3: Girlfriend

143 4 1
                                    


"Why are you late?" Tanong ko agad kay Kristoff nung pumasok na siya sa room.


"I bought new strings," Pinakita niya ang mga bagong strings para sa gitara ko.


"Why? Nasira mo na? Ba't hindi ka kasi bumili ng sarili mong gitara, e." Ngumuso ako.


"Bakit pa ako bibili kung meron ka naman? Hindi mo ba alam ang salitang tipid?"


Umirap ako. "Whatever!"


Sa totoo lang, regalo sakin ang gitara na iyan nung 18th birthday ko. Sobrang tuwa ko nung magkaroon ako ng sariling guitar. Regalo siya ng parents ni Dennis.


Naalala ko na naman ang debut ko. Naging masaya naman kasi talaga ako nun kasi nagkaroon ako ng party kahit hindi ko naman hinangad. Naging escort ko pa si Dennis. Pero nakakalungkot lang kasi wala akong natanggap na regalo galing sa kanya. Fvck! Hindi ako 'yung tipong sasabihin na okay lang kahit walang regalo atleast dumating siya. I still wanted a remembrance from him. Pero wala siyang binigay na kahit na ano.


"Nakikinig ka sakin, Tami? Hinangin na naman yata 'yang walang laman mong utak?"


"Putangina mo! Anong sabi mo, Kristoff Valencia?"


Hinila ko pababa ang medyo mahaba niyang buhok. Bale, nakatingala na siya sakin ngayon. Hilig kasi magpahaba ng buhok. Kahit na araw araw ko sabunutan ay hindi pa rin niya magawang magpagupit. Hairstyle daw niya iyon.


"Ikaw kase, e. Aray! Masakit! Sadistang 'to." Ngiwi niya.


"Magic word?"


"Tss."


"Ah ganun ah." Hinila ko pa lalo pababa ang buhok at ulo niya. "Magic word."


"Bakit ko ba sasabihin? Ikaw 'tong may kasalanan. Kinakausap kita pero hindi ka sumasagot."


Gamit ang free hand ko, kinurot ko ang cheeks niya. Lalo siyang napangiwi. Pinagtatawanan na kami ng mga kaklase namin, 'yung iba walang pakialam gaya na lang ni Dennis. Yes, nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko. 'Yung iba naman, naiirita, para raw kaming mga bata. Paki nila? Ito kasing si Kristoff, ang hilig makipag-away sa napakababaw na dahilan.


"Just say it,"


"Bitawan mo nga ako, Tamara Louis Casablanca!"


"Wooh. Takot ako!" Pang-aasar ko.


Binitawan ko na ang buhok niya at kinuha ang hand sanitizer ko sa bag. Sumimangot siya nung makita ang ginawa ko.


"Aba! Malay ko ba kung may germs ang buhok mo? O kaya dandruff?" Nagkibit-balikat ako.


"Walanghiya ka, Tami." Napailing na lang siya.


"Ano na nga sinasabi mo?"


"Wala!"


"Sus! Tampo pa more!" Humalakhak ako. "What is it?"


Tinitigan niya ako. "Magau-audition ako sa banda ng engineering department."


"Talaga? Kelan?"


"Mamaya. Kaya ako bumili ng bagong strings."


Pumalakpak ako. "Sure! Support kita. Ikaw pa! Gusto mo biyayaan ko pa ng swerte 'yang gitara ko e." Hinampas ko siya sa balikat saka tumawa.


"Ang sadista talaga."


Dumating na ang prof namin at nag-discuss na. After niya nag-discuss ay nagpa-activity siya. At sakto pang ka-group ko si Dennis. Pero sa tuwing magpa-participate ako sa talakayan namin ay makikita ko ang pag-irap niya. 87 ang grade na nakuha namin, 2nd to the highest among the groups.


Crazy, Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon