang problema lang, she wasn’t exactly technologically informed.
Naalala pa nga niya ang pagkakagusot ng mukha ni Anthony habang tinuturuan siya nito. Halatang hindi inaasahan ng binata na ganoon siya katanga pagdating sa mga gadgets. Matyagang magturo si Anthony. Ang problema’y hindi naman kasi matyagang makinig si Britanni. So in the end, she snapped at him and just gave up.
Nang sa wakas ay mabuksan ang inbox na nakatago sa pagkarami-raming icon ng drawer box sa menu option ng kanyang iPhone, kaagad niyang tinignan ang mensahe ni Deanne. Noong una’y hindi niya pa gaanong na-gets ang text. Marahil ay dahil sa hati ang atensyon niya sa naririnig at naaamoy na luto ni Anthony sa kusina ng Victorian house nito at sa pagkalikot sa nakakabanas niyang telepono.
Ngunit nang muli niyang basahin ang text ay natigilan siya. Holy shit! Hindi pa nga pala niya nasasabi kay Anthony!
C u tonite, Legee! Don’t forget about your promise. U’re still up for a wild night at Clique, right? And the thing wid Ariadne 2. Talk to ya later!
XO! J
Oh hell. Paano niya sasabihin kay Anthony iyon? Nangako siya ditong sasamahan niya si Anthony ngayong gabi at dito niya balak matulog hanggang sa Linggo ng gabi. Even her overnight bag is packed.
Ugh.
Tumungo siya sa dining area kung saan naroon si Anthony at abalang naghahain ng almusal. He was clearly in a good mood, whistling a tune she doesn’t recognize. Ngumiti ito ng pagkatamis nang makita siyang nakatayo sa dining curtain at nanonood.
“Konti na lang, Britanni. This should be ready in a sec.”
Pinilit niyang ngumiti at saka tumango. He smiled at her in return. Nagnakaw pa nga ng halik ang binata sa kanya bago muling pumunta sa kusina at nagpakaabala.
She watched him do the things that is quickly becoming a normal routine to them. It baffled her to be frank. Para kasi silang matagal nang magkakilala at magkasama kung tratuhin nila ang isa’t-isa. Suddenly, they just fell into an easy compromise. Alam nito ang mga gusto niya, alam niya ang mga gusto nito.
It was like living in an ideal world.
Nilapitan niya si Anthony nang nakangiti itong naupo sa hapag-kainan. Masuyo siyang naupo sa kandungan nito at agad namang ipinulupot ng binata ang mga kamay sa kanyang bewang. She stared at him, feeling the tickling sensation in her tummy rising up like new awakened butterflies starting out their morning.
How good that felt.
“Is there a problem?” takang tanong ni Anthony na ngayon ay bahagya nang nakakunot ang noo at tinititigan siyang tila iniisip kung ano’ng problema.
Umiling lamang siya’t nanatiling nakatitig dito.
Broken. That’s how she sees him. Sa panlabas ay mukha lamang itong matatag, malakas at nakaka-intimidate. Especially with this scar—which she was now tracing gently that made him close his eyes to her caressing sensation—that marked his face so violently that any other woman would back away from him just by seeing this. Pero hindi si Britanni. Dahil sa kabila ng nakakatakot na markang ito ay isang sugat na naghahanap lamang ng paghihilom.
BINABASA MO ANG
Beauty And Madness by ANYA RAYNE
Ficción GeneralWarning! For matured readers only. Contains explicit BDSM (Bondage and Discipline, Dominance and Submission, Sadism and Masochism). Read at your own risk. "God, yes, Britanni. Hurt me. Take the pain away. Hurt me." Dominance and submission. A game o...